Sa nagdaang limang taon ng kanyang pagkapangulo, nagsimula si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisikap na makipag-usap ng kapayapaan sa Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armadong grupo nito, ang New People’s Army (NPA), na humantong sa pagdeklara ng isang all-out war sa kilusan upang wakasan, sa loob ng kanyang termino, ang 52-taong armadong pakikibaka.
Panoorin ang video na ito:
Ang pagtatapos sa rebelyong komunista sa pamamagitan ng isang kasunduang pangkapayapaan sa CPP-NPA ay bahagi ng six-point peace at development agenda, na inaprubahan ng pangulo noong Hulyo 2016. Upang mapalakas ang usapang pangkapayapaan, nagtalaga si Duterte, na minsang inilarawan ang kanyang sarili bilang socialist at unang maka-kaliwang pangulo ng Pilipinas, ng dalawang maka-kaliwang lider sa kanyang Gabinete ngunit tinutulan ng Commission on Appointments ang kanilang mga nominasyon.
Mula noong 2016, maraming beses nagbago ang isip ng pangulo sa pagpapatuloy ng negosasyon o pagpapatuloy ng pakikipaglaban sa CPP-NPA. Ang National Democractic Front, ang pampulitikang haligi ng kilusan, ang kinatawan ng grupo sa mga pag-uusap. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte blows hot and cold with the Reds at VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Panelo na laging bukas si Duterte sa usapang pangkapayapaan sa mga Komunista hindi totoo)
Inakusahan ni Duterte ang mga rebeldeng komunista ng pagkakaroon ng masamang plano, binanggit ang kanilang patuloy na pag-atake at pananambang sa mga puwersa ng estado at mga pinuno ng sibilyan at pagkolekta ng mga “rebolusyonaryong buwis” mula sa mga opisyal ng barangay at mga pribadong kontratista kahit na nagpapatuloy ang negosasyong pangkapayapaan.
Noong Marso 2019, inihayag ni Duterte ang permanenteng pagwawakas ng negosasyon sa CPP-NPA matapos na kanselahin ang pag-uusap noong Nobyembre 2017 at idineklara ang grupo bilang isang teroristang samahan.
Ang CPP-NPA-NDF, sa kabilang banda, ay ihinirit, bukod sa iba pa, ang pagpapalaya sa lahat ng mga political prisoner, na igalang ni Duterte ang dating inaprubahang mga kasunduang pangkapayapaan, at magtatag ng tunay na mga repormang sosyo-ekonomiko para maipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan. Sumalungat ito sa kundisyon ng pangulo na gawin ang mga pag-uusap sa Pilipinas at ang pagbabalik sa bansa ni Jose Maria Sison, isa sa mga nagtatag ng CPP na nasa Netherlands mula pa noong 1987 at nanatili doon bilang political refugee mula pa noong 1992.
Sumalungat din ang CPP-NPA sa ilang mga patakaran ni Duterte, tulad ng pagsasagawa ng localized na usapang pangkapayapaan upang kumbinsihin ang mga rebelde na sumuko at ang pagdeklara ng martial law sa Mindanao dahil ng armadong tunggalian sa Marawi City noong 2017. Binawi rin ng grupo ang suporta nito sa giyera ni Duterte laban sa droga dahil sa pagiging “anti-people at anti-democratic,” halos isang buwan lamang matapos ipahayag ang pagtulong sa pagpapatupad nito noong Hulyo 2016.
Noong Disyembre 2020, sinabi ni Duterte na wala nang tigil-putukan sa mga rebeldeng komunista hanggang sa katapusan ng kanyang termino. Nangyari ito apat na araw pagkatapos ng isang special session ng United Nations General Assembly (UNGA), kung saan sinuportahan niya ang mga panawagan para sa isang pandaigdigang tigil-putukan sa mga armadong tunggalian. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Matapos suportahan ang panawagan para sa ‘global ceasefire’ sa gitna ng pandemic, sinabi ni Duterte na ‘patay na’ ang truce sa ‘Reds’)
Sa parehong buwan, ang CPP-NPA ay muling itinalaga bilang isang teroristang grupo ng Anti-Terrorism Council, isang multi-agency body na pinamunuan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, alinsunod sa Republic Act No. 11479, o ang Anti-Terrorism Act of 2020. Nilinaw ng konseho, gayunpaman, na ang pagtatalaga ay nakatuon sa pag freeze ng mga asset ng pangkat at “without prejudice” sa isang nakabinbing deklarasyon ng korte tulad nito.
Sa kanyang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 26, sinabi ni Duterte na sa tulong ng mga local government unit sa anti-insurgency program ng kanyang administrasyon, ang suporta para sa CPP-NPA ay “patuloy na mawawala sa mga susunod na buwan.”
Binanggit niya na nawasak nang pulisya at ang militar ang higit sa 15 “apparatus” ng mga CPP-NPA front at higit sa 17,000 dating mga rebeldeng komunista ang sumuko na sa gobyerno.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
RTVMalacanang, State of the Nation Address 2021, July 26, 2021 (transcript)
RTVMalacanang, State of the Nation Address 2016, July 25, 2016 (transcript)
Office of the Presidential Adviser on Peace Process, Peace Process with the Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front (CPP/NPA/NDF), Accessed July 28, 2021
Official Gazette, GPH to NPA: Stop inflicting violence, April 29, 2013
RTVMalacanang, Fourth Round of Formal Peace Talks, April 6, 2017
RTVMalacanang, Meeting with the Peace Negotiating Panels between the GPH and CPP/NPA/NDF, Sept. 28, 2016
RTVMalacanang, Oath-taking of Peace Panel Members 7/18/2016, Sept. 18, 2016
Official Gazette, Proclamation No. 360, Nov. 23, 2017
RTVMalacanang, Meeting with the Peace Negotiating Panels between the GPH and CPP/NPA/NDF, Sept. 28, 2016
Office of the Presidential Adviser on Peace Process, OPAPP ACCOMPLISHMENT REPORT First Quarter 2018, June 21, 2018
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Duterte during the Meeting with the Filipino Community in Singapore, Dec. 16, 2016
Inquirer.net, Duterte fires last leftist in government, Oct. 3, 2018
CNN Philippines, Duterte relieved Congress rejected appointment of leftist Cabinet members, Sept. 27, 2018
ABS-CBN News, Duterte says relieved Congress rejected leftist leaders’ Cabinet appointments, Sept. 26, 2018
Presidential Communications Operations Office, TALK TO THE PEOPLE, June 7, 2021
Presidential Communications Operations Office, Enemies of the state muddling fight against coronavirus, says President Duterte – Presidential Communications Operations Office, June 23, 2020
Presidential Communications Operations Office, Media Interview with President Rodrigo Roa Duterte Following his Visit to the 403rd Infantry Brigade – Presidential Communications Operations Office, July 6, 2017
Presidential Communications Operations Office, President Duterte announces termination of peace talks with communists – Presidential Communications Operations Office, Nov. 24, 2017
Official Gazette, Proclamation No. 374, series of 2017, Dec. 5, 2017
Philippine Revolution Web Central, PRWC » Welcome to Duterte’s willingness to talk peace and let backchannel talks to lay the ground, March 6, 2020
Philippine Revolution Web Central, On Duterte’s demand to hold talks in Philippines, June 20, 2018
Philippine Revolution Web Central, PRWC » Duterte, Peace Talks and Prof. Jose Maria Sison, July 5, 2021
Jose Maria Sison official website, JMS Legal Case Files, Accessed July 21, 2021
Philippine Revolution Web Central, CPP rejects Duterte ‘localized peace talks’, July 13, 2018
Philippine Revolution Web Central, PRWC » AFP offensives and atrocities in Mindanao heighten since declaration of Martial Law, May 27, 2017
Official Gazette, Proclamation No. 216, s. 2017,May 23, 2017
GMA News Online, CPP no longer supports Duterte’s war on drugs, Aug. 23, 2016
Rappler.com, CPP: Duterte’s war on drugs ‘anti-people, undemocratic’, Aug. 3, 2016
ABS-CBN News, CPP: Duterte’s drug war is ‘anti-people, anti-democratic’, Aug. 14, 2016
National Democractic Front, Response to President Duterte’s call for anti-drug cooperation — CPP July 2, 2016,
Anti-Terrorism Cuncil, CPP/NPA AND ISLAMIC STATE EAST ASIA AND ASSOCIATED GROUPS DESIGNATED AS TERRORIST GROUPS, December 2020
Anti-Terrorism Council, ATC organization, Accessed July 31, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)