Isang lumang litrato ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagtatrabaho habang nakakabit sa isang bag ng fluid ang muling naglabasan ngayong linggo sa maraming mga Facebook (FB) account, kasama ang FB page ng isang abogado na dating social media consultant ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Kailangan nito ng konteksto.
Kinunan ang litrato noong 2019, isang araw matapos sumailalim sa isang medical procedure si Moreno. Maraming mga nakakita ng mga post kamakailan ang nagkomento na pinapaganda lang ng mayor ang kanyang imahe para sa pambansang halalan sa 2022.
PAHAYAG
Noong Hunyo 7, ang FB page na Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan, na pinamamahalaan ng mga abugadong sina Trixie Cruz-Angeles at Ahmed Paglinawan, ay nag share ng litrato ni Moreno na pumipirma ng mga dokumento sa opisina habang hawak ng isang kawani ang isang intravenous (IV) drip na konektado sa kamay ng mayor.
Ang caption ng FB page ay nagtanong:
“Ano yan, Yorme? Nagpa gluta ka? #Nagtatanonglangkayonaman?”
Pinagmulan: Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan Facebook page, Ano yan, Yorme? Nagpa gluta ka? (Archived), Hunyo 7, 2021
Nagho-host si Cruz-Angeles ng programa sa radyo na Karambola sa DWIZ 882 AM. Sinuspinde siya ng tatlong taon bilang abogado ng Supreme Court noong 2016. Sa isang pagdinig sa Senado noong 2017 tungkol sa “fake news,” sinabi niya na siya ay isang “social media strategist” para sa noo’y PCOO assistant secretary Margaux “Mocha” Uson.
Noong Hunyo 6, isang social media user sa FB group na RUN SARA RUN for PRESIDENT at ang FB page na Alon Calinao Dy ay nag-post ng parehong litrato, na kinukutya si Moreno dahil sa pagiging “isang ganap na (sic) na huwad na modelo” at sa “pagpapanggap na nagtatrabaho kahit habang naka dextrose.” Sumunod ang FB page D Express kinabukasan, na sinasabing “maraming tao ang naloko ng gimik.”
Sa pag-aakalang ang litrato ay kamakailan lamang, isang FB user sa comments section ng Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan ang nag-post: “Malapit na ang halalan, kaya’t [ang mayor] ay maraming mga taktika sa pamumulitika.” Ang isang nangungunang komento sa post ng D Express ay nagtanong kung bakit “maraming mga sira ang ulo at overacting na mga pulitiko ang lumilitaw kapag malapit na ang eleksyon.”
Ang post ng Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan ay nakakuha ng higit sa 15,000 FB interactions, kabilang ang 438 shares, sa panahon ng paglathala, habang ang RUN SARA RUN for PRESIDENT FB post ay nakatanggap ng higit sa 3,900 interactions. Ang muling pag-upload ng mga FB page na D Express at Alon Calinao Dy ay nakakuha ng pinagsamang halos 6,400 FB interactions.
ANG KATOTOHANAN
Kailangan ng konteksto ng umiikot na litrato. Ang opisyal na FB account ng Manila Public Information Office ay nag post ng imahe ni Moreno na may IV dextrose noong Agosto 14, 2019.
Nakasaad sa caption na kinunan ito ng tauhan ng ospital noong gabi, habang patuloy na nagtatrabaho ang mayor matapos sumailalim sa dental surgery mas maaga nang araw na iyon.
Sa kanyang opisyal na FB account, nag-post si Moreno ng kanyang live na video noong Agosto 13, 2019 na sumasailalim sa isang dental operasyon sa isang local clinic.
Binatikos ng mga netizen sa Twitter at Facebook ang dating artista pagkatapos na mai-post noong 2019 ang litrato niyang nagtatrabaho habang naka dextrose, na sinasabing siya ay “over-acting” at sobra naman ang pagpapasikat na ginagawa ng kanyang mga public relations staff.
Ang litratong nangangailangan ng konteksto ay lumitaw matapos sabihin ni Moreno sa isang panayam noong Hunyo 4 na ANC na siya ay “siguradong tatakbo” sa halalan eleksyon sa 2022 pero hindi niya tinukoy kung anong posisyon.
Si Cruz-Angeles at ang kanyang FB page na Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan ay mayroong rekord ng paggawa ng mga nakaliligaw na pahayag. (Tingnan: VERA FILES FACT CHECK: Palace social media consultant makes misleading claims on Senate probe into ex-Comelec chair Bautista; VERA FILES FACT CHECK: FB page MISLEADS with 2019 news on ROTC House bill; VERA FILES FACT CHECK: PH hindi ‘namili’ ng buong panel sa South China Sea arbitration case)
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan Facebook page, Ano yan, Yorme? Nagpa gluta ka? (Archived), June 7, 2021
DWIZ 882 Facebook page, KARAMBOLA sa DWIZ, June 10, 2021
Office of the Court Administrator, OCA Circular No. 220-2018, Accessed June 9, 2021
Rappler, SC slaps 3-year suspension on lawyer Trixie Cruz-Angeles, Aug. 9, 2016
Manila Public Information Office Facebook Page, LAST NIGHT: Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso continues to work even after undergoing dental surgery…, Aug. 14, 2019
Isko Moreno Domagoso official Facebook page, With Dr. Albert Espiritu of EOIC Dental in Manila , wala ng choice kailangan ng gamutin!, Aug. 13, 2019
Twitter Advanced Search, (isko) AND (swero OR OA OR dextrose OR swero) -iskonek until:2019-08-20 since:2019-08-13, Accessed June 9, 2021
Radio Mindanao Network, Litrato ni Mayor Isko na naka-dextrose habang nagtratrabaho, pinuna ng netizens, Aug. 16, 2019
Isko Moreno Domagoso official Facebook page, LIVE: Conferment of ISO to Justice Jose Abad Santos General Hospital …, Aug. 20, 2019
ABS-CBN News Twitter account, Moreno tells doctors in jest…, Aug. 20, 2019
ANC 24/7 YouTube channel, Isko Moreno says ‘definitely running’ in 2022 | ANC, June 4, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)