Nagdadalamhati sa “pamumulitika” ng mga matataas na opisyal sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang abogadong si Harry Roque ay humingi ng kapatawaran dahil “nadaya” (siya) sa paniniwalang gagamitin ni Marcos ang “ikalawang pagkakataon” ng kanyang pamilya sa Malacañang para tubusin ang kanilang nasirang reputasyon pagkatapos mapatalsik ang kanyang ama noong 1986.
Ito ay isang pagbaligtad mula sa mga pahayag ni Roque noong 2022 na sumusuporta sa kampanya ni Marcos at noo’y mayor ng Davao City na si Sara Duterte sa ilalim ng tiket ng UniTeam.
PAHAYAG
Sa pagsasalita sa isang prayer rally noong Peb. 25 sa Cebu City, nanawagan si Roque sa mga dumalo na samahan siya sa isang panalangin na “ibalik ang pagkakaisa at pananampalataya sa gobyerno” sa gitna ng mga pagtatangka na isulong ang isang people’s initiative para sa Charter change.
Sinabi ng dating tagapagsalita ng noo’y pangulong Rodrigo Duterte:
“Pinagdadasal po namin ang mga nagugutom, ang mga biktima ng karahasan, ang mga biktima ng benggador na gobyerno na ngayon po’y nakaupo sa Malacañan [Palace]. Patawarin niyo po kaming nagpabudol ng isang lider [na nangakong] kapag binigyan ng pangalawang pagkakataon, gagamitin ang pagkakataon na ‘yan [na] linisin ang kanilang mga pangalan. Hindi po nangyari.”
Pinagmulan: Sonshine Media, FULL SPEECH | Atty. Harry Roque sa isinagawang prayer rally sa Cebu City, Peb. 25, 2024, panoorin mula 8:05 hanggang 8:25
Idinagdag niya na nangako si Marcos na ibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, ngunit ang bigas ngayon ay nagkakahalaga ng halos P60 kada kilo. Sinabi ni Roque na ipinagdarasal niya ang mga Pilipinong nananatiling mahirap at nagugutom dahil sa hindi natutupad na mga pangako ng pangulo.
ANG KATOTOHANAN
Sa maraming talumpati at panayam, ipinahayag ni Roque ang kanyang suporta kay Marcos noong kampanya noong 2022 national elections.
Sa isang panayam sa DZMM TeleRadyo, sinabi ni Roque na ginagawa niya ito dahil sa karanasan ni Marcos bilang dating gobernador ng Ilocos Norte, at binanggit din na si Marcos ay “hindi nagkasala ng pandaraya at paglabag sa karapatang pantao.”
“Lahat ng desisyon [na ginawa ng mga korte ng Pilipinas] ay laban sa mga magulang [ni Marcos], at mayroon pa ngang laban sa kapatid (Imee),” sabi ni Roque.
Si Roque ay nasa senatorial slate ng Marcos-Duterte UniTeam, na nag-endorso kay Marcos bilang kandidato bilang panguno noong Nobyembre 2021.
Matapos matalo sa pagka-senador noong sumunod na taon, idineklara ni Roque na tutuparin niya ang kanyang pangako na patuloy na tutulong sa administrasyong Marcos-Duterte.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
ONE News PH, ‘Senatorial aspirant Harry Roque says…’, Dec. 2, 2021
ONE News PH, Senatorial aspirant Harry Roque maintains…, Dec. 3, 2021
Harry Roque Facebook Page, THE UNCENSORED SPOX EP 11: BAKIT SI BBM?, Feb. 23, 2022
Harry Roque Facebook Page, Narito po ang aking sagot kung bakit si Bongbong Marcos…, Dec. 13, 2021
BusinessMirror, Roque, Cebu mayors back BBM-Sara Uniteam, Nov. 29, 2021
Inquirer.net, Roque joins ticket of Marcos-Duterte, Nov. 29, 2021
Panay News, HARRY ROQUE JOINS MARCOS-DUTERTE SENATORIAL SLATE, Nov. 29, 2021
Harry Roque Facebook Page, Maraming salamat…, May 22, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)