Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Bumaligtad ba si Duterte sa ‘coalition government’ kasama ang CPP, tulad ng sabi ni Sison?

Tama si Sison tungkol sa pagbabago ng isip, pero mali ang pagkakataon.

By VERA Files

Dec 4, 2017

3-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sa isang matapang na pahayag, inakusahan ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison, si President Rodrigo Duterte ng pagbabago ng isip nang sinabi niyang “hindi maaaring ibigay” sa CPP ang “coalition government.”

Tama si Sison tungkol sa pagbabago ng isip, pero mali ang pagkakataon.

PAHAYAG

Sa isang talumpati noong Nob. 24, isang araw matapos niyang wakasan ang negosasyong pangkapayapaan sa CPP, ang armado nitong grupo na New People’s Army (NPA) at ang pampulitika organisasyon na National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sinabi ni Duterte:

“Habang nabubuo sa aming mga pag-uusap, napansin ko na ang takbo ng mga kaisipan ng kabilang panig. At kapag sinuma ko ito lahat, pagbabasa mula sa lahat ng nakaraang mga papeles sa trabaho, ito ay parang isang coalition government. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ko sa mga nakaraang araw, hindi ko maibibigay sa iyo ang hindi ko pag-aari. At tiyak, ang isang coalition government sa Republika ng Pilipinas ay kalokohan. ”

Pinagmulan: Talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ika-67 na Anibersaryo ng Pagtatatag ng First Scout Ranger Regiment, Nob. 24, San Miguel, Bulacan, panoorin mula 2:06 hanggang 2:51

Sumagot si Sison sa pamamagitan ng pagtawag kay Duterte na “malaking sinungaling,” na binabanggit ang isang ulat ng balita noong 2014 na nagsabing ang presidente ay “bukas sa isang coalition government.”

Upang patunayan na ang Duterte ay isang malaking sinungaling sa usapin ng coalition government, tinatawagan ko ang pansin ng mga mamamayang Pilipino sa sumusunod na mga link ng balita,” sumulat si Sison, na binabanggit ang artikulo sa Inquirer.net na nagsabing:

“Pinatunayan ni Mayor Rodrigo Duterte ang mga ispekulasyon sa kanyang interes sa pagtakbo bilang presidente sa eleksyon ng 2016 nang sabihin niyang siya ay bubuo ng coalition government kasama ang Communist Party of the Philippines kung sakaling siya ay mahirang bilang susunod na pangulo.

Sa Dis. 21 na episode ng kanyang pang Linggong programa sa telebisyon, sinabi ulit ni Duterte na umaasa siya na ang coalition government ay magtatapos sa 46-taong rebelyong komunista.
Ito ang pangalawang pagkakataon na binanggit niya ang tungkol sa pagbuo ng isang coalition government kasama ang Kaliwa.

Ang unang pagkakataon ay sa paglabas noong nakaraang dalawang linggo ng dalawang sundalo na bihag ng New People’s Army sa Davao del Norte.”

Pinagmulan: Inquirer.net, Duterte vows to forge coalition with CPP, MNLF if elected president

FLIP-FLOP

Tama si Sison tungkol sa pagbaligtad.

Bukod sa ulat ng Inquirer.net, ang online news publication na Davao Today noong 2015 ay nag-upload ng isang video ni dating Davao City Mayor Duterte na nagsasabi:

“‘Ang koalisyon ng gobyerno na ito, hindi naman ito para may maghari-hari. Kung may koalisyon, pare-pareho na lahat ng Pilipino; kung komunista ka o mula sa gobyerno. Kaya’t mabubuhay tayo sa mas maayos na mundo.”

Pinagmulan: Davao Today. Duterte speaks of coalition govt, federalism during warden’s release, Enero 19, 2015, panoorin mula 0:11 hanggang 0:25

Gayunpaman, bumaligtad agad si Duterte noong Hulyo 1, 2016, sa kanyang unang araw pagkatapos ng inagurasyon sa puwesto:

“Kung maaari kong makausap si (Jose) Maria Sison at dalhin – hindi isang coalition government – isang pamahalaan na kasama ang lahat.”

Pinagmulan: Talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Change of Command Ceremony, Hulyo 1, 2016, panoorin mula 6:10 hanggang 6:19

Mas tahasa ang isang pahayag ni Duterte noong Hulyo 28, na nagsasabing siya ay “hindi kailanman, hindi sasang-ayon sa isang coalition government”:

“Gusto kong tiyakin sa lahat ng tao dito sa kuwartong ito na hindi ko, hindi kailanman sasang-ayon sa isang coalition government.”

Pinagmulan: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Situation Briefing, Hulyo 28, 2016, panoorin mula 0:53 hanggang 0:59

BACKSTORY

Ang paghahabol ng kapayapaan sa mga komunistang rebelde ay isang pangako sa kampanya ni Duterte, na sa pagsungkit ng pagkapangulo ay nag-alok ng mga posisyon sa Gabinete sa CPP at tinatanggap ang planong pagbabalik ni Sison sa bansa mula sa kanyang pagkatapon sa The Netherlands. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte says ‘Yellows’ and ‘Reds’ should merge; that doesn’t make sense)

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), ipinangako ni Duterte na “magsikap na magkaroon ng permanenteng at walang hanggang kapayapaan” at inihayag ang unilateral na tigil-putukan sa NPA. (Tingnan ang VERA FILES SONA PROMISE TRACKER: Peace process)

Ang negosasyong pangkapayapaan ay umabot sa ika-apat na round ng pormal na pag-uusap noong Abril 2017, ngunit kinansela ng gobyerno ang susunod na round, na binanggit ang isang direktiba ng CPP na palakasin ang pag-atake kasunod ng deklarasyon ng batas militar sa Mindanao.

Sa kanyang pangalawang SONA, hayagang binatikos ni Duterte si Sison at sinabi na ang mga usapan ay walang pinupuntahan. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Peace or war?)

Tinutukoy ang kabiguan umano ng NDFP “na ipakita ang katapatan at pangako nito sa pagsasakatuparan ng tunay at makabuluhang negosasyong pangkapayapaan,” pinirmahan ni Duterte noong Nob. 23 ang Proclamation No. 360, pormal na nagtatapos sa mga usapang pangkapayapaan.

Mga pinagkunan:

Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, Timeline of the Peace Process between the Philippine Government and NDF-CPP-NPA

josemariasison.org, Duterte is a big liar

Official Gazette, Proclamation No. 360

Davao Today, Duterte speaks of coalition govt, federalism during warden’s release, Jan. 19, 2015

Inquirer.net, Duterte vows to forge coalition with CPP, MNLF if elected president, Dec. 28, 2014

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

2017-12-05 12:02:07 UTC>

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.