Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte hindi pinakinggan si Locsin, sumalungat sa mga nakaraang pahayag sa pagdala ng arbitral win sa UN

Kinontra ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang top diplomat nang pinanindigan niya ang makasaysayang tagumpay ng Pilipinas sa arbitration laban sa China sa pinagtatalunan sa South China Sea sa kanyang kauna-unahang pagsasalita sa United Nations (UN) General Assembly (GA) noong Set. 22.

By VERA Files

Sep 29, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Kinontra ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang top diplomat nang pinanindigan niya ang makasaysayang tagumpay ng Pilipinas sa arbitration laban sa China sa pinagtatalunan sa South China Sea sa kanyang kauna-unahang pagsasalita sa United Nations (UN) General Assembly (GA) noong Set. 22.

Panoorin ang video na ito:

VERA FILES FACT CHECK: Duterte contradicts Locsin, past pronouncements in raising arbitral win in UN video

Nanawagan ang pangulo sa assembly na “manatiling nasaisip ang ating mga obligasyon at pangako” na ayusin ang mga pandaigdigang alitan sa sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, tulad ng nakasaad sa UN Charter at “pinalakas” ng 1982 Manila Declaration on the Peaceful Settlement of International Disputes.

Noong Hulyo 2016 pumabor sa Pilipinas ang Permanent Court of Arbitration, na nakabase sa The Hague, Netherlands, na idineklara ang ilang features ng South China Sea na nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa, na tinukoy ng UN Convention on the Laws of the Sea, at pinawalang bisa ang nine-dash line claim ng China, bukod sa iba pa.

Ngunit pinahina ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang labis na pinuring talumpati ni Duterte makalipas ang dalawang araw. Sinabi niya na ang pahayag ng pangulo tungkol sa isyu ng South China Sea ay “hindi malakas” dahil ito ay pag-uulit lamang ng umiiral na patakaran ng gobyerno.

Sinabi ni Roque na “walang paraan” para maipatupad ang ruling bukod sa pagkilala mula sa mga kasangkot na partido (patuloy na hindi kinikilala ng China ang ruling); sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-ekonomiya o militar na hakbang, tulad ng napagkasunduan ng mga kasapi ng UN Security Council; o sa pamamagitan ng “Uniting for Peace” resolution mula sa UN GA.

“Ang sinasabi natin, huwag nating buksan ang talakayang ito sapagkat bahagi na ito ng international law; at pangalawa, kung dadaanin natin [ang ruling] sa pamamagitan ng botohan ng [UN GA] … maaari tayong matalo sapagkat ang mga bansa ay boboto para sa mga pampulitika at pang-ekonomiyang mga kadahilanan,” sinabi niya sa magkahalong English at Filipino sa kanyang Set. 24 press briefing.

Sa isang pinagsamang pahayag na inilabas noong huling bahagi ng Agosto, kinontra ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, at ng retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang paninindigan ni Locsin:

Bringing the Arbitral Ruling to the UNGA is not re-litigating the case. It is enforcing what we already won. As international law does not have a world policeman, it is up to us to enforce the Arbitral Ruling by rallying other countries to our lawful position. If we do not help ourselves, how can we expect other countries to help us?

(Ang pagdadala ng Arbitral Ruling sa UNGA ay hindi muling paglilitis ng kaso. Ipinatutupad nito kung ano ang napanalunan na natin. Dahil ang international law ay walang pandaigdigang pulis, nasa sa atin ang pagpapatupad ng Arbitral Ruling sa pamamagitan ng paghimok sa ibang mga bansa na umayon sa ating makatarungang posisyon. Kung hindi natin tutulungan ang ating sarili, paano natin aasahan ang ibang mga bansa na tumulong sa atin?)”

Mga Pinagmulan: Philstar.com, Please bring the Arbitral Ruling to the UN General Assembly, Agosto 31, 2020; Manila Standard, Please bring the arbitral ruling to the UN General Assembly, Agosto 31, 2020; Manila Bulletin, Del Rosario, Carpio, Morales: Raise Arbitral ruling at UNGA 2020, Agosto 30, 2020

Sa magkakahiwalay na pahayag, malugod na tinanggap nina Del Rosario at Carpio ang sinabi ni Duterte sa UN; si Carpio ay “personal na pinupuri [ang]” “matatag na paninindigan” ng pangulo, habang sinabi ni del Rosario na ang gobyerno ng Pilipinas ay dapat na “masigasig na magtrabaho upang makuha ang suporta ng mas maraming mga bansa upang ang arbitral na award ay maitaas nang higit pang mariin” sa UNGA sa 2021.

Lumalabas na nagkaroon ng pagbabago ng isip si Duterte sa tagumpay ng Pilipinas laban sa China sa West Philippine Sea maritime dispute sa kanyang unang talumpati sa UN.

Sa kanyang ikalawa sa huling State of the Nation Address noong Hulyo 27, sinabi niya na “wala siyang magagawa” tungkol sa isyu ng South China Sea dahil ang China ay “nakaposisyon na lugar.” (Tingnan ang #SONA2020 VERA Files’ live fact check; VERA FILES FACT CHECK: Three things Duterte got wrong in the PH-China maritime standoff)

Noong Setyembre 2019, sinabi ni Duterte na siya at si Chinese President Xi Jinping ay nagkasundo na “huwag pansinin” ang Arbitral Award para ituloy ang oil at gas development sa mga pinag-aagawang lugar sa West Philippine Sea. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte shifts from ‘invoking’ to ‘ignoring’ the PCA ruling; SONA 2019 Promise Tracker: Foreign Relations)

 

Mga Pinagmulan

Permanent Court of Arbitration, PRESS RELEASE: THE SOUTH CHINA SEA ARBITRATION, July 12, 2016

Presidential Communications Operations Office, Statement of President Rodrigo Roa Duterte during the General Debate of the 75th Session of the United Nations General Assembly, Sept. 22, 2020

CNN Philippines, The Source: Teddy Boy Locsin (08.28.29), Aug. 28, 2020

Department of Foreign Affairs, Transcript of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.’s Aug. 28 interview at CNN Philippines’ The Source

Presidential Communications Operations Office, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. represents President Duterte at the 12th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit and EU-ASEAN Leaders’ Meeting in Brussels, Belgium on October 18, 2018, Oct. 19, 2018

United Nations, Pacific Settlement of Disputes (Chapter VI of UN Charter), Accessed Sept. 25, 2020

United Nations Audiovisual Library of International Law, Manila Declaration on the Peaceful Settlement of International Disputes, Nov. 15, 1982

United Nations, UNCLOS, Dec. 10, 1982

Permanent Court of Arbitration, South China Sea Arbitration Award, July 12, 2016

Philstar.com, Please bring the Arbitral Ruling to the UN General Assembly, Aug. 31, 2020

Manila Standard, Please bring the arbitral ruling to the UN General Assembly, Aug. 31, 2020

Manila Bulletin, Del Rosario, Carpio, Morales: Raise Arbitral ruling at UNGA 2020, Aug. 30, 2020

Institute for Maritime and Ocean Affairs, Statement of Justice Antonio T Carpio (Ret.) on the Speech of President Rodrigo Duterte before the United Nations General Assembly, Sept. 23, 2020

OneNews, Inutile No More? Duterte Finally Raises Arbitral Ruling On South China Sea Before UN, Pleasantly Surprises Critics, Sept. 24, 2020

GMA News Online, ‘Put in reality’ invocation of arbitral win vs. China, Del Rosario urges Duterte, Sept. 23, 2020

Inquirer.net, Gov’t must turn into reality Duterte’s assertion of arbitral award, Sept. 24, 2020

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Sept. 24, 2020

ABS-CBN News, China rejects Hague ruling anew, cites ‘agreement’ with Duterte to ‘close the old chapter’, Sept. 25, 2020

Daily Tribune, China rejects anew PH claim over South China Sea, Sept. 25, 2020

Manila Standard, China denies SCS ruling anew, Sept. 27, 2020

United Nations, Charter: CHAPTER VII: ACTION WITH RESPECT TO THREATS TO THE PEACE, BREACHES OF THE PEACE, AND ACTS OF AGGRESSION, n.d.

United Nations, Uniting for Peace

Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte’s 5th State of the Nation Address, July 27, 2020, watch from 1:35:04

RTVMalacanang, Oath-Taking Ceremony of the Malacañang Press Corps (MPC), Presidential Photojournalists Association (PPA), and Malacañang Cameramen Association (MCA), Sept. 10, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.