Wala pang isang minuto ang kinailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipahayag na, una, hindi niya kailanman iniutusan ang mga pulis na patayin ang sinuman, at pagkatapos nito ay biglang mag u-turn.
ANG PAHAYAG
Sa isang speech sa Quezon City noong Agosto 2, sa ika-113 anibersaryo ng pagkakatatag ng Bureau of Internal Revenue (BIR), muling nagsalita si Duterte tungkol sa giyera laban sa droga ng kanyang administrasyon.
Dalawampu’t siyam na minuto at 24 segundo sa kanyang 40-minutong speech, sinabi ng Presidente:
“Sabi ko, ‘Huwag mong sirain.’ Hindi ko sinabi, ‘Papatayin kita.’ Hindi ko sinabi, Uutusan ko ang pulis na patayin ka.'”
Pinagmulan: Speech of President Rodrigo Duterte, BIR 113th Founding Anniversary, Quezon City, August 2, 2017, panuorin mula 29:34-29:41
FLIP-FLOP
Dalawampu’t siyam na minuto at 58 segundo sa kanyang speech o wala pang isang minuto, binago ni Duterte ang direksyon, at sinabi:
“Ang sinabi ko ay, ‘Huwag sirain ang aking lungsod dahil papatayin kita.’ Ako. ‘Huwag mong sirain ang mga ito ng droga dahil papatayin kita.’ “(panoorin mula 29: 58-30: 09)
Dagdag pa niya pagkaraan ng limang minuto:
“At tsaka, sa unang hudyat ng karahasan, pagka ganun patayin mo.” (panoorin mula 35:18-35:24)
BACKSTORY
Ang pagsasabi na hindi niya kailanman inutusan ang kapulisan na pumatay ay isang katakatakang pahayag, dahil ang pagpatay ng mga kriminal ay isang regular na bahagi ng mga pahayag ni Duterte.
Sa kanyang unang 100 araw sa panguluhan, ang presidente ay nakagawa na ng maraming mga kapansin-pansing pahayag, na dati nang tinipon ng VERA Files.
Sa isang partikular na nakahihiyang pahayag, inihalintulad ng pangulo ang kanyang sarili kay Hitler, at mga adik sa droga sa mga Hudyo na napatay sa Holocaust.
“Minasaker ni Hitler ang tatlong milyong Hudyo. Ngayon, mayroong tatlong milyon, tatlong milyong mga adik sa droga, mayroon. Magiging masaya ako na pagpapatayin sila,” sabi ni Duterte.
“Kahit na, kung ang Germany ay mayroong Hitler, ang Pilipinas ay magkakaroon, ano, alam mo, ang aking mga biktima, nais kong maging, lahat ng mga kriminal para tapusin ang problema ng aking bansa, at sagipin ang susunod na henerasyon mula sa kapahamakan,” dagdag pa niya.