Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte MALI na naman tungkol sa datos ng pananalapi ng Davao City

Una, pinababa niya ito. Pagkatapos, mali ang kanyang paglalarawan na ito ang pinakamataas sa lahat ng mga lokal na yunit ng pamahalaan.

By VERA FILES

Oct 19, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Dalawang maling pahayag ang nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 4 tungkol sa bilis ng paglago ng kita ng Davao City. Una, pinababa niya ito. Pagkatapos, mali ang kanyang paglalarawan na ito ang pinakamataas sa lahat ng mga lokal na yunit ng pamahalaan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkamali siya sa pampinansyal na datos ng lungsod.

PAHAYAG

Sa pagbubuhos ng sama ng loob sa pagkabigo sa isang heneral ng militar na kanyang sinisante kaugnay ng pagkuha ng mga gamot at medikal suplay para sa mga sundalo, binalikan ni Duterte kung paano niya pinatakbo ang Davao City bilang mayor:

“Kayo ay nakarating sa Davao at tignan ang Davao. … Ito ay hindi sobrang ligtas ngunit ang Davao ay talagang — malinis ito, umaasenso, kumikita ito ng 9 porsiyento, ang pinakamataas sa bansa para sa isang lokal na pamahalaan sa isang lokal na ekonomiya.

Iyan ang aking pamana sa — kaya ayaw kong bitawan… “

Source: Presidential Communications Operations Office, Rodrigo Roa Duterte, Speech During the Dinner with the Philippine Military Academy Alumni Association, Inc., Oktubre 4, 2018, panoorin mula 14: 51-15: 27

FACT

Ang bilis ng paglago ng kita ng Davao City noong 2016, ang taon na inihalal si Duterte, ay 10.24 porsiyento, hindi 9 porsiyento, ipinapakita ng datos mula sa mga ulat ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA, ang revenue/kita ay ang “kabuuang pagpasok ng mga benepisyong pang-ekonomya o potensyal na serbisyo sa panahon ng pag-uulat nang ang mga pumasok na ito ay nagresulta sa pagtaas sa mga net asset, maliban sa pagtaas na may kaugnayan sa mga kontribusyon mula sa mga may-ari.”

Ang kabuuang naiulat na kita ng lungsod ay lumaki mula P6.171 bilyon noong 2015 hanggang P6.803 bilyon sa sumunod na taon, na naging ikalimang pinakamataas na kita ng lungsod sa bansa noong 2016, ayon sa pinakabagong magagamit na talaan.

Gayunpaman, ang antas/bilis ng paglago ng kita nito ay hindi ang pinakamataas sa mga LGU, na salungat sa pahayag ng presidente.

Magkakahiwalay na inililista sa mga ulat ng pananalapi ng COA ang mga kita ng mga lungsod, lalawigan at munisipyo. Ang Parañaque ay may pinakamataas na antas ng paglago ng kita na 19.02 porsyento noong 2016. Ang Davao ay pangalawa lamang.

Kahit na tinutukoy ni Duterte ang 2015 na antas ng paglago ng kita ng lungsod, nagkakamali pa rin siya.

Ang kita ng Davao City ay lumago ng 9.89 porsyento nang taong iyon. Ito ay pang huli sa mga antas ng paglago ng kita sa siyam na mga lungsod na may pinakamataas na naiulat na mga kita noong 2015 na nasa listahan rin noong 2014.

Sa hindi bababa sa dalawang iba pang okasyon, mali rin na ipinahayag ni Duterte na ang ekonomiya ng lungsod ay lumalaki ng isang “walang kaparis na” 9 na porsiyento (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte repeats wrong claim about Davao City’s economic growthand VERA FILES FACT CHECK: Is Davao City’s economic growth unprecedented in the country’s history?).

Gayunpaman, ang datos ng pamahalaan tungkol sa paglago ng ekonomiya ay pinagsama-sama ayon sa rehiyon, hindi ayon sa lungsod. Ang pangulo ay maaaring tinutukoy ang paglago ng gross regional domestic product (GRDP) ng rehiyon ng Davao ng 9.4 porsyento noong 2016, na itinampok sa opisyal na website ng Investment Promotion Office ng lungsod ng Davao.

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay gumagamit ng GRDP, o “ang pinagsama-samang kabuuang halaga na idinagdag ng lahat ng mga yunit ng producer ng residente sa rehiyon,” bilang tagapagpahiwatig ng paglago ng ekonomiya.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling
salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami
ay ginagabayan ng mga
prinsipyo ng
International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan
bisitahin ang
pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.