Ang pinakabagong istatistika ng gobyerno kaugnay ng giyera laban sa droga ay salungat sa madalas na paulit-ulit na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
PAHAYAG
Isang mambabasa ang humiling sa VERA Files Fact Check na beripikahin/alamin kung totoo ang pahayag ni Duterte noong Agosto 14 na:
“Sa ngayon, masasabi ko na mga 1,000 pulis at sundalo ang namatay dahil sa mga droga.”
Pinagmulan: PCOO, Pangulo Rodrigo Duterte, talumpati sa paglulunsad ng programa ng Go Negosyo na Pilipinas Angat Lahat, Agosto 14, 2018, panoorin mula 29: 45-29:56
FACT
Sa isang press briefing noong Agosto 17, ang Presidential Communications Operations Office, Philippine National Police at National Bureau of Investigation ay nag-update ng “Real Numbers PH,” ang sinasabing “totoong” datos sa digmaan laban sa droga. Ang update ay sumasaklaw sa panahon Hulyo 1, 2016 hanggang Hulyo 31, 2018.
Sinabi ni PNP spokesperson Benigno Durana Jr. na ang bilang ng mga nagpapatupad ng batas na napatay sa mga operasyon laban sa droga ay 87:
“Sa ngayon, ang iba’t ibang ahensya na pagpapatupad ng batas laban sa droga ay nag alay ng kanilang buhay: 87 sila at may 200 na nasugatan sa mga operasyong ito.”
Pinagmulan: PCOO, Press briefing sa Real Numbers PH, Malacañang, Agosto 17, 2018, panoorin mula 35:44 hanggang 35:55
Ito ang parehong datos na inilabas ng gobyerno para sa panahon hanggang Pebrero 8 ngayong taon.
Dati nang nagbibigay si Duterte ng mga datos na sumasalungat sa Real Numbers PH, na madalas na binabago ang dapat na bilang ng mga napapatay na tagapagpatupad ng batas.
Mga pinagkunan ng impormasyon:
Presidential Communications Communications Office, President Rodrigo Duterte, Speech during the launch of Go Negosyo’s Pilipinas Angat Lahat program, Aug. 14, 2018
PCOO, Press briefing on Real Numbers PH, Malacañang, Aug. 17, 2018
Communications Secretary Martin Andanar, Facebook page, “Stop Fake Numbers, Rely on #RealNumbers only!”