Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: MALI ang impormasyong makakukuha ng P100,000 ang mga 80 taon ang edad

Ayon sa ilang Facebook post, ang mga Pilipinong nag-80th birthday ay may makukuha na cash gift. Hindi ito totoo.

By VERA Files

Jun 30, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong June 19.)

Ayon sa ilang Facebook (FB) post, ang mga Pilipinong nag-80th birthday ay may makukuha na cash gift. Hindi ito totoo.

Pinost ng FB page na Pinas Update ang video na may caption na:

“Good news ito kay lola at lolo, senior citizens 80 year old pwede na tumangap nang 100k.”

Ayon sa Sec. 2 ng Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016, ang sinumang Filipino na 100 taon ang edad lamang ay makatatanggap ng P100,000. Pero may panukalang baguhin ang batas na ito.

Iminumungkahi ng Senate Bill 2029 na hatiin sa tatlo ang ₱100,000 at paisa-isang ibigay pagtanda ng sinumang Pilipino sa 80, 90, at 100 taon. Ibig sabihin: kapag nag-80 na ang isang Pilipino, makatatanggap siya ng P33,333; at kapag nag-90 na siya, makatatanggap ulit siya ng P33,333; hanggang sa mag-100 na siya at matatanggap niya ang hulíng ₱33,333.

Pero ang panukalang ito ay hindi pa umaabot sa pangalawang pagbasa ng Senado. Ang panukala ay dadaan sa marami pang hakbang bago maging batas.

Pinakita ng video na may maling impormasyon ang pagsasalita sa plenaryo ng ilan lang na senador na sumusuporta sa panukala. Ang mga ito ay sina Imee Marcos, Bong Revilla, at Win Gatchalian.

Ang video ay nagkaroon ng mahigit dalawang milyong interactions. Ginawa ang Pinas Update noong Oct. 29, 2022.

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.