Halos kalagitnaan na ng kanyang termino, si Pangulong Rodrigo Duterte ay muling binago ang kanyang bilang ng mga Pilipino na gumon sa droga.
Sa kanyang talumpati sa isang thanksgiving dinner para kay senator-elect Christopher “Bong” sa Davao City noong Mayo 24, muling binanggit ni Duterte ang dalawang datos:
- 3 milyon, ang bilang ni dating dating Dangerous Drugs Board (DDB) chief Dionisio Santiago; at
- 1.6 milyon, na sinasabing binanggit ni dating police chief at ngayon senator-elect Ronald “Bato” Dela Rosa. (VERA FILES FACT CHECK: ‘Bato’ Dela Rosa, Duterte make contradicting claims on drug war surrenderees)
Hindi pinatutunayan ng mga opisyal na tala ang kanyang pahayag.
Isang DDB survey na inilabas noong 2016, ang pinakabagong pag-aaral sa lawak ng paggamit ng droga sa Pilipinas, ay nagpapakita na mayroong 1.8 milyong “kasalukuyang” mga gumagamit ng bawal na gamot, na tumutukoy sa mga gumamit ng “naka-aadik na gamot” mula Enero 1, 2015 hanggang Pebrero. 5, 2016, sa buong bansa.
Tinukoy ng Philippine National Police noong Disyembre 2017 ang 1.26 milyong personalidad na sangkot sa droga bilang surrenderees sa giyera ng gobyerno sa droga. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: How many drug addicts are there in PH? Let Duterte do the counting)
Ngunit sa umpisa ng taong ito, idinagdag ni Duterte ang isa pang pagkakaiba-iba sa lagi niyang nagbabagong bilang. Sinabi niya na ang 3 milyon at 1.6 milyong bilang ay sumasakop lamang sa Metro Manila, at sinabi na ang kabuuang bilang sa buong bansa ay 7 hanggang 8 milyong mga adik sa droga.
Panoorin ang video na ito.
Mga pinagmulan
Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Duterte, Speech during the thanksgiving dinner in Davao City, May 24, 2019, watch from 32:37 to 35:59
Dangerous Drugs Board, 2015 Nationwide Survey On the Nature and Extent of Drug Abuse in the Philippines, 2016