Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Ilang taon na si Isabelle Duterte? Siya ay 17, ayon sa mga SALN ng kanyang ama mula noong 2007

Ang mga deklarasyon sa SALN ng ama ni Isabelle na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay nagpapakita na siya ay 17.

By VERA Files

Dec 28, 2017

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Kasunod ng kaguluhan sa “pre-debut” photoshoot sa Malacañang ni Isabelle Duterte, sinabi ni Raissa Robles sa isang blog post na ang apo ng presidente ay maaaring 15-anyos lang.

Ang mga deklarasyon sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng ama ni Isabelle na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay nagpapakita na siya ay 17 na magiging 18 sa Enero.

STATEMENT

Si Robles, sa isang blog post ni Robles noong Dis. 17 na pinamagatang ‘Ilang taon na si Isabelle Duterte? At bakit ito mahalaga?’ ay sumulat:

Nalilito ako.

Ang lahat ng mga kuwento sa balita tungkol sa photo shoot ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Isabelle ay nagsabi na siya ay magiging 18 ngayong Enero. Samakatuwid, ang kanyang posing suot ang apat na mamahaling designer gowns ay isang ‘pre-debut’ pictorial para sa napakahalagang araw.

Dahil hindi ako sigurado kung kailan ang kanyang kaarawan, nag google para malaman ang kanyang edad.

At ito ang lumabas:

Pinagmulan: How old is Isabelle Duterte? And why is this important? Raissa Robles: Inside Philippine politics and beyond, Dis. 17, 2017

Sinabi ni Robles na nilawakan niya ang paghahanap:

Kaya naghanap pa ako ng iba at pumunta sa website ng pamahalaan ng Davao City kung saan ang ama ni Ms. Duterte na si Paolo ang vice mayor at ang kanyang tiya na si Sara ang mayor. At ito ang sinabi ng opisyal na website ng gobyerno ng Davao City:

NA SI ISABELLE DUTERTE AY IPINANGANAK NOONG ENERO 26, 2002.

Kaya’t siya ay 15 taong gulang lamang ngayon.

FACT

Si Paolo Duterte, na kamakailan lamang ay nagbitiw bilang vice mayor ng Davao City, ay hindi nagbabago ng petsa sa kaarawan ni Isabelle na Enero 26, 2000 sa kanyang mga deklarasyon ng SALN mula noong siya ay unang sumabak sa pulitika noong 2007 bilang kapitan ng barangay ng Catalunan Grande.

Ang SALN ay isang taunang deklarasyon na isinusumite ng mga empleyado ng gobyerno na naglilista ng kanilang mga ari-arian, mga interes na pinansiyal at pagkakautang.

Humihingi rin ito ng mga detalye tungkol sa kanilang mga anak na walang asawa at wala pang 18 taong na naninirahan sa parehong bahay; nakalista sa kauna-unahang SALN ni Duterte noong 2007 ang sumusunod:

  • Omar Vicente Duterte, ipinanganak Enero 26, 1994
  • Rodrigo Duterte II, ipinanganak Peb. 23, 1998
  • Isabelle Lovelle Duterte, ipinanganak Enero 26, 2000
  • Sabina Duterte, ipinanganak Hulyo 15, 2006

Nakalista sa kanyang 2016 SALN sina Isabelle, Sabina at Paolo Duterte II, isinilang noong Set. 21, 2012.

Ang isang screenshot ng 2014 SALN ni Duterte, na inilathala ng mamamahayag na si Gigi Grande sa Twitter, ay nagpapakita ng parehong petsa ng kapanganakan para kay Isabelle:

Fact check: napag-alaman ng aming research head @CheDReyes na si Isabelle Duterte AY magiging 18, batay sa 2014 SALN na isinumite ng kanyang ama na si Paolo.. pic.twitter.com/JJOvlwiEog
— Gigi Grande (@Gigi_Grande) December 19, 2017

Ang screenshot na resulta ng paghahanap na nai-post ni Robles sa kanyang blog ay isang “featured snippet,” isang feature ng Google na naglalayong higit na mapadali ito para sa mga gumagamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng maikli at malinaw na mga sagot sa mga tanong, kinukuha ang mga ito mula sa mga program mula sa mga website.

Gayon pa man, ang mga featured snippet ay hindi laging maaasahan:

“Tulad ng lahat ng mga resulta ng search, ang mga featured snippet ay sumasalamin sa mga pananaw o opinyon ng site kung saan namin kinuha ang snippet, hindi ng Google. Palagi kaming nagsusumikap na mapabuti ang aming kakayahang makita ang pinakamahalagang snippet, kaya ang mga resulta na nakikita mo ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon. “

Pinagmulan: Featured snippets in search, Google Support

Ang news website na Vox ay isang magandang video na nagpapaliwanag ng mga problema sa mga featured na snippet.

Habang sinusulat ito, ang Google ay nagbibigay pa rin ng parehong snippet sa edad ni Isabelle Duterte, na maaaring nakuha mula sa parehong web page ng pamahalaan ng Davao City na sinipi ni Robles.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.