Tinanong namin ang mga mambabasa ng VERA Files Fact Check kung ano para sa kanila ang false claim ng taon. Pinili nila ang mga pabago-bagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang kayamanan. (Tignan VERA FILES FACT CHECK: In his own words: Duterte sometimes poor, sometimes rich)
Sa ilang mga talumpati sinabi ng presidente na siya ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, habang sa iba ay inamin niyang siya ay mayaman at nakapagmana ng malaking kayamanan mula sa kanyang mga magulang. (Tignan VERA FILES FACT CHECK: Multimillionaire Duterte says ‘I am not a millionaire’)
Panoorin ang mga pa iba ibang pahayag ni Duterte sa video na ito mula Oktubre.
Ang magkakasalungat na pahayag ng presidente tungkol sa kanyang kayamanan ang napiling false claim ng taon ng higit sa isang-katlo ng mga bumoto.
Pumapangalawa, na nakakuha ng halos ikalimang boto, ay ang serye ng mga maling pahayag ng Department of Foreign Affairs at Presidential Communications Operations Office na nagbaluktot sa tunay na resulta ng human rights report ng Pilipinas sa United Nations. (Tignan VERA FILES FACT CHECK: Timeline of false claims by PH gov’t on UN human rights report)
Ikatlo, na may halos ika-anim na boto, ang pahayag ni Solicitor General Jose Calida na “ang pinakamalaking kaso na napagpasyahan sa panahon ng aking panunungkulan ay ang West Philippine Sea case,” isang kaso na napagpasyahan bago pa siya maluklok sa puwesto. (Tignan VERA FILES FACT CHECK: Should credit go to Calida for winning the West Philippine Sea case?)