Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Ang nagbabagong paninindigan ni Bato Dela Rosa sa ‘parusa’ sa mga gumagamit ng droga

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na nagdadalawang isip siya tungkol sa pagsusulong ng sarili niyang panukalang batas na nagpaparusa sa paggamit ng droga, na rehabilitasyon na lang sa halip na pagpapakulong.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Bilang director-general ng Bureau of Corrections noong 2018, si Dela Rosa ay nanindigan na ang lahat ng nagkasala sa paggamit ng iligal na droga ay dapat mabigyan ng parusang kamatayan.

By VERA Files

Dec 5, 2022

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa loob ng apat na taon, nagbago ang pananaw ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa tungkol sa pagtrato sa mga illegal drug offender. Bilang director-general ng Bureau of Corrections (BuCor), sinuportahan niya ang parusang kamatayan para sa lahat ng mga nagkasala kaugnay ng ilegal na droga hanggang kanyang iminungkahi ang rehabilitasyon para sa mga gumagamit. Ngayon, sinabi ng dating Philippine National Police (PNP) chief na “nagdadalawang isip” siya tungkol sa sarili niyang panukala.

Matatag siya sa kanyang paninindigan noong 2018 na ipasa ang parusang kamatayan sa lahat ng lumalabag sa paggamit ng iligal na droga, at sinabing ito ay isang epektibong deterrent.

Noong 2022, si Dela Rosa, na namumuno sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ay naghain ng Senate Bill No. 202 na naglalayong amyendahan ang mga parusa para sa mga gumon sa paggamit ng droga. Iminumungkahi nito na para sa mga pangalawang beses na nagkasala, rehabilitasyon ang dapat na parusa sa halip na pagkakulong ng hindi bababa sa anim na taon.

Sa isang pagdinig sa kaniyang panukalang batas, iminungkahi ni Dela Rosa ang isang hiwalay na hakbang na nagde-decriminalize sa paggamit ng droga upang malutas ang pagsisikip ng mga kulungan, isang problema na ninais niyang lutasin sa kanyang anim na buwang panunungkulan bilang hepe ng BuCor.

Narito kung paano nagbago ang paninindigan ng dating hepe ng pulisya sa isyung ito sa paglipas ng panahon:

Bato Dela Rosa’s shifting stance on ‘punishment’ for drug users by Blanch Marie Ancla

Nilinaw ng senador na iminungkahi niya ang S.B. 202 dahil sa “awa” sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan sa masikip na mga kulungan. Ipinaliwanag niya sa isang panayam sa radyo:

“While we want to punish the offenders we are also after their rehabilitation and reformation, na pwede pa silang magbagong buhay. Nakikita natin na sa tagal ko sa PNP, lahat ng kulungan na napuntahan ko, times 1000% ‘yung kanilang occupancy rate. Sobrang punong-puno, hindi na makatulog.

(“Bagamat nais natin na parusahan ang mga nagkasala nais din natin ang kanilang rehabilitasyon at pagbabago, na pwede pa silang magbagong buhay. Nakikita natin na sa tagal ko sa PNP, lahat ng kulungan na napuntahan ko, times 1000% ‘yung kanilang occupancy rate. Sobrang punong-puno, hindi na makatulog.)

 

Pinagmulan: Official Youtube Channel, Dobol B TV Livestream: November 25, 2022 – Replay, Nobyembre 25, 2022, panoorin mula 3:16:52 hanggang 3:17:14

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Senate of the Philippines, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa (resume), Accessed Dec. 1, 2022

Senate of the Philippines, 19th Congress Committee Chairmanship, Sept. 14, 2022

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 202, July 7, 2022

Timeline

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.