Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Kandidato pagka-senador Francis Tolentino mali sa pahiwatig na hindi maaaring muling pumasok sa workforce ang mga senior citizen

Mayroon nang mga batas na nagpapahintulot at nagtataguyod sa muling pagpasok ng mga senior citizen sa hanay ng manggagawa.

By VERA FILES

Feb 26, 2019

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang dating presidential adviser for political affairs at ngayon kandidato pagka-senador na si Francis Tolentino ay nagbigay ng maling pananaw na ang mga senior citizen ay hindi na makababalik sa hanay ng manggagawa sa ilalim ng mga umiiral na batas.

 

PAHAYAG

Sa Peb. 17 ABS-CBN senatorial debate, tinanong si Tolentino at iba pang mga kandidato kung ano ang kanilang gagawin para tapusin ang labor contractualization/ kontraktwalisasyon sa paggawa sa bansa.

Bukod sa pag amyenda ng umiiral na mga patakaran upang matiyak na ang mga manggagawa ay may seguridad sa trabaho, sinabi ni Tolentino na nais niyang higit na isulong ang hakbang:

“Ang gusto ko ngayong mangyari yung mga senior citizens natin, yung retirees (mga retirado)–56 years old (taong gulang), 60–makapagtrabaho uli, tanggapin uli sa labor force (sa hanay ng manggagawa).”

Pinagmulan: ABS-CBN News, Harapan 2019: Ang ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate, Peb. 17, 2019, panoorin mula 30:09 hanggang 30:21

 

 

ANG KATOTOHANAN

Ang panukala ni Tolentino ay hindi bagong ideya; mayroon nang mga batas na nagpapahintulot at nagtataguyod sa muling pagpasok ng mga senior citizen sa hanay ng manggagawa.

Ang Republic Act 10911 o ang Anti-Age Discrimination in Employment Act, na lumagpas ang taning at naging batas noon 2016, ay ginawang patakaran ng estado ang:

 

 

“Itaguyod ang pagtatrabaho ng mga indibidwal batay sa kanilang mga kakayahan, kaalaman, kasanayan at kwalipikasyon kaysa sa kanilang edad.”

Pinagmulan: Official Gazette, Anti-Age Discrimination in Employment Act

Sa Seksyon 5 ng RA 10911, labag sa batas ang diskriminasyon sa anumang application sa trabaho, sapilitang pagtatanggal ng empleyado, pagtanggi na mag-promote, o magpataw ng maagang pagreretiro ng isang empleyado, bukod sa iba pa, dahil sa edad ng isang tao, batay sa ilang mga eksepsiyon.

Ang pagtatakda ng mga limitasyon sa edad sa pagtatrabaho ay itinuturing lamang na legal kung:

  • edad ay itinuturing na kinakailangan sa trabaho para sa normal na operasyon ng isang negosyo;
  • ang employer ay sumusunod sa isang seniority system na hindi naman intensyon na pahinain ang batas;
  • isang tunay na plano ng pagreretiro o boluntaryong maagang pagreretiro, nakahanay sa batas at sa Labor Code, ay hinahangad; o
  • sertipikado ng labor and employment secretary.

Ino-obliga rin ng batas ang Department of Labor and Employment na magsagawa ng mga pag-aaral sa “pagpapaliit ng mga hadlang sa pagtatrabaho ng mga nakatatandang tao” at upang ipamahagi ang naturang impormasyon sa mga employer, mga grupo ng paggawa at ng pangkalahatang publiko.

Dagdag pa, ang Expanded Senior Citizens Act of 2003, isang susog sa isang batas noong 1992, na naglalayong “pagibayuhin ang mga kontribusyon ng mga nakatatanda sa nation building,” ay nagsasaad na ang isang senior citizen ay “maaaring magbigay ng kanyang mga serbisyo sa komunidad” sa pamamagitan ng pero hindi limitado sa:

  • tutorial at / o mga serbisyo sa pagkonsulta;
  • aktwal na pagtuturo at pagpapakita ng mga libangan at kasanayan sa pagkakaroon ng pagkakakitaan;
  • mga lektyur sa mga dalubhasang larangan tulad ng agrikultura, kalusugan, proteksyon ng kapaligiran at iba pa;
  • ang paglipat ng mga bagong kasanayan na nakuha sa pamamagitan ng kanilang pagsasanay; at
  • na tutukuyin ng Office of the Senior Citizens Affairs ng mga lokal na yunit ng gobyerno, tulad ng school traffic guide, tourist aide, pre-school assistant, atbp.

Ang 2003 Senior Citizen law ay muling sinususugan noong 2010.

Ang senior citizen ay isang Pilipino na may edad na 60 taong gulang pataas. Ang edad ng kinakailangang pagreretiro para sa mga sibilyan na empleyado, sa pamahalaan man o sa pribadong sektor, ay 65 taong gulang. Para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Fire and Bureau of Jail and Penology, ito ay 56 taong gulang.

Si Tolentino ay tumatakbo pagka-senador sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban). Siya ay unang tumakbo noong 2016 bilang independiyenteng kandidato ngunit natalo.

 

Mga pinagmulan

ABS-CBN News, Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate, Feb. 17, 2019

Department of Interior and Local Government, Republic Act 7432

Official Gazette, Expanded Senior Citizens Act of 2003

Official Gazette, Anti-Age Discrimination in Employment Act

Department of Labor and Employment, Implementing Rules and Regulations of the Anti-Age Discrimination in Employment Act

Presidential Communications and Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte during the birthday celebration of former Presidential Adviser on Political Affairs Atty. Francis Tolentino at the Tagaytay International Convention Center in Tagaytay City, Cavite, Jan. 3, 2019

Department of Labor and Employment, Labor Code of the Philippines

Official Gazette, Presidential Decree 1650, s. 1979

Senate of the Philippines, Republic Act 9993

Official Gazette, Republic Act 6975

 

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)

(Ang VERA Files ay bahagi ng Tsek.ph, isang pagtutulungan sa fact-checking na inisyatibo ng akademya at ng media para sa 2019 midterm na halalan sa Pilipinas.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.