Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mali si Duterte; China may pananagutan sa South China Sea arbitral award

Sa kanyang pang-anim at panghuling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 26, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang 2016 arbitral award, na nagpawalang bisa sa malawak na nine-dash-line claim ng China sa South China Sea, ay hindi nagbubuklod sa Beijing. Hindi ito totoo.

By VERA Files

Jul 31, 2021

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa kanyang pang-anim at panghuling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 26, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang 2016 arbitral award, na nagpawalang bisa sa malawak na nine-dash-line claim ng China sa South China Sea, ay hindi nagbubuklod sa Beijing. Hindi ito totoo.

PAHAYAG

Inulit ng pangulo ang kanyang mga sinabi sa Setyembre 2020 United Nations General Assembly kung saan idineklara niya na ang desisyon ay “beyond compromise,” na minaliit lamang ang kahalagahan kalaunan nang lumihis siya sa kanyang nakahandang talumpati.

Sa pagtugon sa mga bumabatikos sa kanyang posisyon sa alitan sa West Philippine Sea, sinabi ni Duterte:

“Ano pa ang gusto ninyo? What will I do with a document that [does] not bind China because they were never a part of that arbitration? There was really no arbitration at all because it was (sic) only the Philippine side was heard.”

(Ano pa ang gusto ninyo? Ano ang gagawin ko sa isang dokumento na hindi nagbubuklod sa China dahil hindi sila kailanman naging bahagi ng arbitrasyon na iyon? Wala talagang arbitrasyon sapagkat ang panig lamang ng Pilipinas ang narinig.)

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, State of the Nation Address of Rodrigo Roa Duterte, President of the Philippines to the Congress of the Philippines (Archived Transcript), Hulyo 26, 2021, panoorin mula 2:07:30 hanggang 2:08:02

ANG KATOTOHANAN

Taliwas sa pahayag ni Duterte, ang South China Sea arbitral award ay kailangang sundin pa rin ng China kahit na ito ay nagpasyang hindi lumahok sa mga paglilitis, na pinagtibay ng arbitral tribunal sa Award on Jurisdiction and Admissibility nito.

Malinaw na nakasaad sa Article 9, Annex VII ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na “ang hindi pagsipot o kabiguan ng isang partido na ipagtanggol ang kaso nito ay hindi dapat maging isang hadlang sa mga paglilitis.”

Ang China, na nag ratipika ng UNCLOS noong Hunyo 1996, ay “partido pa rin sa arbitrasyon” at “nakatali ng anumang award” na ilalabas ng awtorisadong tribunal:

[T]he non-participation of China does not bar this Tribunal from proceeding with the arbitration. China is still a party to the arbitration, and pursuant to the terms of Article 296(1) of the Convention and Article 11 of Annex VII, it shall be bound by any award the Tribunal issues.

([A]ng hindi pakikilahok ng China ay hindi nagbabawal sa Tribunal na ito na ipagpatuloy ang arbitrasyon. Ang China ay partido pa rin sa arbitrasyon, at alinsunod sa mga tuntunin ng Artikulo 296 (1) ng Convention at Article 11 ng Annex VII, ito ay dapat na nakatali sa anumang award na iiisyu ng Tribunal.)

Pinagmulan: Permanent Court of Arbitration, Award on Jurisdiction and Admissibility (p. 11), Okt. 29, 2015

Nakasaad sa Convention na ang anumang desisyon na ibababa ng kaukulang korte o tribunal ay “pangwakas at dapat sundin ng lahat ng partido sa pagtatalo.”

Sa desisyon nito tungkol sa merito ng kaso, sinabi ng tribunal na ang hindi paglahok ng China ay “nagbigay [ng] isang espesyal na responsibilidad” sa kanyang sarili na hindi “basta tanggapin ang mga inaangkin ng Pilipinas o magpasok ng isang di-matutupad na paghuhukom.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: PH hindi ‘namili’ ng buong panel sa South China Sea arbitration case)

Sa buong paglilitis, sinabi ng tribunal na “gumawa ito ng mga hakbang upang alamin ang kawastuhan ng mga inaangkin ng Pilipinas… sa pamamagitan ng paghirang ng independent experts” upang tignan ang mga teknikal na usapin, at “sa pagkuha ng katibayan sa kasaysayan tungkol sa mga features sa South China Sea at ibinigay ito sa ang mga partido para magkomento,” bukod sa iba pa.

Binanggit din ng arbitral award ang mga hakbang na ginawa ng tribunal upang “bantayan ang procedural rights ng China.” Kasama rito ang pagtiyak na lahat ng mga komunikasyon at materyales ay “kaagad na naihatid” sa Chinese ambassador sa Netherlands — kung saan naka-base ang Permanent Court of Arbitration na nagsilbing registry ng kaso — at binigyan ang China ng “sapat at kaparehong na oras” sa tumugon sa mga pleading ng Pilipinas.

Nauna nang na flag ng VERA Files Fact Check ang maling pahayag ni Duterte sa live fact check coverage nito sa SONA ng pangulo noong Hulyo 26. (Tingnan ang #SONA2021 VERA Files’ live fact check)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, State of the Nation Address of Rodrigo Roa Duterte, President of the Philippines to the Congress of the Philippines (Archived Transcript, Video), July 26, 2021

Permanent Court of Arbitration, Award on Jurisdiction and Admissibility, Oct. 29, 2015

United Nations, United Nations Convention on the Law of the Sea, Accessed July 29, 2021

United Nations, Status of the UNCLOS, Accessed on July 29, 2021

Permanent Court of Arbitration, Award on the South China Sea Arbitration, July 12, 2016

Permanent Court of Arbitration, PRESS RELEASE: The South China Sea Arbitration, July 12, 2016

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.