Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte pinapalaki ang bilang ng mga mahihirap sa PH

Kung saan nakuha ng presidente ang kanyang datos ay hindi malinaw.

By VERA FILES

Feb 12, 2019

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Labis na dinagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proporsiyon ng mga mahihirap na Pilipino
sa bansa matapos hikayatin ang mga lokal na lider at mga propesyonal sa
larangan ng medisina na maghatid ng tamang mga serbisyong pangkalusugan sa mga
mahihirap.

PAHAYAG

Sa groundbreaking ng isang bagong ospital sa Malabon noong Enero 29, sinabi ni Duterte:

“Poor, poor, poor talaga, ‘yan kasi 98% poor tayo. Ang two percent nayan, billion-billion nasa kamay ng iilang tao lang sa Pilipinas (Mahirap, mahirap, mahirap talaga, may 98% mahihirap. Ang dalawang porsiyento, na bilyong-bilyon sa kamay ng iilang tao lang sa Pilipinas.)”

Pinagmulan:
PCOO, Speech
sa groundbreaking ceremony ng bagong San Lorenzo Ruiz General Hospital, Enero
29, 2019, panoorin mula
33.24-33:40

ANG KATOTOHANAN

Kung saan nakuha ng presidente ang kanyang datos ay hindi malinaw, ngunit ang dalawang pangunahing tagapagpahiwatig ng kahirapan ng Philippine Statistics Authority (PSA) — poverty incidence at subsistence incidence — ay hindi pinatutunayan ang kanyang pahayag.

Ayon sa pinakahuling impormasyon tungkol sa kahirapan ng bansa, ang poverty incidence sa mga Pilipino noong 2015 ay naitala sa 21.6 porsyento, habang ang subsistence incidence ay nasa 8.1 porsyento.

Ang poverty incidence ay ipinaliwanag ng PSA bilang proporsyon ng mga taong nabubuhay sa ilalim ng tinatawag na poverty line sa kabuuang populasyon. Nangangahulugan na noong 2015, may 21.93 milyon, o isa sa limang Pilipino, ang hindi makabili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan na pagkain at hindi pagkain.

Ang subsistence incidence ay tumutukoy sa proporsyon ng mga Pilipino na nabubuhay sa matinding kahirapan. Noong 2015, 8.93 milyong Pilipino ang hindi kayang bumili kahit na kanilang mga pangunahing pangangailangan na pagkain.

Ang PSA ay naglalathala ng mga ulat kaugnay ng mga opisyal na istatistika ng kahirapan tuwing tatlong taon mula nang 2006. Ang proporsyon ng mga Pilipino na itinuturing na mahihirap at pantawid-buhay na mahihirap ay patuloy na nababawasan mula noon.

Kakatwa na ang maling pahayag ng presidente ay salungat sa isang Dis. 5 online video na nag-eendorso sa kanyang dating aide na kandidato pagka-senador na si Christopher “Bong” Go. Ang video ay mali rin ang pahayag na ang kahirapan at kagutuman sa bansa ay lubusang nabura na sa ilalim ng termino ni Duterte. (Tingnan ang: VERA FILES FACT CHECK: Bong Go video makes unsupported claim about hunger, poverty)

 

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Duterte, Speech during the groundbreaking ceremony of the new site of the San Lorenzo Ruiz General Hospital, Jan. 29, 2019

Philippine Statistics Authority, Poverty incidence among Filipinos registered at 21.6% in 2015 — PSA,Oct. 27, 2018

Philippine Statistics Authority, Official Poverty Statistics of the Philippines, Oct. 27, 2016

 

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.