Nagbitaw ng maling pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na ang Mindanao ay hindi tinatamaan ng mapaminsalang mga bagyo.
PAHAYAG
Sa isang speech/talumpati noong Agosto 25, sinabi ni Duterte:
“Alam mo, ang Mindanao ay may pangako, kasi dito walang bagyo. Kung meron man, yung mga baha, ngunit dahil sa matinding pag-ulan, tubig. Ngunit wala ditong bagyo na maraming nasisira na bahay, hangin at lahat.”
Pinagmulan: Talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to Troops, Agosto 25, 2018, Jolo, Sulu, panoorin mula 3:10 hanggang 3:32
FACT
Kabilang sa listahan ng United Nations ng pinakamapaminsalang bagyo na tumama sa Pilipinas ang dalawa na nanalasa sa Mindanao:
- Ang bagyong Sendong (internasyonal na pangalan Washi) noong Disyembre 2011, na nagdulot ng matinding pag-ulan na humantong sa pagbaha sa Cagayan de Oro at Iligan City, ay kumitil ng buhay na hindi bababa sa 1,901, nakaapekto sa 698,000 katao, at nagdulot ng P2 bilyong pinsala sa imprastraktura, agrikultura at pribadong mga ari-arian
- Ang bagyong Pablo (internasyonal na pangalan na Bopha) noong Disyembre 2012, na tumama sa Bangaga, Davao Oriental, ay kumitil ng buhay na hindi bababa sa 1,268, nakaapekto sa may 973,000 katao, at nagdulot ng P36 bilyong pinsala sa imprastraktura, agrikultura at pribadong mga ari-arian
Pinagmulan: UN OCHA, NDRRMC
Ang listahan, na inihanda ng UN Office for Coordination of Humanitarian Affairs, ay sumasaklaw sa 99 na bagyo na pumasok sa Pilipinas mula 2006 hanggang 2016, at batay sa datos mula sa mga ahensya ng gobyerno at mga weather organization.
Hindi kasama sa listahan ang Bagyong Vinta (internasyonal na pangalan Tembin), na tumama sa Cateel, Davao Oriental noong Disyembre 2017, termino na ni Duterte.
Namatay sa Vinta ang hindi bababa sa 200 katao batay sa maraming mga ulat ng balita, at nagdulot ng P2.1 bilyong pinsala, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang bagyong Yolanda (internasyonal na pangalan Haiyan), na tumama sa Visayas noong 2013, ang naging pinaka-mapinsalang bagyo na humambalos sa Pilipinas, na pumatay ng mahigit sa 6,000 katao at nagdulot ng P95.4 bilyong pinsala sa mga ari-arian.
Mga pinagkunan ng impormasyon:
ABS-CBN News, Vinta death toll climbs to 240, scores missing, Dec. 25, 2017.
Inquirer.net, Vinta death toll climbs to 200, Dec. 24, 2017.
NDRRMC, Final Report on the Effects and Emergency Management re: Tropical Storm “Sendong” (Washi), Feb. 10, 2012.
NDRRMC, Situational Report No. 38 re: Effects of Typhoon “Pablo” (Bopha), Dec. 25, 2012.
NDRRMC, Situational Report No. 26 re: Preparedness Measures and Effects of Typhoon “Vinta”, Feb. 11, 2018.
NDRRMC, Final Report re: Effects of Typhoon “Yolanda” (Haiyan), November 6 to 9, 2013.
ReliefWeb, Philippines: Destructive Tropical Cyclones From 2006 to 2016.
The Philippine Star, Vinta death toll tops 200, Dec. 24, 2017.