“Hindi [niya] binanggit kahit na kailan” ang tungkol sa pinagtatalunan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea noong 2016 na kampanya para sa pampanguluhan, sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi ito totoo. Panoorin ang video na ito:
Ngunit bago pa man ang pahayag tungkol sa “jet ski”, hindi bababa sa dalawang ulat sa media ang sumipi sa tagapagsalita ng kampanya ni Duterte na si Peter Lavina na nagsasabing ang kanyang kandidato sa pagkapresidente “ganap na sumusuporta” sa nakabinbing noon na arbitration case sa harap ng PCA.
Noong Hulyo 2016, ilang araw matapos maupo si Duterte sa Malacanang, nagpasya ang arbitral tribunal na walang “ligal na batayan” ang nine-dash line claim ng China, na sumasaklaw sa halos buong South China Sea, kung saan bahagi ang West Philippine Sea.
Idineklara rin nito ang ilang mga maritime features sa lugar — kasama ang Panganiban (Mischief) Reef at Ayungin (Second Thomas) Shoal, na kapwa nasa Spratly Island Group — na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pro-Duterte blogger makes multiple inaccurate claims on West Philippine Sea, arbitral ruling)
Sina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, na tinukoy ni Duterte sa kanyang pampublikong address nung May 3, ay kabilang sa mga bokal na kritiko ng polisiya ni pangulo hinggil sa pinagtatalunan ng bansa at China tungkol sa West Philippine Sea. (Tingnan ang Carpio: PH must work with other countries vs China over disputed territory)
Si Carpio, na bahagi ng legal team na nagtanggol sa posisyon ng Pilipinas sa PCA, ay kasalukuyang namumuno sa 1Sambayan, isang “malawak na koalisyon” ng mga grupo na naghahangad na pumili at sumuporta ng mga kandidato na lalaban sa mga kandidato ni Duterte sa 2022 elections. Si Del Rosario, bukod sa iba pang mga kilalang personalidad, ay kabilang sa mga convenor nito. (Tingnan ang Reject ‘Duterte-like’ candidates in 2022 polls – Carpio)
Sa isang press briefing noong Mayo 4, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na patuloy na “igigiit” ng administrasyong Duterte ang sovereignty at sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng “bilateral diplomacy” sa China, at “multilateral engagements” sa mga kalapit na bansa at strategic partners.
Sinabi ni Roque na ang pahayag ng pangulo noong Mayo 3 ay “dapat na bigyan ng literal kahulugan” dahil ang huli “ay hindi nangako” na “maibabalik niya ang mga teritoryo na naiwala” ng “ibang mga tao at iba pang mga administrasyon.”
Sinabi ito ng tagapagsalita habang nilinaw niya na ang “maiinit” na pananalita ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. laban sa China tungkol sa patuloy na “iligal” na presensiya ng mga sasakyang-pandagat nito sa katubigan na inaangkin ng Pilipinas ay “hindi patakaran ng Pilipinas.”
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), May 3, 2021
ABS-CBN News, PiliPinas Debates 2016, April 24, 2016
Al Jazeera, Rodrigo Duterte on drugs, death and diplomacy | Talk to Al Jazeera, Oct. 15, 2016
Merriam-Webster dictionary, Hyperbole, Accessed May 4, 2021
RTVM, Integrated Bar of the Philippines’ (IBP) 16th National Convention of Lawyers (Speech) 3/23/2017 (transcript), March 23, 2017
RTVM, Opening Ceremony of National Special Weapon and Tactics (SWAT) Challenge (Speech) 3/1/2018, March 2, 2018
Philstar.com, Duterte says he supports arbitration case vs China, April 13, 2016
Manila Standard, Duterte clarifies China tack, April 17, 2016
Permanent Court of Arbitration, PRESS RELEASE: South China Sea Arbitration, July 12, 2016
Official Gazette, Administrative Order No. 29, Sept. 5, 2012
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, May 4, 2021
Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “China, my friend, how politely can I put it? Let me see… O…GET THE FUCK OUT…,” May 3, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)