Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Doc Willie Ong mali ang pahayag tungkol sa mga survey sa halalan

Hindi hinuhulaan ng mga propesyonal na survey ang aktwal na mga resulta ng halalan.

By VERA FILES

Feb 26, 2019

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang ipinahiwatig sa pahayag ng kandidato pagka-senador na si Willie Ong na ang kagustuhan ng mga botante sa mga survey bago mag eleksyon ay magreresulta sa aktwal na bilang ng boto sa araw ng halalan.

 

PAHAYAG

Isang beripikadong account sa Facebook ni Ong, isang cardiologist, health columnist at dating consultant ng Department of Health sa ilalim ni Health Secretary Enrique Ona, ay nag post noong Peb. 16:

“Ayon sa mga Private (pribadong) Survey, mga 3 million votes (milyong boto) lang daw ang makukuha ko. Pero ayon sa Independent (independiyenteng) Surveys, aabot sa 7-8 million votes (milyong boto) na tayo. Maganda malaman sa Mayo 13, kung tunay ba ang Private (pribadong) Survey sa sinabi nila. Kung LALAMPAS tayo sa 3 million votes (milyong boto), ibig sabihin ay MALI ang private (mga pribadong) surveys na ginawa.”

Pinagmulan: Facebook.com, Doc Willie Ong, Peb. 16, 2019

 

ANG KATOTOHANAN

Habang hindi tinukoy ni Ong kung ano ang mga “pribado” at “independiyenteng” mga survey, ang mga propesyonal na mga survey sa halalan ay hindi hinuhulaan ang aktwal na mga resulta ng halalan – ang mga ito ay isang paglalarawan ng mga kagustuhan ng mga botante sa isang partikular na panahon.

Sabi ng World Association for Public Opinion Research at ang World Association for Social, Opinion and Market Research, mga internasyonal na grupo ng propesyunal na tagasaliksik ng mga pampublikong opinyon at survey:

 

“Pre-election polls are expected to be accurate in their estimates of a voting tally or the share of the vote for parties and candidates in an election, especially if they are conducted close to the election itself. However, they should not be seen as predictions per se. They are instead a reflection of opinion at the time the poll was conducted.”

(Ang mga survey bago mag halalan ay inaasahang maging tumpak sa kanilang mga pagtatantya ng bilang ng pagboto o bahagi ng boto para sa mga partido at kandidato sa isang halalan, lalo na kung sila ay isinasagawa malapit sa mismong halalan. Gayunpaman, hindi sila dapat makita bilang mga prediksyon talaga. Sa halip ang mga ito ay salamin ng opinyon sa oras na isinasagawa ang survey.)

Pinagmulan: WAPOR, ESOMAR/WAPOR Guide to Opinion Polls

Idinagdag nito:

 

“People do change their mind, some even in the second before marking their vote on the ballot slip and ‘undecided’ voters can have a decisive impact on the result.”

(Ang mga tao ay nagbabago ng isip, ang ilan kahit na isang segundo bago markahan ang kanilang balota at ang mga ‘hindi maka-desisyon’ na mga botante ay maaaring magkaroon ng isang napakahalagang epekto sa resulta.)

Ang mga propesyonal na survey sa halalan ay kasama ang mga pangunahing impormasyon na itinuturing ng mga mananaliksik sa buong mundo na kailangan upang magkaroon ng transparency sa pag lathala ng mga resulta ng survey.

Kabilang sa mga ito ang pagsisiwalat ng organisasyon na nagsagawa ng survey, nagpondo ng survey, ang mga sumagot sa survey at ang kanilang mga demograpiko, sukat ng sampol, mga petsa ng fieldwork, ang pamamaraan na ginagamit upang matukoy ang sampol, ang paraan kung paano isinagawa ang survey, ang mga tanong sa survey, bukod sa iba pa. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: What to look for in election surveys)

Si Ong, na tumatakbo sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ay nasa ika-24 hanggang ika-29 ranggo sa Enero 2019 Pulse Asia survey ng mga tumatakbo para senador, na may pangkalahatang 5.9 porsyentong voter preference. Siya ay ika-29 hanggang ika-35 sa survey noong Hunyo 2018.

Ang pangalan ni Ong ay hindi kasama sa talaan ng mga kandidato sa isang kinomisyon na senatorial survey ng Social Weather Stations noong Setyembre 2018.

 

Mga pinagmulan

Pulse Asia Research, June 2018 Nationwide Survey on the May 2019 Senatorial Elections

Pulse Asia Research, January 2019 Nationwide Survey on the May 2019 Senatorial Elections

Social Weather Stations, SWS survey on senatorial preferences reported in Inquirer.net (10/12/2018) was sponsored by Mr. Alde Joselito Pagulayan, Oct. 12, 2018

Twitter.com, @jabjimenez, Jan. 10, 2019

World Association for Public Opinion Research, ESOMAR/WAPOR Guide to Opinion Polls

 

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)

(Ang VERA Files ay bahagi ng Tsek.ph, isang pagtutulungan sa fact-checking na inisyatibo ng akademya at ng media para sa 2019 midterm na halalan sa Pilipinas.)

 

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.