Sa kanyang unang pampublikong talumpati para sa 2019, si Pangulong Rodrigo Duterte ay nag ulit ng maling impormasyon na ang Mindanao ay hindi tinatamaan ng mga bagyo.
PAHAYAG
Sa isang talumpati noong Enero 3, isang linggo pagkatapos na hambalusin ng Bagyong Usman ang ilang bahagi ng bansa, sinabi ni Duterte:
“Ang Mindanao ay hindi pinahihirapan ng anumang matinding kalamidad. Ang mga bagyo ay ang numero unong kaaway ng agrikultura. Wala po diyan.”
Pinagmulan: Talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte, Tagaytay City, Enero 3, 2019, panoorin mula 1:34 hanggang 1:48
ANG KATOTOHANAN
Maraming bagyo kabilang ang pinakamatinding tumama sa bansa na hindi pa natatagalan ay winasak ang Mindanao, salungat sa pahayag ni Duterte, isang pag-uulit ng maling pahayag na ginawa rin niya noong Agosto. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte wrong in saying Mindanao not hit by storms)
Ang United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UNOCHA), gamit ang datos mula sa mga ahensiya ng estado at mga organisasyon (ng kawanihan) ng panahon sa 99 bagyo na pumasok sa Pilipinas mula 2006 hanggang 2016, ay naglista ng hindi bababa sa tatlong na tumama sa Mindanao:
- Bagyong Vinta (internasyonal na pangalan Tembin) noong Disyembre 2017 na nagwasak sa Lanao del Norte, Lanao del Sur at Zamboanga Sibugay, at pumatay nang hindi bababa sa 173 katao, naapektuhan ang 797,000 at nagwasak ng mahigit 4,000 bahay;
- Bagyong Pablo (internasyonal na pangalan Bopha) noong Disyembre 2012 na tumama sa Davao Oriental at pumatay nang hindi bababa sa 1,268 katao, naapektuhan ang 973,000 at nagdulot ng P36 bilyong pinsala sa imprastraktura, agrikultura at pribadong mga ari-arian; at
- Bagyong Sendong (internasyonal na pangalan Washi) noong Disyembre 2011 na sanhi ng pagbaha sa Cagayan de Oro at Iligan City, at pumatay nang hindi bababa sa 1,901 katao, naapektuhan ang 698,000 at nagdulot ng P2 bilyong pinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga pribadong ari-arian.
Mga pinagmumulan: UNOCHA, National Disaster Risk Reduction and Management Council
Ang Pablo at Sendong ay kasama sa mga pinaka-mapanira na tumama sa bansa, ipinakikita ng listahan ng UNOCHA.
Ang mga natuklasan sa isang pag-aaral sa University of the Philippines noong 2014 na sumuri sa isang internasyunal na database ng mga bagyo mula 1884 hanggang 2012 ay pinasinungalingan din ang pahayag ni Duterte, unang pangulo ng bansa mula sa Mindanao.
Sinabi ng pag-aaral:
“Ang mga bagyo na tumama sa Visayas at Mindanao ay naging bahagyang mas madalas sa huling dekada.”
Pinagmulan: University of the Philippines Nationwide Operational Assessment of Hazards, A Manifestation of Climate Change? A Look at Typhoon Yolanda in Relation to the Historical Tropical Cyclone Archive, Enero 7, 2014
Mga pinagmulan:
ABS-CBN News, Usman leaves P4.2-B in agriculture, infra damage, Jan. 7, 2019.
BusinessWorld, Usman aftermath: Reported deaths at 126; damage, P4.25B, Jan. 6, 2019.
Inquirer.net, ‘Typhoon-free’ Mindanao?, Jan. 26, 2014.
Inquirer.net, ‘Usman’ leaves 126 dead, 75 injured, Jan. 6, 2019.
Nationwide Operational Assessment of Hazards website, A Manifestation of Climate Change? A Look at Typhoon Yolanda in Relation to the Historical Tropical Cyclone Archive, Jan. 7, 2014.
NDRRMC, Final Report on the Effects and Emergency Management re: Tropical Storm “Sendong” (Washi), Feb. 10, 2012.
NDRRMC, Situational Report No. 38 re: Effects of Typhoon “Pablo” (Bopha), Dec. 25, 2012.
ReliefWeb, Philippines: Destructive Tropical Cyclones From 2006 to 2016.
ReliefWeb, Philippines: Tropical Storm Tembin (Vinta) Snapshot, Feb. 1, 2018.