Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Matapos igiit ang arbitral win sa UN, Duterte tinawag ngayon itong ‘isang piraso lamang ng papel’

Sa pag uulit-ulit ng kanyang paninindigan na iwasan ang "gulo" sa China, tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makasaysayang panalo sa arbitration ng Pilipinas noong 2016 laban sa higante ng Asia sa pagtatalo ng South China Sea bilang "isang piraso lamang ng papel" na kanyang "itatapon sa basurahan,” sa isang televised address noong Mayo 5.

By VERA Files

May 10, 2021

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pag uulit-ulit ng kanyang paninindigan na iwasan ang “gulo” sa China, tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makasaysayang panalo sa arbitration ng Pilipinas noong 2016 laban sa higante ng Asia sa pagtatalo ng South China Sea bilang “isang piraso lamang ng papel” na kanyang “itatapon sa basurahan,” sa isang televised address noong Mayo 5.

Ito ay isang pagbaligtad sa kanyang talumpati sa ika-75 sesyon ng United Nations (UN) General Assembly noong Setyembre 2020, kung saan “mahigpit na tinanggihan” niya ang mga pagtatangka na “pahinain” ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA). (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte hindi pinakinggan si Locsin, sumalungat sa mga nakaraang pahayag sa pagdala ng arbitral win sa UN)

Noong Hulyo 2016, ilang araw pa lamang nakaupo bilang pangulo si Duterte, sinabi ng arbitral tribunal na walang “ligal na batayan” ang nine-dash line claim ng China na sumasaklaw sa halos buong South China Sea, kung saan bahagi ang West Philippine Sea.

Panoorin ang video na ito:

Hindi ito ang unang pagkakataon na kumambiyo si Duterte tungkol sa 2016 PCA ruling. Noong Setyembre 2019, nagbago ng posisyon ang pangulo mula sa “gagamitin” hanggang sa “hindi papansinin” ang arbitral win upang maipagpatuloy ang “pang-ekonomiyang” mga kasunduan sa China. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte nagbago ng isip – mula ‘gagamitin’ hanggang sa ‘huwag pansinin’ ang PCA ruling)

Noong Mayo 3, sinabi ni Duterte na “hindi niya binanggit kahit kailan” ang maritime dispute sa pagitan ng dalawang bansa noong kanyang kampanya para sa 2016 national elections. Wala itong katotohanan. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabi na hindi niya ‘binanggit kailanman’ ang PH-China maritime row noong 2016 campaign. Sinabi nga kaya.)

Ang mga pahayag noong Mayo 5 tungkol sa arbitral ruling ay kapareho ng kanyang paninindigan sa State of the Nation Address noong Hulyo 2020, kung saan sinabi niya:

China is claiming it (West Philippine Sea). We are claiming it. China has the arms, we do not have it. So, it is [as] simple as that. They are in possession of the property … So what can we do? We have to go to war and I cannot afford it. Maybe some other president can, but I cannot. Inutil ako diyan.

(Inaangkin ng China ito. Inaangkin natin ito. Ang China ay may mga armas, wala tayo. Kaya, ganyan ito kasimple. Nasasakupan nila ang property … Kaya ano ang maaari nating gawin? Kailangan nating makipag-giyera at hindi ko ito kaya. Siguro may ibang pangulo na kaya, ngunit ako hindi. Inutil ako diyan.)

Pinagmulan: Presidential Communication Operations Office, The 2020 State of the Nation Address, Hulyo 27, 2020, panoorin mula 1:34:12 hanggang 1:35:18

Ang pahayag na “nasa poder” ng China ang buong West Philippine Sea ay hindi rin totoo. (Tingnan ang #SONA2020 VERA Files ’live fact check; VERA FILES FACT CHECK: Tatlong bagay na mali si Duterte sa PH-China maritime standoff)

Noong Mayo 7, naglabas ng isang pahayag ang Department of Foreign Affairs na nagsasaad na ang mga sinabi ni Duterte sa 75th UN General Assembly tungkol sa arbitral award ang “kataas-taasang pagpapahayag ng foreign policy sa isyu ng West Philippine Sea.

Sinabi nito na ang kagawaran ay:

“…continue to implement the president’s foreign policy statement in accordance with Philippine national interest.

(…patuloy na ipatutupad ang ipinahayag na foreign policy ng pangulo alinsunod sa pambansang interes ng Pilipinas.)

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), May 5, 2021

Presidential Communications Operations Office, Statement of President Rodrigo Roa Duterte during the General Debate of the 75th Session of the United Nations General Assembly, Sept. 22, 2020

Permanent Court of Arbitration, South China Sea Arbitral Award, July 12, 2016

Department of Foreign Affairs, !!READ!! #DFAStatement: On the President’s Recent Remarks on the Arbitral Award (Archived), May 7, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.