Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte pinalalaki ang creditworthiness ng Pilipinas

Hindi, ang Pilipinas ay hindi "una ng isang hakbang" o malapit nang maging katulad ng U.S. at Japan.

By VERA FILES

Jun 13, 2019

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Pilipinas ay malapit nang matumbasan ang credit rating ng US at Japan, mga nangungunang ekonomiya sa buong daigdig.

 

PAHAYAG

Sa talumpati sa harap ng Filipino community sa Japan noong Mayo 30, ipinagmamalaki ni Duterte ang upgrade ng credit rating ng Pilipinas sa BBB +:

“We are now in the category of BBB+ (Tayo ngayon ay nasa kategoryang BBB +.) Ibig sabihin, we are just one step ahead (una tayo ng isang hakbang), magtabla na tayo sa Amerika pati sa Japan [na may] AAA [ratings]. BBB+ na tayo eh (We’re now at BBB+).

Pinagmulan: RTVMalacanang, Meeting with the Filipino Community (Speech) 5/30/2019, Mayo 30, 2019, panoorin mula 10:58 hanggang 11:21

Sa opisyal na video coverage ng pagsasalita ni Duterte, si Finance Secretary Carlos Dominguez III ay kitang pumapalakpak nang sabihin ni Duterte na ang bansa ay malapit nang makasama ng U.S. at Japan sa triple A territory.

 

ANG KATOTOHANAN

Hindi, ang Pilipinas ay hindi “una ng isang hakbang” o malapit nang maging katulad ng U.S. at Japan.

Taliwas sa pahayag ni Duterte, ang Pilipinas ay kailangan pang lumundag ng ilang baitang para makamit ang AAA credit rating, batay sa mga antas ng mga nangungunang tatlong ahensya ng credit rating sa mundo.

Ang credit rating ay isang pagtatasa ng creditworthiness ng “isyu o issuer” at ng “kapasidad at kagustuhan” ng isang nangungutang na bayaran ang kanyang mga obligasyon sa takdang panahon, ayon sa lokal na credit rating agency na Philippine Rating Services Corporation (PhilRatings).

Ang Fitch Ratings, Moody’s at S & P Global Ratings ay nagrarangko ng iba’t ibang mga entidad, tulad ng mga korporasyon o mga nagsasariling pamahalaan, gamit ang mga letrang pang grado sa pagkilala ng creditworthiness.

Nasa ibaba ang mga long-term credit rating scale ng tatlong ahensya, kung saan matatagpuan ang rating na BBB + na binanggit ni Duterte:

 

* Isinasama ng Fitch at S & P Global Ratings ang plus (+) o minus (-) modifier mula sa “AA” hanggang “CCC” upang ipakita ang relative standing sa loob ng mga pangunahing kategorya ng rating.

** Isinasama ng Moody’s ang mga numerong numerong 1,2 at 3 sa bawat generic rating classification mula sa Aa hanggang sa CAA. Ang modifier 1 ay nagpapahiwatig ng mga ranggo ng obligasyon sa higher end ng generic rating category nito; Ipinapahiwatig ng modifier 2 ang mid-range na ranggo; at ang modifier 3 ay nagpapahiwatig ng ranggo sa lower end ng generic rating category.

 

Ang AAA ratings para sa Fitch at S & P, at Aaa para sa Moody’s ay itinuturing na pinakamataas na rating, na nagpapahiwatig ng pinakamababang risk.

Mali rin si Duterte sa pagsabing ang Japan at ang US ay mayroong AAA credit rating.

Ang US lamang ang may credit rating na AAA mula sa parehong Fitch at S&P;, noong Abril at Marso, ayon sa pagkakabanggit, at isang Aaa mula sa Moody’s noong Hunyo 7. Ang Japan ay may A mula sa Fitch noong Enero at AA + mula sa S&P; noong Marso, at A1 mula sa Moody’s noong Hunyo 7.

Samantala, ang Pilipinas ay may BBB mula kay Fitch noong Mayo, BBB + mula sa S&P; noong Marso, at Baa2 mula sa Moody’s noong Mayo.

Ang nakaraang credit rating ng bansa noong 2018 ay BBB mula sa Fitch at S & P, at Baa2 mula sa Moody’s.

Tama ang datos ni Duterte nang basahin niya ang isang handang talumpati. Sa forum ng mga negosyante noong Mayo 29, sinabi niya na ang BBB + ay “isang baitang sa ibaba ng credit rating na A.” Ito ay tumutugma sa isang pahayag mula sa Department of Finance na ang kasalukuyang credit rating ng bansa sa S & P ay isang hakbang lamang mula sa kategorya ng “A minus” na credit rating category.

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, Meeting with the Filipino Community (Speech) 5/30/2019, May 30, 2019

Investopedia, Credit Rating, May 8, 2019

Fitch Ratings, Ratings Definition

S&P; Global Ratings, S&P; Global Ratings Definitions

Moody’s, Moody’s Rating Scale and Definitions

Presidential Communications Operations Office official Facebook page, Business Forum Imperial Hotel, Tokyo, Japan May 29, 2019, May 29, 2019

Department of Finance, S&P; upgrades Philippine credit rating to “BBB+ stable,” a notch away from ‘A’ territory rating, April 30, 2019

Merriam-Webster, credit rating, n.d.

S&P; Global Ratings, S&P; Global Ratings Definitions, October 31, 2018

Fitch, Fitch Affirms Philippines at ‘BBB’; Outlook Stable, May 30, 2019

Fitch, Fitch Affirms Japan at ‘A’; Outlook Stable, January 22, 2019

Fitch, Fitch Affirms The United States at ‘AAA’; Outlook Stable, April 2, 2019

S&P; Global Ratings, Sovereign Ratings List

Moody’s, Government of Japan

Moody’s, Government of Philippines

Moody’s, Government of United States of America

Philippine Rating Services Corporation, FAQs About Credit Rating

Reuters, BRIEF-S&P; Revises Philippines’ Outlook To Positive; Ratings Affirmed, April 26, 2018

Business World, S&P; upgrades Philippines’ credit outlook to ‘positive’, April 26, 2018

CNN Philippines, Standard & Poor’s upgrades Philippines credit outlook to ‘positive’, July 20, 2018

 

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.