Sa isang talumpati noong Marso 4 na wala pang 13 minuto ang itinagal, gumawa ng hindi bababa sa tatlong maling pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasinaya ng mga bagong mga paaralan sa Lawang Bato National High School (LBNHS) at Canumay East National High School (CENHS) sa Valenzuela City.
Sinuri namin ang bawat isa:
Sa kung ang Valenzuela ay bahagi pa rin ng Bulacan
Pahayag:
“My partner Cielito “Honeylet” Avanceña, taga-Valenzuela, Bulacan po siya. Kaya when we were campaigning and I was asking what is the immediate need of the constituency here in Bulacan, Valenzuela, and they said, ‘more schools because of a growing population.’ And it makes me happy to go back and see the fulfillment of that promise to the people of Valenzuela, Bulacan.”
(Ang partner ko na si Cielito “Honeylet” Avanceña, taga-Valenzuela, Bulacan po siya. Kaya noong nangangampanya kami at tinanong ko kung ano ang agarang pangangailangan ng nasasakupan dito sa Bulacan, Valenzuela, at sinabi nila, ‘mas maraming paaralan dahil sa dumaraming populasyon.’ At natutuwa ako na bumalik at makita ang katuparan ng pangakong iyon sa mga mamamayan ng Valenzuela, Bulacan.)
Pinagmulan: Presidential Communication Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Simultaneous Inauguration of School Buildings at the Canumay East National High School (CENHS) and Lawang Bato National High School (LBNHS) in Valenzuela City, Marso 4, 2021, panoorin mula sa 0:21 hanggang 1:11
Ang Katotohanan:
Ang Valenzuela City ay isa sa 16 na lungsod at isang munisipalidad na bumubuo ng Metropolitan Manila, ang National Capital Region. Hindi na ito naging bahagi ng lalawigan ng Bulacan noong Nobyembre 1975 nang itatag ang Metropolitan Manila Commission (MMC).
Si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang nag isyu ng Presidential Decree No. 824, na bumago sa balangkas ng noo’y munisipalidad ng Valenzuela — kasama ang apat na lungsod (Manila, Quezon, Caloocan, at Pasay) at 12 iba pang mga munisipalidad — bilang bahagi ng isang bagong tatag na “pampublikong korporasyon” na tinawag na Metropolitan Manila.
Ang decree ay “humantong sa paghiwalay ng Munisipalidad ng Valenzuela mula sa Lalawigan ng Bulacan,” ayon sa kasaysayan ng lungsod na nai-post sa opisyal na website nito.
Ang MMC, na itinatag upang pamahalaan ang Metro Manila, ay binuwag noong Enero 1990 sa pamamagitan ng Executive Order No. 392 at ang mga kapangyarihan at katungkulan nito ay “inilipat” sa Metropolitan Manila Authority, na nilikha ni dating pangulong Corazon Aquino. Pinalitan ang pangalan ng MMA bilang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong 1995 sa pamamagitan ng Republic Act 7924.
Ang Valenzuela ay idineklarang isang highly urbanized city (HUC) noong 1988 ni dating pangulo Fidel V. Ramos sa pamamagitan ng RA 8526.
Sa kung kailan nagsimula ang konstruksyon ng mga paaralan
Pahayag:
“[A]ng tagal eh — the time needed to construct (ang oras na kinakailangan para matapos ang paggawa). Ito kakatapos lang. I remember it was 2016, I was not yet the president (Natatandaan ko na ito ay 2016, hindi pa ako ang pangulo).”
Pinagmulan: panoorin mula 3:42 hanggang 3:58
Ang Katotohanan:
Ang mga bagong pinasinayaan na mga paaralan sa LBNHS, kung saan nagtalumpati si Duterte, at CENHS ay pinayagang magsimula ng konstruksyon noong Setyembre 2019, o tatlong taon sa kanyang termino bilang pangulo.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagbigay ng “notice to proceed” sa mga kontratista ng mga gusali sa dalawang high school sa mga sumusunod na petsa, batay sa procurement database ng departamento:
Ang pagpapalabas ng “notice to proceed” ay ang ika-14 at huling hakbang bago ang aktwal na konstruksyon ng mga proyekto sa imprastraktura ng pambansang pamahalaan. Ang mga proyekto ay pinondohan sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act.
Sa credit rating ng bansa
Pahayag:
“We were doing fine. Our rating is ‘BBB;’ next to that is ‘A’ (Mabuti ang ating kalagayan. Ang ating rating ay ‘BBB;’ ang kasunod niyan ay ‘A’)…”
Pinagmulan: panoorin mula 5:09 hanggang 5:17
Ang Katotohanan:
Bagamat hindi niya tinukoy ang kanyang source, ang pahayag ng pangulo ay hindi tugma sa mga antas ng nangungunang tatlong credit rating agencies sa buong mundo.
Ang credit rating ay isang “opinyon na nagbibigay ng isang sukat ng kalidad ng kredito.” Ito ay isang “sistema ng pagmamarka” na “nakatuon sa kakayahan at pagkukusa” ng isang nanghihiram na bayaran ang mga obligasyon nito sa itinakdang panahon, ayon sa local credit rating agency Philippine Rating Services Corporation (PhilRatings).
Ang Fitch Ratings, Standard and Poor’s (S&P;) Global Ratings, at Moody’s ay nagre-rate ng iba’t ibang mga ahensya, kabilang ang sovereign governments, gamit ang mga letter grade para tukuyin ang credit worthiness. Ang mga rating na “AAA” para sa Fitch at S&P;, at “Aaa” para sa Moody’s ay itinuturing na pinakamataas na rating, na nagpapahiwatig ng pinakamababang risk.
Ang kasalukuyang rating ng Pilipinas ay nasa “BBB” para sa long-term credit rating scale ng Fitch (hanggang Enero 10, 2021), at “BBB+” para sa S & P (hanggang Mayo 29, 2020). Pareho itong ilang baitang pa sa ibaba ng rating na “A”.
Para sa Moody’s, ang bansa ay nasa “Baa2” hanggang Hulyo 16, 2020 — dalawang baitang sa ibaba ng rating na “A3” (ang pinakamababang rating na “A”).
Ginawa rin ni Duterte ang katulad na maling pahayag noong Mayo 2019, nang sinabi niya na ang “BBB +” credit rating ng bansa ay “malapit na makapantay” sa mga United States at Japan. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte pinalalaki ang creditworthiness ng Pilipinas)
Mga Pinagmulan
PTV Philippines Official Facebook Page, WATCH: President Rodrigo Roa #Duterte attends the inauguration of the school buildings at the Canumay East National High School and Lawang Bato National High School, March 4, 2021
On Valenzuela being a part of Bulacan
- Valenzuela Government Official Website, The City: History, Accessed March 9, 2021
- Official Gazette of the Philippines, Presidential Decree No. 824, s. 1975, Nov. 7, 1975
- Official Gazette of the Philippines, Executive Order No. 401, s. 1960, July 21, 1960
- Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau, Historical Background, Accessed March 8, 2021
- Official Gazette of the Philippines, Executive Order No. 392, s. 1990, Jan. 9, 1990
- Metro Manila Development Authority, REPUBLIC ACT NO. 7924, Accessed March 8, 2021
On the construction of new school buildings in LBNHS, CENHS
- Department of Education Official Website, Pres. Duterte, Sec. Briones lead school building inauguration in Bulacan, Valenzuela City, March 8, 2021
- Department of Public Works and Highways, 2019 Procurement Monitoring Report (PMR) 2nd Semester – Metro Manila 3rd DEO, Jan. 17, 2020
- Department of Public Works and Highways, Notice to Proceed: 19OD0293, Sept. 16, 2019
- Department of Public Works and Highways, Notice to Proceed: 19OD0294, Sept. 16, 2019
- Department of Public Works and Highways, Notice to Proceed: 19OD0295, Sept. 16, 2019
- Department of Public Works and Highways, Notice to Proceed: 19OD0306, Sept. 25, 2019
- Department of Public Works and Highways, Civil Works – Notice to Proceed, Accessed March 5, 2021
- Department of Public Works and Highways, Bidding and Award Procedures, Accessed March 5, 2021
- Department of Budget and Management, DPWH: GAA 2019, April 29, 2019
On PH’s credit ratings
- Philippine Rating Services Corporation, Frequently Asked Questions (FAQs) About Credit Rating, Accessed March 9, 2021
- Standard and Poors Global Ratings, S&P; Global Ratings Definitions, Jan. 5, 2021
- Fitch Ratings, Philippines Credit Ratings, Accessed March 8, 2021
- Standard and Poors Global Ratings, Philippines ‘BBB+/A-2’ Ratings Affirmed; Outlook Stable, May 29, 2020
- Moody’s, Moody’s affirms the Philippines’ Baa2 ratings; maintains stable outlook, July 16, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)