Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mali si Sotto; HINDI martial law sa Singapore

Sa pagkukumpara ng pagsunod ng mga mamamayan sa Pilipinas sa mga kalapit na bansa kaugnay ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) health protocol, mali ang naging pahayag ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na ang Singapore ay nasa ilalim ng martial law.

By VERA Files

Mar 24, 2021

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagkukumpara ng pagsunod ng mga mamamayan sa Pilipinas sa mga kalapit na bansa kaugnay ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) health protocol, mali ang naging pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang Singapore ay nasa ilalim ng martial law.

PAHAYAG

Sa isang panayam sa radio ng DWIZ noong Marso 13, sinabi ni Sotto na sang-ayon siya sa hakbang ng gobyerno na maging mas mahigpit, tulad ng pagpapalawak ng oras ng curfew at pagbabawal sa pagpapakita ng pagmamahalan ng publiko, upang matugunan ang tuluy-tuloy na pagkalat ng virus sa bansa.

Binanggit ng pangulo ng Senado bilang halimbawa ang Singapore, na sinasabing, habang “mayroon nang mahusay na [COVID-19] statistics, pinaiiral pa rin nito ang mahigpit na [mga hakbang].” Sinabi niya:

“[M]aganda na ang statistics nila, pero mahigpit pa rin. Bakit? Kasi may martial law do’n eh, dictatorial doon eh, alam naman natin … Dito sa atin, hindi eh. Kaunting maghigpit ang gobyerno, palag ang tao, reklamo kaagad eh, ‘di ba?”

Pinagmulan: Senate of the Philippines, Press Release: Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Cely Bueno and Raoul Esperas of DWIZ (Archived), Marso 13, 2021, panoorin mula 11:00 hanggang 11:41

Idinagdag ni Sotto:

“Lamang ‘yung paranoid kaysa sa pabaya. ‘Yung mga paranoid na bansa, Taiwan, Singapore … Vietnam … ang higpit do’n eh, walang freedom of speech (kalayaan sa pananalita) do’n, walang freedom of expression (kalayaan sa pagpapahayag) do’n eh. Anong nangyayari sa kanila? Eh ‘di ang ganda ng sitwasyon nila.”

Pinagmulan: panoorin mula 12:37 hanggang 12:55

Pilipinas ang bansang pinakamatinding tinamaan (ng COVID-19) sa Western Pacific Region ng World Health Organization — na kinabibilangan din ng Taiwan, Vietnam, at Singapore — hanggang Marso 23. (Tingnan ang Southeast Asia: Six Tips for Unpacking COVID-19 Numbers)

ANG KATOTOHANAN

Ang Singapore ay hindi nasa ilalim ng martial law — isang katotohanang idiniin ng Singapore Embassy sa Maynila, sa isang email sa VERA Files Fact Check noong Marso 17.

Ang pamamahala ng militar sa mga kaso ng emergency kung saan hindi kayang mapanatili ng mga sibilyang awtoridad ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, tulad ng sa giyera, ang martial law ay huling idineklara sa Singapore noong Disyembre 1941, o halos 80 taon na ang nakalilipas, noong nasa ilalim pa ito ng pamumuno ng British sa panahon ng World War II.

Noong 1965, ang Singapore ay naging isang malaya at sovereign republic na may parliamentary democracy system, kung saan direktang hinahalal ng mga tao ang kanilang pangulo bilang head of state, pati na rin ang karamihan ng mga miyembro ng Parliament.

Sa ilalim ng Konstitusyon ng Singapore, ang Proclamation of Emergency ay maaaring ipalabas ng pangulo kung siya ay “naniniwala” na may “umiiral na malubhang emergency, kung saan ang seguridad at pang-ekonomiyang buhay” ng bansa ay nalalagay sa peligro.

Malayang pananalita, pagpapahayag

Ang Singapore ay nakalista bilang “partly free” sa 2020 annual global report ng Freedom House, isang nonprofit organization na nakabase sa United States na nagsasagawa ng “pagtatasa ng mga karapatang pampulitika at mga kalayaang sibil sa bawat bansa,” bukod sa iba pa.

Binanggit nito na, habang mayroong “ilang puwang” para sa personal na pagpapahayag at pribadong talakayan, ang “banta ng mga demanda sa paninirang-puri at mga kaugnay na kaso” ay nagsisilbing “hadlang sa malayang pananalita, kabilang ang sa social media.”

Ginagamit din ng gobyerno ang “mga tensyon sa lahi o relihiyon at banta ng terorismo upang bigyang katwiran ang mga paghihigpit sa kalayaan sa pagsasalita,” ayon sa ulat, na inilunsad noong Marso ng nakaraang taon. Ang ulat ng 2021 para sa Singapore ay hindi pa inilalabas habang isinusulat ang piyesang ito.

Samantala, taliwas sa pahayag ni Sotto, ang Taiwan ay inilarawan ng Freedom House sa ulat nito noong 2021 bilang “malaya,” na mayroong “pangkalahatang matatag” na mga proteksyon para sa kalayaang sibil at isang “buhay na buhay at may competitive na sistemang demokratiko” sa lugar.

 

Mga Pinagmulan

Senate of the Philippines, Press Release: Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Cely Bueno and Raoul Esperas of DWIZ, March 13, 2021

DWIZ Facebook, IZ Balita Nationwide Sabado-Tanghali, March 13, 2021

World Health Organization Western Pacific Region, “#COVID19 confirmed cases and deaths reported by countries and areas in the World Health Organization (WHO) Western Pacific Region over the past 24 hours…,” March 23, 2021

Personal communication with Singapore Embassy in Manila, March 17, 2021

Cambridge Dictionary, martial law, Accessed on March 17, 2021

Merriam Webster, martial law, Accessed on March 17, 2021

National Library Board of Singapore: Newspapers Archive, Martial Law Proclaimed in Singapore, Dec. 31, 1941

National Archives of Singapore, The Fall of Singapore – Sequence of Events, Accessed on March 17, 2021

Singapore Infopedia, Straits Settlements, July 29, 2014

Prime Minister’s Office Singapore Official Website, The Government

Singapore Statutes Online, Constitution of the Republic of Singapore: Part XII, Section 150: Proclamation of Emergency

Freedom House, Freedom in the World 2020, Singapore

Freedom House, Press Release: Freedom in the World 2020 finds established democracies are in decline, March 4, 2020

Freedom House, Freedom in the World 2021: Taiwan

Kopi, What Happens If Singapore Declares a National Emergency?, March 22, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.