Sa isang talumpati sa 6th Regional Community Defense Group sa Dingle, Iloilo noong Peb. 22, si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay ng maling halaga ng suweldo na kanyang tinatanggap.
Tinitiyak ni Duterte sa kanyang tagapakinig na wala siyang ambisyon na magtagal pa bilang presidente “kahit na isang araw.” Hindi na raw siya makapaghintay na iwanan ang kanyang posisyon pagkatapos ng kanyang termino. Ang dahilan: Siya ay kumikita lamang ng P200,000 bawat buwan. Sinabi ni Duterte na hindi ito sapat para suportahan ang kanyang dalawang pamilya.
Pinaliit ni Duterte ang kanyang sinusuweldo ng P98,000.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na mali ang pahayag ng Pangulo tungkol sa kanyang suweldo. Sa inagurasyon noong Enero 2017 ng isang programa para sa rehabilitasyon ng pabahay para sa mga nasalanta ng Typhoon “Haiyan” sa Tacloban City, sinabi ni Duterte na siya ay binabayaran lamang ng P130,000 kada buwan. (Tingnan: VERA FILES FACT CHECK: How much does President Duterte earn monthly?) Ang pahayag ni Duterte ay kulang ng P35,000 sa kanyang aktwal na kinikita noon.
Panoorin ang video: