Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Make It Makati movement umatras sa ‘sharrow’ project

WHAT WAS CLAIMED

Inanunsyo ng MakeItMakati movement na sumang-ayon ito na panatilihin ang mga protektadong bike lane sa Ayala Avenue pagkatapos ng konsultasyon sa mga tagapagtaguyod ng transportasyon.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Inanunsyo ng MakeItMakati noong Peb. 9 na ang mga bike lane sa Ayala Avenue ay gagawing shared lane o sharrows simula Peb. 15. Noong Peb. 14, sinabi ng kilusan na ang conversion ay ipinagpaliban hanggang Marso 6.

By VERA Files

Mar 1, 2023

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Dalawang linggo makaraan ang planong i-convert ang mga bike lane sa Ayala Avenue at gawing shared lane o sharrows, binawi ng Make It Makati – isang collaboration ng Makati City government, Ayala Land, Inc. at Makati Commercial Estate Association – ang proyesto pagkatapos tutulan ito ng mga transport group.

PAHAYAG

Sa isang pahayag noong Peb. 24, sinabi ng Make It Makati:

“Representatives of the #MakeItSaferMakati movement, Ayala Land, Inc. (ALI), and the Makati Business Club’s (MBC) Business for Biking Program […] agreed to maintain the protected bike lanes and to jointly study and implement various street design solutions.”

(“Ang mga kinatawan ng #MakeItSaferMakati movement, Ayala Land, Inc. (ALI), at ang Makati Business Club (MBC) Business for Biking Program […] ay nagkasundo na panatilihin ang mga protected bike lane at magkatuwang na pag-aralan at ipatupad ang iba’t ibang disenyo ng kalye na mga solusyon.”)

 

Source: Make It Makati Official Facebook Page, Ayala Land, Inc. and #MakeItSaferMakati movement agree … (archive), Peb. 24, 2023

Idinagdag nito:

“Ayala Avenue will continue to host a physically protected and enforced bike lane – with bollards to separate cyclists from other vehicles, road studs for better visibility, and with enforcement through the Makati Parking Authority.”

(“Ang Ayala Avenue ay patuloy na magho-host ng pisikal na protektado at ipinapatupad na bike lane — na may mga bollard upang ihiwalay ang mga siklista sa iba pang mga sasakyan, mga road stud para sa mas mahusay na visibility, at pagpapatupad sa pamamagitan ng Makati Parking Authority.”)

ANG KATOTOHANAN

Sinabi ng Make It Makati noong Pebrero 14 na ipagpapaliban hanggang Marso 6 ang pagpapatupad ng proyekto kasunod ng walang humpay na pagpalag ng mga transport at cyclist group mula nang ipahayag ang planong conversion noong Pebrero 9.

Isang araw bago ang proyekto ay nakatakda nang ipatupad noong Peb. 15, sinabi ng Make It Makati:

“We have noted all constructive comments regarding the conversion of Ayala Avenue bike lanes, particularly those that are related to safety. We agree that the safety of all road users should be given utmost importance. As such, we will enhance measures to further protect bikers. To give us ample time to implement these enhancements, the conversion of bike lanes will be deferred to March 6, 2023.

(“Pinakinggan namin ang lahat ng constructive na komento tungkol sa conversion ng Ayala Avenue bike lanes, partikular na ang mga may kaugnayan sa kaligtasan. Sumasang-ayon kami na ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada ay dapat bigyan ng lubos na kahalagahan. Dahil dito, papahusayin natin ang mga hakbang upang higit pang maprotektahan ang mga nagbibisikleta. Para mabigyan kami ng sapat na panahon para ipatupad ang mga pagpapahusay na ito, ang conversion ng mga bike lane ay ipagpapaliban sa Marso 6, 2023.”)

BACKSTORY

Sinabi ng Make It Makati na layunin ng sharrow policy nito ay para matugunan ang pangangailangan dumaraming bilang ng mga gumagamit ng pampublikong sasakyan at mapabuti ang daloy ng trapiko sa lungsod.

(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Paano nakakaapekto ang mga bike lane sa trapiko?)

Humigit-kumulang 400 indibidwal at mahigit 50 grupo ng transportasyon at siklista ang tutol sa hakbang, na binibigyang-diin ang epekto nito sa kaligtasan ng mga commuter.

“Hindi tayo mapapanatiling mas ligtas ng mga sharrow. Ang pintura ay hindi proteksyon. Ang pag-alis ng mga bollard ay isang sentensya ng kamatayan. May mga pagpipilian sa disenyo upang panatilihing ligtas tayong lahat at panatilihing gumagalaw ang pampublikong sasakyan nang hindi kumukuha ng espasyo mula sa ating mga pinakamahihirap na gumagamit ng kalsada: mga siklista, pedestrian, kababaihan, bata, senior citizen, at mga taong may kapansanan,” nakasaad sa pahayag na inilathala noong Peb. 11 ng Move as One Coalition, isang public transport advocacy group.

Nanawagan din ito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na gamitin nang husto ang Philippine Development Plan 2023 to 2028, na naglalayong magtatag ng mga livable communities. Nagbibigay ito sa mga pedestrian at siklista ng “pinakamataas na priyoridad sa hierarchy ng mga gumagamit ng kalsada.” Isinusulong din nito ang paglikha ng pampubliko at aktibong imprastraktura ng transportasyon sa lahat ng bayan at lungsod sa buong bansa.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Make It Makati Official Facebook Page, Ayala Land, Inc. and #MakeItSaferMakati movement agree … (archive), Feb. 24, 2023

Make It Makati Official Facebook Page, Advisory: Heads up, Makatizens! (archive), Feb. 9, 2023

Make It Makati Official Facebook Page, Ayala Land, Inc. and #MakeItSaferMakati movement agree … (archive), Feb. 14, 2023

Inquirer.net, Bike lanes in Ayala Ave to be converted to ‘sharrows’, Feb. 11, 2023

Philstar.com, Bikers, commuters: Removal of ‘gold standard’ Ayala bike lanes puts many at risk, Feb. 12, 2023

The Philippine STAR, Cyclists protest shared bike lanes in Makati, Feb. 13, 2023

CNN Philippines, Cyclists urge Makati govt. to preserve bike lanes on Ayala Ave., Feb. 13, 2023

Move As One Coalition, Protected Bike Lanes Protect Us All, Feb. 11, 2023

National Economic and Development Authority, Philippine Development Plan 2023 to 2028 (view full file), Accessed Feb. 28, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.