Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte maling inakusahan si Robredo ng pagsisinungaling sa tugon sa bagyo

Pinagbintangan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na promotor ng mga kritisismo sa social media na kinuwestiyon ang kanyang pagkawala niya habang nananalasa ang Bagyong Ulysses (international codename: Vamco).

By VERA Files

Nov 23, 2020

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Pinagbintangan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na promotor ng mga kritisismo sa social media na kinuwestiyon ang kanyang pagkawala niya habang nananalasa ang Bagyong Ulysses (international codename: Vamco).

Muling lumitaw ang hashtag na #NasaanAngPangulo bilang isa sa mga trending na paksa sa Twitter noong Nob. 12. Sa oras na iyon, libu-libong pamilya ang humihingi ng tulong habang nilubog ng bagyo ang mga bahagi ng Luzon at sinira ang mga bahay sa maraming mga lugar.

PAHAYAG

Sa kanyang pahayag sa publiko noong Nob. 17, sinabi ni Duterte na si Robredo ay “grandstanding” nang makipag-ugnay sa militar — kahit na wala siya sa chain of command — habang dumadalo siya sa 37th Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Tinawag siyang “sinungaling,” nagpatutsada rin si Duterte na may sekswal na pakahulugan laban kay Robredo:

She made a blunder, a big one, and she practically lied, making her incapable of truth. Alam mo ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo…I was here, dito. I was attending a summit — ASEAN Summit ‘yon. So virtual lang, palit-palit kami; we were talking sa electronic… nandito ako noon. Kasagsagan ng bagyo, dumaan diyan sa labas, nag-uusap kami dito.

(Gumawa siya ng isang malaking pagkakamali, malaki, at siya ay halos nagsinungaling, na wala siyang kakayahan na magsabi ng katotohanan. Alam mo ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo … Andito ako, dito. Dumadalo ako sa isang summit — ASEAN Summit ‘yon. Virtual lang, palit-palit kami; pakikipag-usap kami sa electronic… nandito ako noon. Kasagsagan ng bagyo, dumaan diyan sa labas, nag-uusap kami dito.)”

There was no need for you to make a…make a very masamang biro na, “where were you?” (Hindi mo na kailangan na gumawa ng isang … gumawa ng isang napakasamang biro na, “nasaan ka?”) Kung sabihin ko tuloy sa iyo, what time did you go home? Ikaw noong gabi, anong oras ka umuwi? Isang bahay ka lang ba? Dalawang bahay ka? Tatanong lang ako. Kay congressman ka. At kaninong bahay ka natagalan?

Pinagmulan: Presidential Communication Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Nob. 17, 2020 panoorin 2:13 hanggang 3:01 at 8:39 hanggang 9:33

Sa parehong talumpati, nagbanta si Duterte na kaladkarin pababa si Robredo sakaling magsimula ito ng kanyang kampanya para sa pampanguluhan sa 2022.

ANG KATOTOHANAN

Matapos i-scan ang lahat ng mga post at video sa mga social media account ni Robredo mula Nob. 1 hanggang Nob. 17, walang nakita ang VERA Files na mga pangungusap o parinig na gawa ng bise presidente tungkol sa umano’y pagkawala ni Duterte o hindi pagpapakita sa publiko sa panahon ng sunud-sunod na malalakas na bagyo na sumalanta sa bansa, na nagdulot ng matinding pagkasira sa maraming bahagi ng Luzon.

Wala rin mga opisyal na tala, transcript, panayam, o ulat ng media na nagpapakita ng pahayag na ito at iniuugnay kay Robredo.

Habang nagpapatuloy ang talumpati ni Duterte, binatikos ni Robredo, sa isang serye ng mga tweet, ang mga “nagkakalat” ng maling impormasyon sa pangulo at sinita si Duterte sa pagiging “misogynist.” Sinabi ng bise presidente:

When a President is a misogynist, the conversation goes down to this level (Kapag ang isang Pangulo ay misogynist, ang pag-uusap ay bumaba sa antas na ito). Eto po ‘yung ginagawa namin gabi gabi, nagpupuyat ilang linggo na para, araw-araw, may madala lang na tulong sa mga nangangailangan.”

Pinagmulan: Vice President Leni Robredo Official Twitter, When a President is a misogynist…, Nob. 17, 2020

Kinabukasan, pinasinungalingan ni Robredo ang mga pahayag ng pangulo, sinabing: “Kung sino man ang nagsusubo sa pangulo ng maling impormasyon,‘yun ang dapat hanapin.” Sinabi rin niya na tungkulin niya na tumugon sa mga humihingi ng saklolo sa mga panahon ng kalamidad.

Sa isa sa lingguhang palabas sa radyo ni Robredo, ang abugadong si Barry Gutierrez, kanyang tagapagsalita, ay nagkuwento kung paano niya binibisita ang mga lugar na tinamaan ng bagyo, nagbibigay at nakikipag-ugnayan ng tulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan. Nang tanungin kung hinihigpitan ang bise presidente ng kanyang mga security officer sa paglalakbay kumpara sa “iba pa,” sumagot si Gutierrez na depende ito sa “principal” (na tumutukoy sa bise presidente) kung tutuloy sila o hindi.

Sa kanyang talumpati noong Nob. 12, sinabi ni Duterte na nais niyang bisitahin ang mga biktima ng Bagyong Ulysses at lumangoy kasama sila sa baha, ngunit pinigilan siya ng kanyang doktor at ng Presidential Security Group na gawin ito.

Ang hashtag na #NasaanAngPangulo ay naitala noon pa mang Enero 2015 nang mag trending ito sa buong mundo sa termino ni Benigno “Noynoy” Aquino III, ang hinalinhan ni Duterte.

Umani ng batikos online si Aquino nang pinili niyang dumalo sa pagpapasinaya ng isang Mitsubishi plant sa Sta. Rosa, Laguna, at hindi sumipot sa parangal sa pagdating noong Enero 20, 2015 ng 44 na kasapi ng Philippine National Police-Special Armed Force (PNP-SAF) na napatay sa sagupaan sa Mamasapano sa Maguindanao.

Ang hashtag na #NasaanAngPangulo ay nag-trend ng hindi bababa sa tatlong beses sa ilalim ng administrasyong Duterte: sa panahon ng pagbaha noong 2018, at dalawang beses sa taong ito, nang halatang wala ang pangulo sa briefing ng mga pangunahing opisyal sa kasagsagan ng Bagyong Rolly noong Nob. 1 at nang malubog sa dalawang palapag na taas na tubig-baha ang Marikina City at mga kalapit na bayan sa Rizal noong Nob. 12.

Hindi na sumipot si Duterte sa pagsasara ng ASEAN Summit noong Nob. 15 at nagtungo sa mga lugar na nasalanta ng bagyo, kabilang ang Cagayan Valley at Bicol region.

Sa pagtugon sa mga sagot ni Robredo, sinabi ni Roque, sa isang press briefing noong Nob. 19, na may batayan ang banat laban sa kanya ng pangulo, at ipinakita pa ang isang screenshot ng mga tweet ng dalawang anak na babae ni Robredo na nagpapahiwatig na hinahanap nila si Duterte. The mga tweet — “Tulog pa rin? Alas otso na.” At “Sabado eh. Weekend” — hindi nagbanggit ng anumang pangalan. Sinabi pa ni Roque na dapat pagalitan ni Robredo ang kanyang tagapagsalita dahil sa kanyang mga sinabi sa palabas sa radyo.

Walang binabanggit na anumang mga pangalan, sinabi ni Robredo na ang kanyang mga anak na babae ay hindi natatakot magsalita dahil “sinanay (niya) ang mga ito na manindigan para sa kanilang sarili at kung ano ang kanilang pinaniniwalaan.”

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Nov. 17, 2020

RTVMalacanang YouTube, Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19, Nov. 17, 2020

Vice President Leni Robredo’s Official Twitter, I just called out Sec Panelo for peddling fake news…, Nov. 17, 2020

Vice President Leni Robredo’s Official Twitter, When a President is a mysoginist, the conversation goes down to this level…, Nov. 17, 2020

Vice President Leni Robredo Official Facebook page, [A] LIVE: Interview with VP Leni in Ragay, CamSur, Nov. 18, 2020

Vice President Leni Robredo Official Facebook page, BISErbisyong LENI – Episode 184, Nov. 15, 2020

Presidential Communications Operations Office, Statement of President Rodrigo Roa Duterte on Typhoon Ulysses, Nov. 12, 2020

Rappler.com, #NasaanAngPangulo tops worldwide Twitter trends, Jan. 29, 2015

ABS-CBN News, #NasaanAngPangulo trends worldwide, Jan. 30, 2015

Manila Standard, Aquino bashed online again, Jan. 31, 2015

Presidential Communications Operations Office, President Benigno S. Aquino III’s Speech at the Inauguration of new Manufacturing Plant of Mitsubishi Motors Philippines Corp (MMPC), Jan. 29, 2015

ABS-CBN News, Nation mourns as fallen SAF troops come home, Jan. 29, 2015

GMA News Online, PNoy no-show at arrival honors for 42 slain SAF men at Villamor Air Base, Jan. 29, 2015

Interaksyon.com, As homes, neighborhoods get flooded, Filipinos ask ‘nasaan ang pangulo?’, Aug. 13, 2018

ABS-CBN News, ‘Nasaan ang Pangulo?’ Duterte monitoring Metro floods, says aide, Aug. 13, 2018

Office of the Presidential Spokesperson, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque on typhoon Rolly, Nov. 1, 2020

ABS-CBN News, #NasaanAngPangulo: Presidents entitled to rest, stay safe during typhoons – Gordon, Nov. 2, 2020

Rappler, #NasaanAngPangulo: Duterte missing from 1st high-level briefing on Rolly, Nov. 1, 2020

Inquirer.net, #NasaanAngPangulo? Palace says gov’t working even if Duterte was in Davao, Nov. 2, 2020

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque,Nov. 16, 2020

Presidential Communications Operations Office, Aerial photo shows the aftermath of Typhoon Ulysses along Camarines Sur. President Rodrigo Roa Duterte conducted aerial inspections of severely affected areas in Cagayan Valley and Bicol Region, Nov. 15, 2020

Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte interacts with the families affected by Typhoon Ulysses in Barangay Iraga, Solana, Cagayan following an aerial survey of severely affected area, Nov. 15, 2020

Presidential Communications Operations Office, Aerial photo shows the aftermath of Typhoon Ulysses along Camarines Sur. President Rodrigo Roa Duterte conducted aerial inspections of severely affected areas in Cagayan Valley and Bicol Region, Nov. 15, 2020

PTV YouTube, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, Nov. 18, 2020

PTV YouTube, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, Nov. 19, 2020

CNN Philippines, Robredo on her daughters: They’re outspoken and rightfully so, Nov. 20, 2020

ABS-CBN News, ‘They’re outspoken and rightfully so’: Robredo defends daughters after Roque fumes over tweets, Nov. 20, 2020

GMA News Online, Robredo decries bullying of her daughters, Nov. 20, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.