Galit na galit sa pandaigdig na presyo ng langis, si Pangulong Rodrigo Duterte ay gumawa ng dalawang maling pahayag tungkol sa paggamit ng solar at wind energy sa Pilipinas.
PAHAYAG
Sa isang talumpati noong Enero 23, sinabi ni Duterte na ang bansa ay hindi gumagamit ng solar energy at ang Ilocos Norte lamang ang gumagamit ng wind energy:
“Ito, gawa ng langis. Maski electric. Bakit? Ang makinarya niyan gumagawa. Paano mo patakbuhin? Hangin? Walang solar. Walang wind power dito – eh Luzon, doon sa dulo ng Ilocos.”
Pinagmulan: PCOO, Talumpati sa Tricycle Operators and Drivers ‘Association (TODA) summit, Enero 23, 2019, panoorin mula 45: 15-45: 34
ANG KATOTOHANAN
Pinasisinungalingan ng datos ng gobyerno ang mga pahayag ni Duterte.
Ipinakikita sa listahan ng Department of Energy (DOE) na ang Pilipinas ay may gumaganang 42 on-grid solar power plant sa kasalukuyan ng Hunyo 30, 2018: 24 sa Luzon, 13 sa Visayas, at lima sa Mindanao.
Negosyo na ang mga solar power plant simula pa noong 2004.
Ang pinakamalaking gumaganang solar plant sa bansa, ang dalawang-taong Cadiz Solar Power Plant sa Negros Occidental na may pinakamalaking kapasidad na 132.5-megawatts, ay tinatayang may kakayahang maghatid ng kuryente sa higit sa 167,500 na kabahayan, ayon sa ulat ng Business Mirror, Inquirer.net at SunStar Philippines.
Ipinakikita rin ng datos ng DOE na tatlong iba pang mga lalawigan ay bahagyang gumagamit ng wind energy bukod sa Ilocos Norte: Rizal, Aklan at Guimaras.
Ginawa ng Renewable Energy Act of 2008 na patakaran ng estado ang mag debelop ng mga mapagkukunan ng sustainable renewable energy tulad ng solar at wind power upang “bawasan ang pagsandal ng bansa sa mga fossil fuel” at “mabawasan ang pagkakalantad ng bansa sa mga pagbabago sa presyo sa internasyonal na mga merkado.”
Mga pinagmulan:
Department of Energy, List of Power Plants as of June 30, 2018 (Luzon)
DOE, List of Power Plants as of June 30, 2018 (Visayas)
DOE, List of Power Plants as of June 30, 2018 (Mindanao)
DOE, List of Power Plants as of June 30, 2018 (Off-Grid)
BusinessMirror, Ecozone seen to rise beside 132.5-MW solar-generation facility in Cadiz City, March 4, 2016
Inquirer.net, Solar farm starts feeding Visayas grid 132MW of clean power, March 5, 2016
SunStar Philippines, Cadiz solar plant stirs investments, March 4, 2016
Official Gazette, Renewable Energy Act of 2008