Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa ikalawa niyang state of the nation address (SONA), ang maling pahayag na nauna niyang ginawa tungkol sa paglago ng ekonomiya ng Davao City.
PAHAYAG
Sabi ni Duterte:
Dalawampu’t tatlong taon akong mayor ng Davao. Makita mo ang Davao ngayon. Kayo naging mga LGU dati. Anong lungsod ang umaabot ng may siyam na porsiyentong pag-unlad (ng ekonomiya)? Eh nandoon pa kami sa Mindanao, binobomba pa kami sa Davao. Ang Davao siyam (na porsiyento ang) pag-unlad.
Pinagkunan: State of the Nation Address, Hulyo 24, 2017, panoorin mula 1:29:50-1:30:15
FACT
Gumawa ng parehong pahayag si Duterte sa isang talumpati noong Marso 30 sa Malacañang.
Na ang ekonomiya ng Davao City ay lumago ng siyam na porsiyento at ang ganoong paglago ay hindi pa nakita sa ibang lugar sa bansa ay parehong hindi tama.
(Tignan: VERA FILES FACT CHECK: Is Davao City’s economic growth unprecedented in the country’s history?)
Una, ang datos ng pamahalaan kaugnay ng paglago ng ekonomiya ay pinagsamasama ayon sa rehiyon, hindi ayon sa mga lungsod. Ang pamantayang sukat na ginamit ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay tinatawag na gross regional domestic product (GRDP), na tinukoy bilang “kalahatan ng buong halaga na dagdag ng lahat ng yunit na produkto ng residente sa rehiyon.”
Pangalawa, ang ibang mga rehiyon ay mas mabilis na lumago kaysa sa siyam na porsiyento. Umunlad ang ekonomiya ng Central Visayas ng 12.9 porsiyento noong 2010. Ang Zamboanga Peninsula ay nagtala ng parehong bilis ng paglago noong 2012.
Si Duterte ay naging mayor ng Davao City sa loob ng 22 taon at apat na buwan.
(Tignan: VERA FILES FACT CHECK: How long did Duterte serve as Davao City mayor?)
BACKSTORY
Katulad ng kanyang unang SONA noong nakaraang taon, binanggit ni Duterte ang kanyang programang pang-ekonomiya na walang detalye, at iniugnay sa mga polisya ng kanyang administrayon hinggil sa peace and order. (Tignan: SONA Promise Tracker: Economy)
“Natutunan ko na ang ekonomiya ay biglang lumalago lamang kapag may kapayapaan at kaayusan na umiiral sa mga lugar kung saan ang mga namumuhunan ay maaaring magbuhos ng kanilang kapital at pagkaeksperto,” sabi niya.
“Natutunan ko mula sa aking karanasan sa Davao City na ang kumpiyansa ng mamumuhunan ay pinalakas at pinatibay lamang kung may isang makapangyarihang puwersa at mekanismo para sa proteksyon ng mga lokal at dayuhang pamumuhunan,” dagdag niya.
Sa polisya ng pananalapi, si Duterte ay wala rin katiyakan, na hinihimok ang Senado na “suportahan ang aking reporma sa buwis nang buo, at ipasa ito nang mabilis.”
Gayunman, tila nangangantiyaw, sinabi rin niya, “Kung sa tingin ninyo iyan ay isang pag-aaksaya, mabuti. Kung sa tingin mo ay hindi maganda (mabuti), okay lang sa akin.”
Naaprubahan ng mababang kapulungan ng kongreso ang iminumungkahi ng administrasyong Duterte na Tax Reform and Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) noong Hunyo. Iniutos ni Duterte na apurahin ang panukalang batas, at inaasahan na talakayin ito ng Senado sa muling pagbubukas ng Kongreso sa Hulyo.
Sinabi ni Duterte na ang pagpasa ng batas sa reporma sa buwis ay “kinakailangan upang pondohan ang iminungkahing badyet ng 2018,” na isinumite niya sa Kongreso pagkatapos niyang maihatid ang kanyang SONA.
Mga pinagmulan:
PSA, Regional Accounts of the Philippines, Gross Regional Domestic Product, 2013 to 2015
PSA, Regional Accounts of the Philippines, Gross Regional Domestic Product, 2012 to 2014
PSA, Regional Accounts of the Philippines, Gross Regional Domestic Product, 2010 – 2012
PSA, Regional Accounts of the Philippines, Gross Regional Domestic Product, 2010 – 2012
PSA, Bicol Region’s economic growth was the fastest in 2105 , July 28, 2016
PSA, Davao Region’s records the fastest growth in 2014, July 30, 2015