Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Hindi totoo ang sinabi ni Tiglao na ‘mali’ ang ulat ng Philstar na nangunguna si Robredo sa Google search

Iginiit ng kolumnista ng Manila Times na si Rigoberto “Bobi” Tiglao na nagkamali ang Philippine Star sa pag-uulat na si Vice President Leni Robredo ang most-searched na kandidato sa pagkapangulo sa Google noong unang bahagi ng buwang ito.

By VERA Files

Mar 30, 2022

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Iginiit ng kolumnista ng Manila Times na si Rigoberto “Bobi” Tiglao na nagkamali ang Philippine Star sa pag-uulat na si Vice President Leni Robredo ang most-searched na kandidato sa pagkapangulo sa Google noong unang bahagi ng buwang ito.

Hindi totoo. Upang suportahan ang maling pahayag na ito, gumamit si Tiglao ng set ng datos na iba sa ginagamit ng Google Trends. Ibinatay ng pahayagan ang ulat sa datos ng Google.

PAHAYAG

Noong hapon ng Marso 11, nag-post si Tiglao sa kanyang opisyal na Facebook (FB) account:

Philstar is now a venue for fake news. It reported Robredo is more searched than Marcos. This is false.

(Philstar venue na ngayon ng fake news. Iniulat na mas hinahanap [sa internet] si Robredo kaysa kay Marcos. Ito ay hindi totoo.)

Pinagmulan: Bobi Tiglao official FB account, “Philstar is now a venue for fake news…,” Marso 11, 2022

Tinukoy ni Tiglao ang ulat ng Philippine Star na inilathala noong araw na iyon, na nagsasabing si Robredo ang nangungunang sa ginawang mga search sa internet tungkol sa kandidato sa pagkapangulo sa bansa. Iniulat nito na ang mga search para kay Robredo ay binubuo ng 46% ng mga tanong sa limang kandidato sa pagkapangulo, gamit ang datos mula sa dashboard ng halalan sa Pilipinas ng Google Trends. Kinokontra ito, sinulat ni Tiglao:

Follow (sic) are the actual Google Trends for the past month and in the past four hours today, which shows the opposite, with Marcos still consistently the most researched.

(Sundan (sic) ang aktwal na Google Trends sa nakaraang buwan at sa nakalipas na apat na oras ngayon, na nagpapakita ng kabaligtaran, kung saan si Marcos ay patuloy pa rin ang pinakanasasaliksik.)

Nag-attach si Tiglao ng mga screenshot ng dalawang paghahambing ng datos ng Google Trends para sa mga terminong “Marcos” at “Robredo,” na nagpakita ng bawat minutong datos mula 10:56 a.m. hanggang 11:35 a.m. noong Marso 11, at bawat araw na datos mula Peb. 4 hanggang Marso 9.

Makalipas ang ilang minuto, sinabi ni Tiglao sa isa pang post sa FB na muling nagkalat ang Philippine Star ng “fake news” at sa pagkakataong ito ay ikinumpara ang mga search interest sa 17 rehiyon ng Pilipinas.

Nagpakita si Tiglao ng search interest sa mga terminong “Robredo” at “Marcos” na sumasaklaw sa mga petsang Peb. 11 hanggang Marso 11. Mas maganda umano ang kinalabasan para kay Marcos sa paghahambing na ito sa lahat ng rehiyon.

Sa kabilang banda, isang hindi opisyal na visualization ng datos ng Google Trends mula sa isang kolum ng opinyon noong Marso 9 sa Star – na binanggit ang datos mula sa ibang mga petsa, Peb. 5 hanggang Marso 2 – ay nagpakita na mas maganda ang resulta para kay Robredo.

Bilang tugon sa unang post ni Tiglao, sinabi ng isang netizen na maaaring iba’t ibang parameters ang tinignan ng kolumnista. Inakusahan ng iba ang Philippine Star na bayaran at para sa pagpapakalat ng pro-Robredo propaganda.

ANG KATOTOHANAN

Mali si Tiglao. Ang datos na kanyang nai-post ay gumamit ng “search terms,” habang ang Google Trends, tulad ng binanggit ng ulat ng Philippine Star, ay gumagamit ng “topics” na nakatuon sa mga partikular na kandidato sa pagkapangulo. Ang interes para sa mga tuntunin at paksa ay sinusuri ng Google sa ibang paraan.

Ayon sa Google, ang search “terms” ay mga salita o pariralang inilagay sa search engine ng Google, habang ang “topics” ay sumasaklaw sa isang pangkat ng search terms tungkol sa isang partikular na konsepto.

 

VERA FILES FACT CHECK: Hindi totoo ang sinabi ni Tiglao na ‘mali’ ang ulat ng Philstar na nangunguna si Robredo sa Google search

 

Halimbawa, ang search terms na “Marcos” at “Robredo” ay maaaring magbigay ng mga resultang nauugnay sa pamilyang Marcos o Robredo at hindi limitado sa mga kandidato mismo.

Samantala, ang mga paksang “Leni Robredo” at “Bongbong Marcos” ay nagtutulak sa Google search para kunin ang impormasyon tungkol sa mga kandidato sa pagkapangulo.

Google Trends chart: Marcos search term

 

I-click ang photo upang makita ang buong pagha-halintulad

Ang datos mula sa Google Trends sa nakalipas na 30 araw ay nagpakita na ang paksang “Leni Robredo” (kulay asul) at ang search terms na “leni robredo” at “robredo” (kulay pula at dilaw) ay may iba’t ibang trend ng search interest; kaya hindi tama na isaalang-alang ang mga termino at paksa bilang iisa at magkapareho.

 

Google trends chart: Robredo search term

 

I-click ang photo upang makita ang buong pagha-halintulad

Ipinapaliwanag ng Google News Initiative ang search interest bilang porsyento ng mga search para sa isang partikular na paksa o search term kumpara sa lahat ng mga search na ginawa para sa isang partikular na oras at lokasyon. Na-rate sa scale na 0-100, hindi nito sinusukat ang aktwal na bilang ng mga seach na ginawa para sa isang paksa.

Ito ay hindi isang siyentipikong poll, at hindi rin ito nagpapakita kung sino ang “sikat” o “nanalo,” babala ng Google Trends help page.

Sa datos ng Google Trends na ipinakita ni Tiglao, ang paggamit ng mga search term sa halip na mga paksa upang ihambing ang search interest sa mga kandidato sa pagkapangulo ay nagresulta sa isang ganap na naiibang konklusyon kumpara sa kung ano ang lumalabas sa dashboard ng Philippine Elections dashboard ng Google.

Batay sa datos ng Google Trends na nakuha ng VERA Files Fact Check mula sa Google, ang paksang “Leni Robredo” ay mas mataas ang mga resulta ng search kaysa sa “Bongbong Marcos.” Nalalapat ito sa mga timeframe mula Peb. 4 hanggang Marso 9, at noong Marso 11, mula 10:56 a.m. hanggang 11:35 a.m.

Ipinapakita rin ng datos na ang search interes para sa “Leni Robredo” (paksa) ay mas mataas kaysa para sa “Bongbong Marcos” (paksa) sa mga rehiyon ng Pilipinas mula Peb. 11 hanggang Marso 11, kaya sumasalungat sa pangalawang FB post ni Tiglao.

Ang mga maling post ng kolumnista ay lumabas dalawang araw pagkatapos ilunsad ng Google noong Marso 9 ang isang nakalaang Search Trends page para sa halalan sa Pilipinas ngayong 2022. Ang dalawang post ay nakakuha ng pinagsamang kabuuang 16,550 interactions.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Bobi Tiglao official Facebook account, Philstar is now a venue for fake news… (perma.cc), March 11, 2022

Philippine Star official Facebook account, Vice President Leni Robredo emerged…, March 11, 2022

Google, Philippine Elections – Google Trends, accessed March 21, 2022

Bobi Tiglao official Facebook account, Philstar fake news being spread…, March 11, 2022

Google Trends Help, Compare Trends search terms, accessed March 23, 2022

Google Trends, Compare “Bongbong Marcos” (topic) vs. “Marcos” (search term) [Philippines, past 30 days], accessed March 23, 2022

Google Trends, Compare “Leni Robredo” (topic) vs. “Leni Robredo” (search term) vs. “Robredo” (search term) [Philippines, past 30 days], accessed March 23, 2022

Google News Initiative, Basics of Google Trends, accessed March 21, 2022

Google Trends Help, FAQ about Google Trends data, accessed March 21, 2022

Google News Lab, Google Trends data: Compare “Bongbong Marcos” (topic) vs. “Marcos” (search term) [Philippines, March 11, 2022, 10:56 AM to 11:35 AM], March 17, 2022

Google News Lab, Google Trends data: Compare “Leni Robredo” (topic) vs. “Robredo” (search term) [Philippines, Feb. 3, 2022 to March 3, 2022], March 17, 2022

Google Trends, Compare “Leni Robredo” (topic) vs. “Bongbong Marcos” (topic) [Feb. 11 to March 11, 2022], accessed March 23, 2022

CNN Philippines, Google sets up Search Trends page for PH elections, March 11, 2022

ABS-CBN News, Google launches Search trends Philippines elections page ahead of polls, March 10, 2022

Rappler, Google launches Search Trends page for Philippine elections, March 10, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.