Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Hirit ni Gadon na dahilan ni Cory Aquino sa pagpigil sa operasyon ng BNPP HINDI TOTOO

Sinabi ng abogadong si Lorenzo "Larry" Gadon na pinigilan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pagpapatakbo ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) dahil "ayaw niyang maalala ng mga Pilipino ang pamilya Marcos." Hindi ito totoo.

By VERA Files

Oct 19, 2020

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ng abogadong si Lorenzo “Larry” Gadon na pinigilan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pagpapatakbo ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) dahil “ayaw niyang maalala ng mga Pilipino ang pamilya Marcos.”

Hindi ito totoo.

PAHAYAG

Noong Okt. 2, muling ibinahagi ni Gadon ang kanyang sariling Facebook (FB) post — na orihinal na na-upload noong Peb. 29 — tungkol sa na mothball na power plant project ni Ferdinand Marcos Sr. Sa caption, sinabi niya:

“…[P]ara lang wag bumango ang pangalan ni Pres. Marcos, gagawin nila (dilawan) lahat para hindi mapakinbangan ang kanyang mga proyekto, bagkus ay sinakripisyo nila yung magiging magandang maidudulot nito sa ating bansa.”

Source: Larry Gadon official Facebook page, “Kung hindi lang pinigilan ito ng PEKENG SANTA…,” Okt. 2, 2020

“Dilawan” ay tawag sa mga kasapi at tagasuporta ng Liberal Party.

ANG KATOTOHANAN

Bagama’t totoo na pinahinto ni Aquino ang bilyong pisong BNPP, ang “dahilan” na binanggit ni Gadon ay walang kinalaman sa mothballed power plant.

Noong 1986, sinabi sa Executive Order 55 ni Aquino na nagpasya ang gobyerno ng Pilipinas na huwag patakbuhin ang BNPP “dahil sa mga (pag-aalinlangan sa) kaligtasan at ekonomiya.”

Ang BNPP project ni Marcos ay batbat ng mga katanungan kaugnay ng mga alalahanin sa kaligtasan at mga paratang ng katiwalian bago, habang, at pagkatapos ng konstruksyon nito noong 1985.

Kaligtasan

Kinuwestiyon na ng mga nuclear expert na nagmasid sa power plant noong ginagawa pa lamang ito ang build quality at site location, ayon sa isang ulat noong 1986 ng Fortune Magazine.

Isang grupo mula sa International Atomic Energy Agency (IAEA) ang nagbabala noong 1978 na ang pagtatayo ng BNPP sa Napot Point, Bataan ay mapanganib. Partikular nitong tinukoy ang posibleng pagsabog ng kalapit na Mount Natib, tulad ng binanggit sa isang brief na isinumite sa US Nuclear Regulatory Commission noong 1979 ng tatlong mga petitioner na nais mag intervene sa aplikasyon na mag-export ng nuclear reactor, component parts at uranium fuel sa Pilipinas para sa nakaplanong power planta.

Noong 1979, isang komisyon na pinamumunuan ng noo’y Minister of Justice Ricardo Puno upang alamin kung ligtas na patakbuhin ang BNPP matapos ang Three Mile Island nuclear accident sa Pennsylvania. Lumabas sa pag-aaral na ang power plant ay may “hindi natugunan na mga isyu ng safety” at maaaring “isang potensyal na peligro sa ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Ang 1986 Chernobyl nuclear disaster sa Soviet Union ay nagpatibay sa desisyon ng gobyernong Aquino na huwag paandarin ang power plant.

Ekonomiya

Ang BNPP, na itinayo ng Westinghouse Electric Corp., ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa US$2.1 bilyon, kung saan ang US$1.2 bilyon ay nanatiling utang pagkatapos na patalsikin si Marcos, ayon sa ulat ng Los Angeles Times noong 1986.

Sa ilalim ng EO 55 ni Aquino, inako ng gobyerno ang natitirang utang na nakumpleto lang bayaran makalipas ang dalawang dekada noong 2007.

Ang proyekto ay tadtad ng mga paratang ng katiwalian. Inakusahan si Marcos ng pagbubulsa ng “pinakamalaking bahagi ng [US]$80 milyong bayad” sa kasunduan, ayon sa isang ulat noong 1986 ng The New York Times.

Noong 2012, ipinabalik ng Sandiganbayan sa crony ni Marcos na si Herminio Disini ang US$50.6 milyong nakaw na kayamanan na natanggap niya bilang broker sa kasunduan sa pagitan ng gobyerno ni Marcos at mga kontratista ng BNPP.

Ang FB post ni Gadon ay nakatanggap ng higit sa 20,000 mga reaksyon, 1,400 na mga komento, at 3,300 na shares, sa araw ng paglalathala ng report ito. Ginawa rin itong kwento ng isang website na tinawag na Protectprrd (protectprrd.com), na nakakuha ng higit sa 1,600 na interactions ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle.

Ang isang katulad na pahayag sa Facebook page Bagong Lipunan, na kumalat halos umpisa ng 2019, ay na fact-check ng Rappler noong Hulyo ng taong iyon.

Ang pahayag ni Gadon ay nalathala isang araw matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Okt. 1 na inatasan niya ang mga awtoridad na kunsultahin ang mga taga Bataan hinggil sa posibleng pagpapaandar ng BNPP.

 

Mga Pinagmulan

Larry Gadon official Facebook page, “Kung hindi lang pinigilan ito ng PEKENG SANTA…,” October 2, 2020

The Official Gazette, Executive Order No. 55, Nov. 4, 1986

Fortune Magazine, The $2.2 Billion Nuclear Fiasco, September 1, 1986

United States of America Nuclear Regulatory Commission, Brief of Petitioners in Response to NRC’s October 19, 1979 Request for Views on Philippine Export Proceedings, November 21, 1979

Philippines Commission on Nuclear Reactor Plants, Report of the Commission, November 16, 1979

United States of America Nuclear Regulatory Commission, Backgrounder on the Three Mile Island Accident, June 21, 2018

HISTORY, Nuclear disaster at Three Mile Island, November 4, 2009

Christian Science Monitor, Sparks fly over Philippine nuclear plant, November 30, 1984

Philippine Journal of Public Administration, The Bataan Nuclear Power Plant: Three Episodes of Decision Making, July 1987

The Washington Post, Chernobyl Prompts Philippines to Reassess Reactor, May 16, 1986

Philippine Journal of Public Administration, The Bataan Nuclear Power Plant: Three Episodes of Decision Making, July 1987

The Los Angeles Times, $2.1 Billion Nuclear Plant, Never Used, Stands at Core of Philippines’ Debt Crisis, June 12, 1986

Philippine Daily Inquirer, Mothballed plant cost $2.3 billion, September 17, 2016

GMA News Online, Revisiting the Bataan Nuclear Power Plant, June 28, 2011

ABS-CBN News, Bataan Nuclear Power Plant: The dormant multi-billion peso asset, Sept. 26, 2016

Rappler.com, Govt urged to act on $1-B Bataan nuclear plant rehab, June 2, 2013

The New York Times, Filipinos say Marcos was given millions for ‘76 nuclear contract, March 7, 1986

Philippine Daily Inquirer, Sandiganbayan orders Marcos crony to return $50-M loot in nuclear plant deal, April 13, 2012

Rappler.com, Court orders Marcos crony to return $50-M, April 12, 2012

Philstar.com, Sandiganbayan orders return of Disini’s ill-gotten wealth, April 13, 2012

Rappler.com, MISLEADING: Bataan Nuclear Power Plant ‘wasted by Cory Aquino’, July 13, 2019

ABS-CBN News, Duterte wants Bataan folk consulted on nuclear plant revival, says Roque, October 1, 2020

CNN Philippines, Duterte orders consultations with Bataan residents amid calls to reopen nuclear plant, October 1, 2020

Inquirer.net, Duterte wants local consultation before Bataan nuclear plant revival, October 1, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.