Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Gadon MALI ang sinasabi na ang Ilocos Norte wind power plant ang pinakamalaki sa SE Asia

Hindi totoo ang pahayag ng abogadong si Larry Gadon, na kumakandidato sa pangalawang pagkakataon sa Senado, na ang pinakamalaking wind energy producer sa Southeast Asia ay nasa Ilocos Norte.

By VERA Files

Mar 10, 2022

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Hindi totoo ang pahayag ng abogadong si Larry Gadon, na kumakandidato sa pangalawang pagkakataon sa Senado, na ang pinakamalaking wind energy producer sa Southeast Asia ay nasa Ilocos Norte.

PAHAYAG

Sa senatorial debate noong Marso 2, binanggit ni Gadon ang wind farming at water turbines bilang mga paraan upang itulak ang pag-unlad ng renewable energy sources sa bansa. Nang walang tinutukoy na partikular na windmill project, sinabi niya:

“Alam ninyo iyong project na in-initiate ni Bongbong Marcos doon sa Ilocos Norte? Iyong windmill power source? Iyan ang pinakamalaking windmill energy producer in Southeast Asia. So dapat kopyahin natin iyon. Ipalaganap natin iyon.”

Source: SMNI News, What legislations will you propose to accelerate the development of renewables?, Marso 2, 2022, panoorin mula 7:03 hanggang 7:23

ANG KATOTOHANAN

Taliwas sa pahayag ni Gadon, ang Vietnam ay may hindi bababa sa tatlong wind farm na may mas mataas na power generation capacity kaysa sa pinakamalaking wind farm sa Pilipinas, ang Burgos Wind Power Project sa Ilocos Norte.

Ang Ea Nam Wind Power Plant, ang pinakamalaking wind farm sa Vietnam na natapos noong Nobyembre 2021, ay maaaring makabuo ng maximum na 400 megawatts kumpara sa 150 megawatts na naka-install na kapasidad ng Burgos wind project. Ang installed capacity ay ang maximum amount ng kuryente na maaaring magawa ng isang power plant, ayon sa Department of Energy (DOE).

Dalawang iba pang wind projects sa Vietnam, ang Trungnam Wind Farm at ang B&T; wind power farm cluster, ay mayroong 151.95 megawatts at 252 megawatts na naka-install na kapasidad, ayon sa pagkakabanggit.

Noong Disyembre 2021, ipinapakita ng datos mula sa DOE na ang Pilipinas ay may pitong wind power plants na maaaring magbenta ng kuryente sa mga electric supplier. Sa pito, tatlo ang nasa Ilocos Norte: ang Bangui Bay Wind Power Project (phase 3), Caparispisan Wind Power Project, at ang Burgos wind project.

Ang Bangui Bay Wind Power Project ng NorthWind Power Development Corp. ay ang kauna-unahang wind farm sa Southeast Asia kasunod ng pagtatayo ng una sa apat na yugto nito noong 2005. Ang proyekto, na tumanggap ng pondo mula sa World Bank, ay itinayo noong si Marcos Jr. ay gobernador ng Ilocos Norte mula 1998 hanggang 2007.

Ang Caparispisan Wind Power Project ng North Luzon Renewable Energy Corporation at ang Burgos Wind Power Project ng EDC Burgos Wind Power Project ay nagsimula ng komersyal na operasyon noong 2014.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

SMNI, SMNI, What legislations will you propose to accelerate the development of renewables?, March 2, 2022 March 2, 2022

Trung Nam Group, Ea Nam Wind Power Plant, Accessed March 9, 2022

Vietnam Electricity, Power Transmission Company No.3 provides technical support to complete the 500kV power line project connecting the largest wind power plant in Vietnam, Aug. 15, 2021

Trung Nam Group, WE WOULD LIKE TO THANK EVERYONE WHO HAS ACCOMPANIED WITH EA NAM – DAK LAK 400MW WIND POWER PROJECT, Nov.6, 2021

First Gen, Burgos wind project, Accessed March 9, 2022

Department of Energy, DOE MONTHLY POWER SITUATION REPORT – 1st Half 2016, Accessed March 9, 2022

Trung Nam Group, Trungnam Wind Farm, Accessed March 9, 2022

Vietnam Ministry of Industry and Trade, B&T; wind power farm cluster, Nov. 17, 2021

Department of Energy, ELIGIBLE RE POWER PLANTS FOR RENEWABLE PORTFOLIO STANDARDS (RPS) COMPLIANCE FOR ON-GRID AND OFF-GRID AREAS as of December 31, 2021, Dec. 31, 2021

Wholesale Electricity Spot Market, Renewable Energy Market, Accessed March 9, 2022

World Bank, Bangui Bay Wind Power Project, Accessed March 9, 2022

North Luzon Renewable Energy Corporation, Caparispisan Wind Power Project, Accessed March 9, 2022

World Wide Fund for Nature, Southeast Asia’s first wind farm launched, June 18, 2005

Department of Energy, AWARDED WIND PROJECTS as of 31 MAY 2021, May 31, 2021

Senate of the Philippines, Bio of former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Accessed March 9, 2022

Asian Development Bank, Burgos Wind Power Project, Accessed March 9, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.