Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Ang pagkain ba ng hot dog ay nakaka-kanser?

Isang artikulo na isang taon nang online, na nag-rehash sa isang 2015 Facebook (FB) post ng magazine health show ng ABS-CBN na Salamat Dok, ang nakaliligaw na ipinarehas ang epekto ng pagkain ng tatlong piraso ng hotdog sa paninigarilyo ng isang pakete ng sigarilyo pagdating sa pagkakaroon ng cancer.

By VERA Files

Dec 10, 2019

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Isang artikulo na isang taon nang online, na nag-rehash sa isang 2015 Facebook (FB) post ng magazine health show ng ABS-CBN na Salamat Dok, ang nakaliligaw na ipinarehas ang epekto ng pagkain ng tatlong piraso ng hotdog sa paninigarilyo ng isang pakete ng sigarilyo pagdating sa pagkakaroon ng cancer.

Ang istorya ng Balitang Viral (balitangviral.com) ay umikot sa Web nang higit isang buwan matapos ang isang brand ng hotdog sa Pilipinas ay lumabas na positibo sa African Swine Fever (ASF).

MGA PAHAYAG

Ang artikulong, “Did You know: Processed Food is Cause of Cancer and 3 Hotdogs are Equivalent to 1 pack of Cigarette (sic),” ay gumawa ng pitong pahayag:

– “Three pieces of hot dogs are equivalent to one pack of cigarettes (Ang tatlong piraso ng hotdog ay katumbas ng isang pakete ng mga sigarilyo).”

– “Frequent consumption of hot dogs could cause leukemia and brain cancer (Ang madalas na pagkonsumo ng hotdog ay maaaring maging sanhi ng leukemia at kanser sa utak).”

– “Some hot dogs in the US are made of skin, intestines, and crushed bones of meat. Others can be mixed into it, and they are not really meat (Ang ilang mga hotdog sa US ay gawa sa balat, bituka, at durog na mga buto ng karne. Ang iba ay maaaring ihalo dito, at hindi talaga ito karne).”

– “The World Health Organization has confirmed that eating canned goods, meat, chorizo, and hot dog could cause cancer. Cancer can also be obtained from processed meat like tocino, longganisa, and others (Kinumpirma ng World Health Organization na ang pagkain ng mga de-lata, karne, chorizo, at hotdog ay maaaring maging sanhi ng kanser. Ang kanser ay maaari ring makuha mula sa naproseso na karne tulad ng tocino, longganisa, at iba pa).”

– “There are artificial food colors and preservatives which are not carcinogenic. It is called red 1, and it is okay to use it (May mga artipisyal na food color at mga preservative na hindi carcinogenic. Ito ay tinatawag na red 1, at ito ay okay na gamitin).”

– “Processed food contains nitrite, which becomes nitrosamine, which is carcinogenic once it enters the human body (Ang naproseso na pagkain ay naglalaman ng nitrite, na nagiging nitrosamine, na nagiging carcinogenic sa sandaling pumasok sa katawan ng tao).”

– “If (animal) liver is mixed into (hot dogs) it and the animal was exposed to arsenic prior, that will be carcinogenic (Kung ang atay (ng hayop) ay nahahalo sa (hotdog) ito at ang hayop ay naunang nahantad sa arsenic, iyon ay magiging carcinogenic).”

Pinagmulan: Balitang Viral, Did You know: Processed Food is Cause of Cancer and 3 Hotdogs are Equivalent to 1 pack of Cigarette, Nob. 30, 2019

Lima sa pitong pahayag ay direktang kinopya mula sa FB post ng Salamat Dok.

ANG KATOTOHANAN

Ikinategorya ng International Agency for Research on Cancer (IARC), ang nananaliksik tungkol sa kanser para sa World Health Organization (WHO), ang naprosesong karne bilang “carcinogenic” sa mga tao at inilagay sa parehong kategorya tulad ng paninigarilyo sa tabako. Ang mga natuklasan ng ahensya ay nailathala sa Oktubre 2015 summary at 2018 full report.

Wala sa ulat na ginawa ng IARC ang isang direktang paghahambing sa epekto ng pagkonsumo ng naprosesong karne at paninigarilyo — hindi nito sinabing magkapareho ang pagkunsumo ng tatlong piraso ng hotdog at paninigarilyo ng isang pakete ng sigarilyo.

Ang naprosesong karne, sa pagtukoy ng IARC, ay anumang karne na dumaan sa proseso ng “pag-aasin, curing, fermentation, pagpapausok, o iba pang mga proseso” alinman para sa pagpapahusay ng lasa o para sa preservation ng pagkain. Kasama dito ang mga hotdog, de-lata, tocino, longganisa, at iba pang karne at manok na ‘mechanically separated.’

Samantala, ang red meat, na inuri ng IARC bilang “marahil carcinogenic,” ay nauukol sa “hindi na prosesong mamalian muscle meat” na karaniwang niluto muna bago kainin. Ang mga halimbawa nito ay baboy, karne ng baka, batang tupa, kabayo, at karne ng kambing.

Sinasabi ng mga siyentipiko na may katibayan na nagpapakitang ang naprosesong karne ay maaaring maging sanhi ng colorectal cancer. Gayunpaman, kahit na ang ugnayan sa pagitan ng naprosesong karne at kanser sa tiyan ay natagpuan na, ang ebidensya para dito ay “hindi conclusive.”

Ang naprosesong karne ay walang kaugnayan sa leukemia (kanser sa mga tisyu na bumubuo ng dugo) o kanser sa utak, salungat sa pahayag ngi balitangviral.com.

Sa isang Question and Answer fact sheet, nilinaw ng IARC na habang ang naprosesong karne at paninigarilyo ng tabako ay parehong nasa kategorya ng “carcinogenic sa mga tao,” “hindi ito nangangahulugang lahat sila ay pantay ang panganib.”

Ang mga pag-uuri ng IARC ay batay sa lakas ng ebidensya ng agham na magagamit para mapatunayan na ang isang agent ay nagdudulot ng kanser, hindi sa dami ng panganib na idinudulot ng bawat agent sa mga tao.

Gayunpaman, maraming mga internasyonal na media outlets ang nag tampok sa pagkakasama ng naprosesong karne at paninigarilyo ng tabako sa parehong kategorya ng IARC. Kasama dito ang Salamat Dok, na naglathala sa FB post nito isang buwan matapos mailabas ng IARC ang kanilang ulat.

Tinuligsa ng mga medical professional ang mga ulat sa balita, sinabing ang mga ito ay naglalaman ng “sensational headlines, nagkakalat ng napaka-kakaibang mensahe: ang naprosesong karne ay nakamamatay, tulad ng paninigarilyo.” Nilinaw nila na “ang pagkonsumo ng karne ay hindi paninigarilyo ng tabako.”

It is therefore crucial to underline that the risk of cancer in relation to meat is—both at an individual and at a population level—extremely limited as compared to that of (cigarette) smoking.

(Mahalaga na salungguhitan na ang panganib ng kanser na may kaugnayan sa karne ay – kapwa sa isang indibidwal at sa antas ng populasyon – sobrang limitado kumpara sa paninigarilyo.)”

Pinagmulan: International Journal of Cancer: Letter to the Editor, Meat consumption is not tobacco smoking, Peb. 25, 2016

Ang tatlong natitirang pahayag sa artikulo ng Balitang Viral at post ng Salamat Dok ay kung hindi mali nangangailangan ng karagdagang konteksto.

Sa food coloring na “Red 1” na “okay na gamitin”

Ito ay hindi totoo. Ang artipisyal na pangkulay na Red 1 ay ipinagbawal noong 1961 dahil maaari itong maging sanhi ng cancer sa atay. Ang binagong Abril 2019 kopya ng Code ng Federal Regulations ng United States Food and Drug Administration (FDA) ay nag-utos din na kanselahin ang mga sertipiko na inisyu para sa color additive na “Red No. 1,” at ang paggamit nito ay ituturing na isang uri ng adulteration.

Sa naprosesong pagkain na naglalaman ng nitrite, na nagiging isang sangkap na carcinogenic na tinatawag na nitrosamine

Ang nitrite ay isang katanggap-tanggap na sangkap para sa curing na inilalapat sa pula at naprosesong karne para sa preservation at coloring. Gayunpaman, may posibilidad na ang mga nitrites ay maging nitrosamines kung ilagay sa kondisyon ng acid. Ang mga nitrosamines ay naglalaman ng mga nitroso compound na, ayon sa ulat ng 2015 WHO, ay maaaring mabuo sa pagproseso ng karne.

Ang mga nitrosamine impurity ay itinuturing ng WHO bilang “posibleng human carcinogens.”

Sa atay ng hayop na nakalantad sa arsenic, na nagiging sanhi para ito ay maging carcinogenic

Ang arsenic ay isang heavy metal compound na idineklara ng IARC bilang carcinogenic sa mga tao. Ang pagkakalantad sa arsenic ay madalas na nangyayari sa pamamagitan ng pag inom ng kontaminadong tubig, at ang pagkonsumo ng pagkain na nalantad sa tubig na nahawahan ng arsenic.

Gayunpaman, napansin na ang pagkakalantad sa arsenic sa pamamagitan ng pagkain “ay medyo maliit ang ambag na peligro ng kanser” sa mga residente ng mga lugar na may “napakataas” na konsentrasyon ng arsenic sa kanilang inuming tubig, tulad ng nakasaad sa 2012 IARC report.

Mga Pinagmulan

International Agency for Research on Cancer, IARC Monographs evaluate consumption of red meat and processed meat, Oct. 26, 2015

International Agency for Research on Cancer, Red Meat and Processed Meat, 2018

World Health Organization, Q&A; on the carcinogenicity of the consumption of red meat and processed meat, October 2015

The Telegraph, Processed meat ranks alongside smoking as major cause of cancer, World Health Organisation says, Oct. 26, 2015

The Guardian, Processed meats rank alongside smoking as cancer causes – WHO, Oct. 26, 2015

Science Media Center, Expert reaction to IARC classification of processed meat as “carcinogenic to humans” and red meat as “probably carcinogenic to humans,”Oct. 26, 2015

International Journal of Cancer: Letter to the Editor, Meat consumption is not tobacco smoking, Feb. 25, 2016

Center for Science in the Public Interest, Banned Additives, n.d.

United States Food and Drug Administration, CFR – Code of Federal Regulations Title 21, April 1, 2019

World Health Organization, Information Note Nitrosamine impurities, n.d.

World Health Organization,Arsenic, Feb. 15, 2018

International Agency for Research on Cancer, Arsenic, metals, fibres, and dusts, 2012

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.