Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT CHECK: DSWD Exec bumaligtad sa isyu ng 4Ps

Dating kontra, si DSWD Undersecretary Luzviminda Ilagan ngayon ay naniniwala na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang "kongkretong" solusyon sa kahirapan.

By VERA Files

Feb 6, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Dating kontra, si Social Welfare Undersecretary Luzviminda Ilagan ngayon ay naniniwala na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang “kongkretong” solusyon sa kahirapan.

PAHAYAG

Sa paglunsad noong Enero 23 ng dalawang pag-aaral tungkol sa kakulangan sa nutrisyon sa Pilipinas, sinabi ni Ilagan:

“Ang DSWD ay may mga kongkretong proyekto, mga programa para matugunan ang problemang ito. Ang 4Ps, tulad ng unang nabanggit, ay isang paraan upang matugunan ang mga alalahanin ng mga mahihirap na ina. Ito ay isang conditional cash transfer at kabilang sa mga kondisyon ay para sa mga ina na mag-report sa health center upang masuri sila sa mga health center ng komunidad. Ang mga bata ay kinakailangang pumasok sa paaralan para makilahok sila sa mga feeding program na ibinibigay ng gobyerno.”

Pinagmulan: Scaling Up Commitments to Nutrition, Enero 23, House of Representatives, Quezon City, pakinggan mula 4:30 hanggang 5:18

Sa ilalim ng 4Ps, ang Department of Social Welfare and Development ay nagbibigay ng cash grants sa mga mahihirap na pamilya na kailangang tumugon sa ilang pamantayan, tulad ng pagpapa-enroll sa kanilang mga anak sa paaralan o pagpapa-checkup ng pagbubuntis.

Sinimulan noong 2007 ng administrasyong Arroyo, ang programang 4Ps ay ipinagpatuloy ni dating Pangulong Benigno Aquino III at pinagtibay ng pamahalaang Duterte.

FLIP-FLOP

Si Ilagan ay isang matatag na kritiko ng 4Ps noong siya ay kinatawan sa Kongreso ng Gabriela partylist ng tatlong termino mula 2007 hanggang 2016.

Noong 2013, isa siya sa mga sumulat ng House Resolution 332, na inilarawan ang “lohika” sa likod ng conditional cash transfers (CCT) bilang “isang kamalian” at hiniling na imbestigahan ang 4Ps:

“Ang maliwanag na lohika ng programang CCT na ang mga benepisyaryong pamilya ay permanenteng maiaangat mula sa kahirapan kapag nakakuha sila ng karagdagang P15,000 sa isang taon, ma-enroll ang kanilang mga anak sa paaralan, at nakakuha ng mga pangunahing serbisyo para sa limang taon na ito ay isang kamalian.”

Pinagmulan: Congress.gov.ph. House Resolution 332

Ang panukalang tinatawag din na 4Ps ay isang “mahal” ngunit ” pang maikling panahon” na programa laban sa kahirapan na may panandaliang epekto:

“Ang CCT ay isang mahal, pansamantalang panandaliang lunas at pang kawanggawang panukala na tumutulong pagtakpan ang malalim na problema sa ekonomya ng Pilipinas sa gitna ng mga paurong na polisiya, sa halip na aktwal na pagtulong sa paglutas ng kahirapan at ang anumang epekto laban sa kahirapan ng programa ay ang kagyat na tulong sa kita ngunit ito ay natural na panandalian lamang.”

Noong 2015, sinabi ni Ilagan na ang “mga kondisyon” ng programa, na dumarating sa “kaunting halaga,” ay dapat na direktang gastusin sa kalusugan, edukasyon at mga trabaho:

“Mas mapapakinabangan ito ng mga mahihirap na pamilya kung ang mga pondo ay direktang maihahatid sa kalusugan at edukasyon at mas mahalaga sa paglikha ng trabaho, imbes na magpataw ng mga kondisyon para sa napakaliit na halaga. Ang mga pondo ng CCT ay dapat ibalik sa mga pangunahing serbisyo.”

Pinagmulan: Gabrielawomensparty.net. Gabriela solon: ADB study another proof of CCT failure. Hunyo 30, 2015

Ipinakikita ng ilang mga ulat ng balita mula pa noong unang bahagi ng 2012, si Ilagan ay nanawagan nang tanggalin ang budget ng 4Ps:

“Ang hindi maikakaila na katotohanan ay nananatiling mas mahihirap ang mga Pilipino. Dapat tapyasan ng gobyernong Aquino kung hindi man ganap tanggalin ang panggastos para sa CCT. Huwag na natin sayangin ang bilyun-bilyong pera mula sa mga nagbabayad ng buwis para sa isang bigong programa laban sa kahirapan.”

Pinagmulan: Philstar.com. Soliman downplays findings of SWS on hunger, Peb. 1, 2012; Gmanetwork.com. CCT program ng pamahalaan, bigo raw dahil marami pa rin ang nagugutom, Enero 31, 2012; Tribune.net.ph. Noynoy blamed for making RP vulnerable to recession, Peb. 1, 2012.

Sources:

Gmanetwork.com. CCT program ng pamahalaan, bigo raw dahil marami pa rin ang nagugutom. Jan. 31, 2012

Philstar.com. Soliman downplays findings of SWS on hunger. Feb. 1, 2012

Tribune.net.ph. Noynoy blamed for making RP vulnerable to recession. Feb. 1, 2012

House Resolution 332. Resolution Directing The Committee On Poverty Alleviation To Conduct An Inquiry, In Aid Of Legislation, On The Implementation Of The Conditional Cash Transfer Program As A Centerpiece Poverty Alleviation Program Of The Aquino Administration, And To Seek More Sustainable Programs That Raise The Standard Of Living And Quality Of Life Of Poor Families.

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Gabrielawomensparty.net. Gabriela solon: ADB study another proof of CCT failure. June 30, 2015

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.