Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: DILG, mga security official pa iba iba ang sinasabi tungkol sa mga community pantry

Kumuha ng inspirasyon mula sa community pantry sa Maginhawa St. sa Quezon City na pinasimulan ng 26-taong-gulang na si Ana Patricia Non noong Abril 14, higit 300 na mga katulad na mga food stall ang umusbong sa buong bansa nang wala pang isang linggo. Pero ang tatlong mataas na executive ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ilang mga security official ang nagbigay ng nakalilito at magkakasalungat na mga pahayag sa kung ano ang gagawin sa inisyatibang kawanggawa.

By VERA Files

Apr 28, 2021

10-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Kumuha ng inspirasyon mula sa community pantry sa Maginhawa St. sa Quezon City na pinasimulan ng 26-taong-gulang na si Ana Patricia Non noong Abril 14, higit 300 na mga katulad na mga food stall ang umusbong sa buong bansa nang wala pang isang linggo. Pero ang tatlong mataas na executive ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ilang mga security official ang nagbigay ng nakalilito at magkakasalungat na mga pahayag sa kung ano ang gagawin sa inisyatibang kawanggawa.

Mula sa pagsasabing “kailangan” ng mga organizer na kumuha ng isang permit mula sa mga barangay o mga local government unit (LGUs) upang “makontrol” ang dami ng mga taong pumipila para makakuha ng mga kalakal mula sa pantry, binawi ng isang DILG undersecretary ang kanyang pahayag kinabukasan, sinabing kailangan lang nilang makipagtulungan sa mga opisyal ng barangay para sa crowd control upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang ilan sa mga community pantry organizer at mga volunteer ay na red-tag at nilapitan ng mga tagapagpatupad ng batas para sa “profiling” o tinatanong kung anong mga pangkat sila kaalyado, bukod sa iba pang mga personal na detalye.

Sinubaybayan ng VERA Files Fact Check ang mga pa iba ibang mga pahayag ng mga pampublikong opisyal na naging sanhi hindi lamang ng pagkalito sa publiko kundi pati na rin sa “takot” para sa kaligtasan ng mga volunteer ng community pantry at kanilang mga pamilya.

Sa pangangailangan na ‘kumuha’ ng permit mula sa mga lokal na awtoridad

Sa magkakahiwalay na panayam noong Abril 20, nagbigay ng magkasalungat na pahayag sina DILG undersecretary Martin Diño at Jonathan Malaya kung ang mga community pantry organizer ay kailangan ng permit mula sa barangay para makapag-operate.

Bilang undersecretary for barangay affairs, sinabi ni Diño sa isang pakikipanayam sa ANC Headstart na ang mga community pantry organizers ay kailangang kumuha ng permiso mula sa barangay na mayroong hurisdiksyon sa lugar. Binalaan niya na ang tagapangulo nito ay maaaring makasuhan dahil sa mass gathering kung hindi nila masiguro ang physical distancing ng mga taong pumipila sa mga community pantry.

Ngunit sinabi ni Malaya, sa isa pang panayam sa ABS-CBN Teleradyo makalipas ang isang oras, na ayaw ng DILG na “makagambala” sa charity drive at pinayuhan ang mga opisyal ng barangay na huwag nang pakunin ng permit ang mga organizer para sa pagtatayo ng mga community pantry.

Bumaligtad si Diño kinabukasan matapos linawin ni Secretary Eduardo Año na mga barangay na lang ang magpapasya kung kailangan ng permit.

Sinabi ni Diño na siya ay na “misquote” ng media sa nauna niyang pahayag. Hindi ito totoo.

Karamihan sa mga mayor ng Metro Manila ay sumuporta sa mga community pantry sa pamamagitan ng pagsasabi na hindi kailangan ng permit para maglagay ng mga stall para sa ipamamahaging mga donasyon na consumer goods, basta susundin ang mga health protocol.

Gayunman, ang Metro Manila Council (MMC) — ang gumagawa ng patakaran ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na binubuo ng lahat ng 17 mayor ng Metro Manila — ay naglabas ng MMDA Resolution No. 21-08 noong Abril 25, na “hinihimok maigi” ang mga organizer na makipag-ugnayan sa mga LGU tungkol sa kanilang mga aktibidad para matiyak ang wastong pagpapatupad ng mga COVID-19 protocol.

Ito ay matapos mangyari ang pagkamatay ni Rolando Dela Cruz, 67, na hinimatay habang naghihintay sa pila sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin bilang pagdiriwang ng kanyang ika-36 kaarawan. Libu-libong tao ang dumagsa sa community pantry sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, kung saan ang inihandang goods ay para sa 300 katao lamang na may paunang naipamahaging mga kupon. Ang napakaraming mga tao ay hindi nagawang sumunod sa physical distancing.

Nag-isyu si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng mga alituntunin para sa mga community pantry, kabilang ang pagbibigay ng mga organizer ng nakasulat na abiso sa barangay tungkol sa aktibidad, ngunit hindi kinakailangan ang permit para makapag-operate.

Binago din ni Año ang kanyang posisyon, at inutusan ang mga community pantry organizer na makipag-ugnay sa mga LGU at sa Philippine National Police (PNP), para sa crowd control. Kung hindi susunod, ang community pantry ay maaaring ipasara kapag ang mga health protocol ay nilabag, sinabi niya sa isang pakikipanayam sa segment ng ABS-CBN Teleradyo Kabayan noong Abril 27.

Sa mga ‘profiling’ ng mga organizer at volunteer

Ang ilan sa mga community pantry volunteer ay nagpahayag ng takot para sa kanilang kaligtasan at seguridad kasunod ng mga pahiwatig mula sa ilang mga opisyal na sila ay miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Noong Abril 20, pansamantalang isinara ni Non ang pantry sa Maginhawa — na nagbibigay ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin sa mga mahihirap at nagugutom — matapos siyang ma red-tag ng ilang mga pulis mula sa Quezon City Police District (QCPD) at ng tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Humingi ng paumanhin nang maglaon ang QCPD matapos ang negatibong mga reaksyon at tinanggal ang red-tagging post nito.

Samantala, sinabi ng mga matataas na opisyal ng NTF-ELCAC, kabilang sina National Security Adviser Hermogenes Esperon, Communication Undersecretary Lorraine Badoy at Southern Luzon Command chief, Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., na “sinusuri” nila ang background ng mga organizer dahil sinasamantala umano ng mga maka-kaliwang grupo ang mga inisyatiba para sa “propaganda” laban sa tugon ng gobyerno sa COVID-19.

Taliwas ito sa mga pahayag ng DILG, Department of Justice (DOJ), at PNP — lahat mga kasapi sa NTF-ELCAC — na hindi nila iniutos ang profiling ng mga organizer ng community pantry.

Isinusulong ng ilang mga senador ang pagtanggal ng pondo ng NTF-ELCAC sa susunod na taon kasunod ng red-tagging ng mga organizer ng community pantry. Sa isang pakikipanayam sa The Chiefs ng ONE News Channel, inihalintulad ni Parlade ang pagkalat ng mga community pantry sa kay “Satanas na nagbibigay ng mansanas kay Eba.”

Mula noon inutusan ni Esperon, ang vice chair ng anti-communist task force, ang dalawang tagapagsalita ng NTF-ELCAC, sina Badoy at Parlade, na “tumigil” sa pagbibigay ng mga pahayag tungkol sa community pantry.

Nanawagan ang National Privacy Commission sa PNP na ihinto ang naiulat na profiling ng mga community pantry organizer:

We call on again the attention of the PNP Data Protection Office to look into these reports and take appropriate measures to prevent any doings of its personnel on the ground that could potentially harm citizens and violate rights.

(Nanawagan kami muli ng pansin ng PNP Data Protection Office na suriin ang mga ulat na ito at gumawa ng mga naaangkop na hakbang upang maiwasan ang anumang gawain ng mga tauhan nito na maaaring makapinsala sa mga mamamayan at lumabag sa mga karapatan.)

Samantala, sinabi ng PNP at DILG na iniimbestigahan nila ang naiulat na paghingi ng pribadong impormasyon ng mga pulis.

Kaugnay nito, naglabas ang mga tagubilin ang Ateneo Human Rights Center at si human rights lawyer Chel Diokno tungkol sa kung ano ang gagawin kapag ang isang unipormadong opisyal ay humihingi ng pribadong impormasyon.

 

Mga Pinagmulan

Anna Patricia Non Facebook, Maginhawa Community Pantry: Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan, April 14, 2021

GMA News Online, Senators slam ‘red-tagging’ of community pantry organizers, April 20, 2021

Manila Bulletin, PNP denies harassing, red-tagging community pantry organizers, April 20, 2021

Rappler, Senators: Stop ‘deplorable’ red-tagging of community pantries, April 20, 2021

Inquirer.net, Netizens call out cops for ‘profiling’ community pantry organizers, April 19, 2021

Business World, Privacy commission, senators castigate police for profiling community pantry organizer, April 20, 2021

Philstar, MPD denies profiling organizers, April 21, 2021

Anna Patricia Non Facebook, Community Pantry, Presscon: Hindi magandang balita. Bukas po pause muna ang #MaginhawaCommunityPantry…, April 20, 2021

Inquirer.net, Pandacan community pantry shut as organizers fear being red-tagged, April 22, 2021

Rappler, Pandacan community pantry in Manila shuts down due to red-tagging fears, April 22, 2021

Philstar, Pandacan community pantry shuts down, April 23, 2021

On needing to secure a permit from local authorities

Metro Manila mayors

Angel Locsin’s community pantry

Quezon City Government, Memorandum: Community Pantry Guidelines, April 23, 2021

Department of the Interior and Local Government, DILG Press Release: PR Code No. 2021-04-23-03 DILG tells community pantry organizers to tap LGUs, PNP for crowd control, April 23, 2021

TeleRadyo, Audio Stream: Kabayan segment (8:00 a.m.), April 27, 2021 (archived)

On ‘profiling’ organizers and volunteers

Manila Bulletin, QCPD apologizes for red-tagging community pantries, April 20, 2021

Rappler, QCPD apologizes for sharing post red-tagging community pantries, April 20, 2021

GMA News Online, QCPD apologizes for social media post ‘red-tagging’ community pantry organizers, April 20, 2021

Official Gazette of the Philippines, Executive Order No. 70: Institutionalizing the Whole-of-Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace, Creating NTF-ELCAC, and directing the Adoption of a National Peace Framework, Dec. 4, 2018 (archived)

Flip-flops on ‘profiling’ organizers

Defunding of NTF-ELCAC

National Privacy Commission, On the Alleged Profiling of Community Pantry Organizers, April 20, 2021

What to do when uniformed personnel asks for private information

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.