Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT CHECK: Calida maling ipinahayag na may immunity si Duterte sa pagsisiyasat ng ICC, inakusahan ang CHR na nagyayabang tungkol imbestigasyon sa presidente

Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na may immunity si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasampa ng kaso na magliligtas sa kanya sa anumang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) o ng Commission on Human Rights (CHR). Mali.

By VERA Files

Feb 23, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na may immunity si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasampa ng kaso na magliligtas sa kanya sa anumang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) o ng Commission on Human Rights (CHR). Mali.

Inakusahan din niya ang CHR ng pagmamalaki tungkol sa imbestigasyon kay Duterte at kinontra ang mandato ng komisyon na mag imbestiga. Mali.

PAHAYAG

Nang tanungin sa isang press conference noong Peb. 13 kung sino ang haharap para sa gobyerno sa ICC sakaling umusad ang paunang imbestigasyon sa mga pagpatay na may kaugnayan sa kampanya laban sa droga, kinuwestiyon ni Calida ang awtoridad ng international court na siyasatin ang pangulo. Sinabi niya na ang 1987 Konstitusyon ay “mas mataas kaysa sa anumang kasunduan,” kalabilang ang Rome Statute na lumikha ng ICC.

Ginamit din ni Calida ang immunity ng presidente sa ilalim ng Konstitusyon:

“Sa ilalim ng ating Konstitusyon at itinaguyod ng batas, ang presidente ay hindi maaaring kasuhan. Kung siya ay immune sa kaso sa ilalim ng ating Konstitusyon, bakit ang isang organisasyon, na gumagamit ng isang kasunduan, ay magagawa (ito), tulad ng halimbawa ng ICC na ito? Ang kasunduan ba ay mas mataas kaysa sa ating Konstitusyon?”

Pinagmulan: Facebook page ng News5, Press briefing ni Solicitor General Jose Calida, Peb. 13, 2018, panoorin mula 24:01 hanggang 24:46

Kinumpirma ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda noong Peb. 8 na ang kanyang opisina ay magsagawa ng isang paunang pagsusuri ng mga krimen na ginawa sa kampaya ng gobyerno laban sa droga. Ang ICC “ay nagsisiyasat at, kung kinakailangan, kinakasuhan ang mga indibidwal ng genocide, war crimes, crimes against humanity at crime of aggression.

Sinabi ni Calida na ang ICC “ay walang hurisdiksyon dahil ang ating mga korte ay gumagana,” at itinuro bilang katibayan ang isang nakabinbing kaso sa Korte Suprema na kinukuwestiyon ang pagiging ayon sa Konstitusyon ng Oplan Tokhang. Sa press conference, ibinaling din ni Calida ang galit sa CHR:

“At ngayon itong CHR, kanilang ipinagmamayabang na sila ang gagawa ng pagsisiyasat. Saan nakuha ang awtoridad nito? Ang CHR ba ay ibang sangay ng gobyerno? Sa aking pagkakaalam, mayroon lamang tatlo: executive, legislative, judiciary. ”

Pinagmulan: Facebook page ng News5, Press briefing ni Solicitor General Jose Calida, Peb. 13, 2018, panoorin mula 24:51 hanggang 25:12

FACT

Ang immunity sa kaso ni Duterte sa panahon ng kanyang panunungkulan ay hindi makapipigil sa ICC na imbestigahan siya.

Ang Rome Statute, kung saan ang Pilipinas ay kasama sa mga pumirma, ay nagsasabi:

“Ang mga immunity o mga espesyal na patakaran sa pamamaraan na maaaring kalakip sa opisyal na kapasidad ng isang tao, maging sa ilalim ng pambansa o pandaigdig na batas, ay hindi dapat makahadlang sa Korte sa paggamit ng hurisdiksyon nito sa naturang tao.”

Pinagmulan: Article 27, Rome Statute of the International Criminal Court

Ibig sabihin ang presidential immunity, na naunang ginamit ni Duterte nang siya ay magbantang pumatay ng mga kriminal, ay hindi dahilan para maiwasan/hindi mapasailalim sa pagsisiyasat ng ICC. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: ICC can strip off Duterte’s immunity)

Maski na tama si Calida sa pagsasabi na hindi maaaring makialam ang ICC kapag ang mga lokal na korte ay gumagana, ang Pilipinas, na naging kapartido sa Rome Statute mula pa noong 2011, ay may “pangkalahatang obligasyon na makikipagtulungan” sa ICC sa mga pagsisiyasat nito.

“Ang mga Partido ng Estado ay dapat, alinsunod sa mga probisyon ng Batas na ito, ganap na makikipagtulungan sa Korte sa pagsisiyasat at pag-uusig ng mga krimen sa loob ng hurisdiksyon ng Korte.”

Pinagmulan: Artcile 86, Rome Statute of the International Criminal Court

“Nang tayo ay maging bahagi ng Rome Statute na nagtatag ng ICC, tayo ay sumang-ayon na itong international legal system na ito ay pananagutin ang mga internasyonal na kriminal sa harap ng unang permanenteng internasyonal na hukuman sa mundo,” sabi ng abugadong si Romel Bagares sa isang mas naunang pakikipanayam sa VERA Files.

Ang alegasyon ni Calida na ang CHR ay nagyabang tungkol pag-iimbestiga kay Duterte ay hindi rin tama.

Si CHR Chairperson Chito Gascon, kasunod ng pahayag ni Bensouda noong Peb. 8, ay hindi kailanman nagsabi na ang kanyang opisina ay magsisiyasat kay Duterte nang hiwalay sa imbestigasyon ng ICC.

Sa isang ulat ng Agence France Presse, sinabi ni Gascon na handa ang CHR na magbigay ng tulong kung hilingin ng international tribunal.

“Ang CHR ay handa na, kung hilingin, tumulong sa anumang paraan sa proseso ng paunang pagsusuri. Ang gobyerno, bilang isang partido sa Rome Statute, ay obligado na ganap na makipagtulungan sa ICC.”

Mga Pinagmulan: Abs-cbn.com, CHR ready to work with ICC in probe over deaths in anti-illegal drugs campaign, Peb. 10, 2018; Philstar.com, Gascon ready to work with ICC in Duterte probe, Peb. 10, 2018; Inquirer.net. CHR chief ready to work with ICC in EJK probe, Peb. 11, 2018.

Taliwas sa pahayag ni Calida, ang CHR, bagama’t hindi isang hiwalay na sangay ng gobyerno, ay may kapangyarihang mag-imbestiga sa mga paglabag sa karapatang-tao ng estado at hindi ng mga nasa labas ng gobyerno.

Binigyan ng mandato ng 1987 Konstitusyon ang komisyon na “magsiyasat, sa pansarili o sa reklamo ng sinumang partido, ng lahat ng anyo ng mga paglabag sa karapatang pantao na kinasasangkutan ng/may kinalaman sa mga karapatang sibil at pampulitika.” (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: The Commission on Human Rights, explained)

Ang CHR noong 2016 ay nagsimulang magsiyasat sa umano’y mga extrajudicial killings sa giyera laban sa droga ng administrasyon ni Duterte.

Mga pinagmulan:

Inquirer.net. CHR chief ready to work with ICC in EJK probe, Feb. 11, 2018

Abs-cbn.com. CHR ready to work with ICC in probe over deaths in anti-illegal drugs campaign, Feb. 10, 2018

Philstar.com. Gascon ready to work with ICC in Duterte probe, Feb. 10, 2018

Gmanetwork.com. Task force EJK, binuo ng CHR para imbestigahan ang pagpatay umano sa ilang drug suspect, July 14, 2016

International Criminal Court. About.

International Criminal Court. Rome Statute of the International Criminal Court.

International Criminal Court. Statement of the Prosecutor of the International Criminal Court, Mrs Fatou Bensouda, on opening Preliminary Examinations into the situations in the Philippines and in Venezuela, Feb. 8, 2018

International Criminal Court. Understanding the International Criminal Court.

Official Gazette, The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.