Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Bongbong Marcos spox mali sa pahayag na “hindi kailanman dinisimula” ni Marcos ang kanyang Oxford education

Iginiit ng abogadong si Victor Rodriguez, chief of staff ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa isang pahayag na ang presidential aspirant ay laging naging tapat sa kanyang educational attainment mula sa University of Oxford sa England.

By VERA Files

Oct 30, 2021

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Iginiit ng abogadong si Victor Rodriguez, chief of staff ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa isang pahayag na ang presidential aspirant ay laging naging tapat sa kanyang educational attainment mula sa University of Oxford sa England.

Ito ay hindi totoo. Sa hindi bababa sa tatlong pagkakataon, gumawa si Marcos Jr. ng mga hindi tumpak na pahayag sa kanyang mga kredensyal.

PAHAYAG

Sa isang pahayag na inilabas sa mga mamamahayag noong Okt. 23, sinabi ni Rodriguez:

We stand by the Degree confirmation which was issued by the University of Oxford. It is up to anyone to question or challenge this with the said university if they so please.

(Naninindigan kami sa kumpirmasyon ng Degree na inisyu ng University of Oxford. Nasa tao na ang pagtatanong o paghamon nito sa nasabing unibersidad kung nais nila.)

Pinagmulan: ABS-CBN News, Presidential aspirant Bongbong Marcos’ camp…, Okt. 23, 2021; Inquirer.net official Twitter account, JUST IN: Bongbong Marcos’ camp responds to the statement of Oxford Philippines Society…, Okt. 23, 2021; Rappler, Oxford: Bongbong Marcos’ special diploma ‘not a full graduate diploma’, Okt. 27, 2021

Pagkatapos ay sinabi niya:

Presidential aspirant Bongbong Marcos has always been forthright on his conferment of a special diploma in social studies by the distinguish (sic) university and has never misrepresented his Oxford education.”

(Ang presidential aspirant na si Bongbong Marcos ay palaging naging tapat sa kanyang pagkakaroon ng espesyal na diploma sa araling panlipunan mula sa kinikilalang unibersidad at hindi kailanman nag-misrepresent tungkol sa kanyang pag-aaral sa Oxford.)

Pinagmulan: Jacque Manabat, ABS-CBN reporter official Twitter account, Presidential aspirant Bongbong Marcos’ camp… , Okt. 23, 2021; Inquirer.net official Twitter account, JUST IN: Bongbong Marcos’ camp responds to the statement of Oxford Philippines Society…, Okt. 23, 2021; Rappler, Oxford: Bongbong Marcos’ special diploma ‘not a full graduate diploma’, Okt. 27, 2021

Ang pahayag ni Rodriguez ay lumabas matapos ang Oxford Philippines Society, isang organisasyon ng humigit-kumulang 200 Filipino na estudyante at alumni ng prestihiyosong unibersidad, ay naglathala ng isang pahayag noong Okt. 22 na tumutugon sa “maling impormasyon” tungkol sa mga kwalipikasyong pang-edukasyon ni Marcos Jr. na umiikot online.

ANG KATOTOHANAN

Isang naka-archive na kopya ng talambuhay at resumé ni Marcos Jr. sa website ng Senado noong siya ay mambabatas mula 2010 hanggang 2015 ay nagpakita na siya ay “nakakuha” ng bachelor’s degree sa Political Science, Philosophy at Economics mula sa Oxford noong 1978.

Kinumpirma ng Oxford sa VERA Files Fact Check sa isang email noong Okt. 27 na si Marcos Jr. ay “nag enroll sa University of Oxford noong 1975 para sa isang BA sa Philosophy, Politics and Economics (PPE).”

Ayon sa mga tala ng unibersidad, ang dating senador ay “hindi nakatapos ng kanyang degree,” ngunit ginawaran ng isang espesyal na diploma sa araling panlipunan noong 1978.

Sa hindi bababa sa dalawang panayam sa media, maling itinumbas ni Marcos Jr. ang kanyang espesyal na diploma sa isang bachelor’s degree.

Ginawa ito ng dating senador sa isang panayam sa Rappler noong 2015 na tumakbo ng ganito:

“Q: So you said you got a diploma (So sabi mo may diploma ka)?

Marcos Jr.: Mhmm. Yeah, I got a diploma. What do you get when you graduate? You get a diploma (Oo, nakakuha ako ng diploma. Ano ang makukuha mo kapag nagtapos ka? Nakakakuha ka ng diploma).

Q: But you also have a degree (Pero may degree ka rin)?

Marcos Jr.: I suppose — I got my diploma eh (Palagay ko — nakuha ko na ang diploma ko eh).”

Pinagmulan: Rappler Official Youtube Channel, Bongbong Marcos on whether he has Oxford degree: I suppose, Marso 2, 2015, panoorin mula 1:33 hanggang 1:44

Samantala, sa isang panayam sa DZMM radio noong Enero 2016, tinanong si Marcos Jr., na tumatakbong bise presidente noong taong iyon, kung ang isang espesyal na diploma ay kapareho ng isang degree sa Oxford.

Sumagot siya sa Ingles, “Sa palagay ko may mga pagkakaiba pero ang pagtatapos no’n ay isang bachelor’s degree.”

Sa email noong Okt. 27, nilinaw pa ng Oxford sa VERA Files Fact Check na ang espesyal na diploma na iginawad kay Marcos Jr. ay “hindi isang full graduate diploma.” Sinabi nito sa Ingles:

“Ang Espesyal na Diploma, na hindi na inaalok ng Unibersidad, ay bukas sa parehong mga undergraduate at graduate. Ang mga non-university member ay maaari ding mag enroll sa ilalim ng ilang mga pagkakataon. Walang naitalang kaugnayan sa pagitan ng BA (sa Philosophy, Politics at Economics) at Espesyal na Diploma, at ang Espesyal na Diploma ay hindi isang ganap na graduate Diploma.”

Pinagmulan: Personal Communication (Email), Oxford Head of University Communications, Okt. 27, 2021

Ipinakikita ng mga ulat na ang unibersidad ay pinawawalang-bisa ang mga pahayag ni Marcos Jr. tungkol sa bachelor’s degree mula noong 1983.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Oxford Philippines Society, OFFICIAL STATEMENT OF THE OXFORD PHILIPPINES SOCIETY, Oct. 22, 2021

Kaalaman PH Media Facebook page, BASAHIN: VIRAL ANG PAHAYAG NA NAGBIBIGAY…, Oct. 21, 2021

Bong bong Marcos tayo sa 2022 Facebook page, “100 Notable alumni of University of Oxford” Nag search ako sa Google chrome ito ang lumabas …, Oct. 23, 2021

Global BBM for President Movement 2022 Facebook group, #reposted Bongbong Marcos (BBM) Degree at University of Oxford…, Oct. 26, 2021

ABS-CBN News, Presidential aspirant Bongbong Marcos’ camp… , Oct. 23, 2021

Inquirer.net official Twitter account, JUST IN: Bongbong Marcos’ camp responds to the statement of Oxford Philippines Society…, Oct. 23, 2021

Rappler, Oxford: Bongbong Marcos’ special diploma ‘not a full graduate diploma’, Oct. 27, 2021

Senate of the Philippines, Bongbong Marcos Biography (Archived), Accessed Oct. 27, 2021

Senate of the Philippines, Bongbong Marcos Resumé (Archived), Accessed Oct. 27, 2021

ABS-CBN News Official Youtube Channel, Marcos: Special diploma from Oxford is same as bachelor’s degree, Jan. 21, 2016

Rappler Official Youtube Channel, Bongbong Marcos on whether he has Oxford degree: I suppose, March 2, 2015

Personal Communication (Email), Oxford Head of University Communications, Oct. 27, 2021

ABS-CBN News, Oxford University confirms Marcos Jr. did not graduate, failed to complete degree, Oct. 27, 2021

PressONE.PH, Oxford confirms Bongbong did not finish college, only has ‘special diploma’, Oct. 28, 2021

Philstar Life, A 1983 letter from Oxford University further proves Bongbong Marcos did not complete his degree, Oct. 28, 2021

Religious of the Good Shepherd, Philippines-Japan, OUR DUTY IS TO THE TRUTH (Letter to Sister Mary, April 20, 1983), Oct. 27, 2021

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.