Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali na naman sa pagsasabing mayroon siyang nakabinbing kaso sa UN court

WHAT WAS CLAIMED

Meron akong nakabinbin na kaso sa International Court of Justice kaugnay ng war on drugs.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Walang nakabinbin na kaso laban kay Duterte sa International Court of Justice, ang principal judicial organ ng United Nations. Ang ICJ ay hindi isang criminal court at “wala [itong] hurisdiksyon” na litisin ang mga indibidwal na naakusaahan ng war crimes

By VERA Files

May 16, 2022

-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa hindi bababa sa pangalawang pagkakataon, mali ulit ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may nakabinbing kaso laban sa kanya sa International Court of Justice (ICJ) kaugnay sa kanyang madugong giyera laban sa ilegal na droga.

Panoorin ang video na ito:

 

Ang ICC ay itinatag noong 1998 ng Rome Statute upang imbestigahan at litisin ang mga kaso ng “pinakamatinding crimes of concern sa international community,” katulad ng genocide, war crimes, mga krimen laban sa sangkatauhan, at crime of aggression.

Sa ilalim ng Article 18 ng Rome Statute, ang pagpapaliban ng court prosecutor ng pagsisiyasat sa isang estado, sa kasong ito ng gobyerno ng Pilipinas, “ay bukas sa pagsusuri ng Prosecutor anim na buwan pagkatapos ng petsa ng pagpapaliban o sa anumang oras kapag nagkaroon ng isang makabuluhang pagbabago ng mga pangyayari batay sa hindi pagpayag o kawalan ng kakayahan ng Estado na magsagawa ng tunay na imbestigasyon.”

Hindi ito ang unang beses na ginawa ni Duterte ang pagkakamaling ito, nang binanggit ang parehong pahayag sa isang talumpati noong Mayo 2019. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte mistakes UN court for ICC)

Nagkamali din ang pangulo, noong Pebrero 2017, sa pagsabing ang ICJ ang judicial body na nag desisyon sa teritoryong pinagtatalunan ng Pilipinas at China sa South China Sea. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Which court ruled on the West Philippine Sea dispute?)

 

Tala ng Editor: Ang fact check na ito ay ginawa sa tulong ng isang communication student ng University of the Philippines Baguio bilang bahagi ng kanyang internship sa VERA Files.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his attendance to the Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Cainta Campaign Rally, May 3, 2022

International Court of Justice, The Court, Accessed May 10, 2022

International Court of Justice, Frequently Asked Questions, Accessed May 10, 2022

International Criminal Court, Understanding the International Criminal Court, Accessed May 10, 2022

International Criminal Court, Republic of the Philippines, Accessed May 10, 2022

International Criminal Court, Situation in the Philippines: ICC Pre-Trial Chamber I authorises the opening of an investigation, Sept. 15, 2021

International Criminal Court, Republic of the Philippines Deferral Request, Nov. 18, 2021

International Criminal Court, ICC Prosecutor, Mr Karim A.A. Khan QC, notifies Pre-Trial Chamber I of a request from the Republic of the Philippines to defer his investigation under article 18(2) of the Rome Statute, Nov. 23, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.