Isang dating doktor sa Manila Health Office, si Manila Vice Mayor Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ay mali sa pagsasabing ang tamang paraan ng pagsusuot ng surgical mask ay depende kung ang gagamit ay may sakit o nais na maprotektahan laban sa mga mikrobyo o virus.
PAHAYAG
Sa isang video na tinanggal na ngayon, na nai-post sa Facebook page ng Public Information Office ng Maynila noong Enero 23, ipinakita ni Lacuna kung paano magsuot ng face mask, na ipinamamahagi ng office of the city mayor.
Isang netizen ang nag screen-record at nag post ng video sa Youtube, pati ang bahagi kung saan sinabi ni Lacuna:
“’Yung tama hong paggamit nung ordinaryong face mask, ‘di ba kung nakikita po niyo ‘yung ordinaryong face masks, mayroon pong blue at saka may white po… Kapag tayo po ang may sakit, ‘yung white po nasa loob, kasi ‘yung white po ‘yung nagpe-prevent o humaharang po sa bacteria. In other words (Sa madaling salita), para hindi po tayo makahawa, dapat po ‘yung white ang nasa loob, ‘yung blue ang nasa harap.
Idinagdag ni Lacuna:
“Ngayon, kung ayaw naman po natin mahawa tayo, o tayo ‘yung mahawahan, ‘yung white po ang nasa labas.”
Pinagmulan: Trending ni Andres Youtube account, Live Update Corona Virus Alert from Isko Moreno, Enero 23, 2020
Nakaupo sa tabi niya si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na nagsabing kamakailan lamang niyang nalaman mula kay Lacuna ang “tamang” paraan ng pagsusuot ng face mask.
ANG KATOTOHANAN
Ang World Health Organization (WHO), Philippine Red Cross (PRC), Department of Health (DOH), Department of Health ng San Francisco: Disease Prevention and Control, at ang gobyerno ng Hong Kong ay pare-parehong nagsasabi na isa lamang tamang paraan ng pagsuot ng surgical mask.
Sinabi ni WHO Collaborating Center for Infectious Disease Epidemiology and Control Director Seto Wing Hong ng Hong Kong University sa isang panayam noong Enero 24 na Bloomberg na ang tamang paraan ng pagsusuot ng surgical mask ay ang asul na kulay ang sa labas at ang puti sa loob.
Ipinaliwanag ni Wing Hong na ang asul o may kulay na panig ng mask ay hindi tinatagusan ng tubig, habang ang puting bahagi ay sumisipsip:
“You gotta wear it like this: the blue on the outside, the white on the inside. You’ve seen people wearing it like this (shows the white side of the mask), [it is] totally wrong (Kailangan mong isuot ng ganito: ang asul sa labas, ang puti sa loob. Nakita mo ang mga taong isinusuot na ganito (pinapakita ang puting bahagi ng mask), [ito ay] mali talaga).”
Pinagmulan: Bloomberg Facebook page, Coronavirus: How To Wear A Mask, According to
WHO expert, panoorin mula 0:30 hanggang 0:33
Noong Enero 28, ang PRC, isang non-government humanitarian organization na tumutulong sa pamahalaan sa mga gawaing pantao, ay nag-post ng isang infographic tungkol sa pagtukoy kung aling bahagi ng surgical mask ang dapat na isuot.
Ang Department of Public Health, Disease Prevention and Control ng San Francisco ay inilathala din sa website nito:
“Determine which side of the mask is the front. The colored side of the mask is usually the front and should face away from you, while the white side touches your face (Alamin kung aling bahagi ng mask ang harapan. Ang may kulay na bahagi ng mask ang karaniwang harap at dapat hindi nakaharap sa iyo, habang ang puting bahagi ang dadampi sa iyong mukha).”
Pinagmulan: Population Health Division, San Francisco Department of Public Health: Disease Prevention and Control, How to Put on and Remove a Face Mask
Sinabi rin ng gobyerno ng Hong Kong sa website nito na ang “may kulay na bahagi ng mask ay nakaharap sa labas, na may metallic strip na pang-itaas.”
Si DOH Secretary Francisco Duque III sa isang panayam noong Enero 27 ng Manila Bulletin ay nagpakita ng wastong paraan ng pagsusuot ng mask; na ang asul, o may kulay na bahagi, ang nakaharap sa labas.
Tinukoy ng mga organisasyon na gumagawa ng fact-check na Africa Check, Agence France-Presse, at media outfit na Straits Times ang magkakatulad na mga pahayag sa paggamit ng mga surgical mask.
Ang mga surgical mask ay sadyang ginagamit upang maiwasan ang pagkalat ng mga contaminant. Gayunpaman, ang paggamit ng mask “lamang” ay “hindi sapat upang magbigay ng sapat na antas ng proteksyon” at samakatuwid ay dapat na isama sa iba pang “kailangang mga hakbang,” tulad ng wastong paghuhugas ng kamay, ayon sa alituntunin ng WHO Philippines na inilabas noong Enero 29.
Ang “hindi tamang” pagsusuot ng mask ay maaaring “mapigilan ang pagiging epektibo nito” sa pagbabawas ng panganib ng transmission, idinagdag nito.
Sinabi ni dating Health secretary at ngayon Iloilo 1st District Rep. Janet Garin sa isang panayam noong Enero 29 ng CNN na ang mga surgical mask ay hindi garantisadong mapigilan ang pagkakahawa ng isang tao, ngunit matutulungan ang mga tao na hindi madapuan ng mga droplet at mailipat ang mga ito sa mga mata, ilong, at bibig, na kung karaniwang pasukan ng mga virus at mikrobyo.
Sinabi ni WHO Philippines representative Rabindra Abeyasinghe sa isang press briefing noong Enero 28, habang ang mga nagpapakita ng mga palatandaan ng mga respiratory infection ay pinapayuhan na magsuot ng mga mask, hindi ito kailangan ng “mga normal na tao na patuloy sa kanilang normal na gawain.”
Samantala, ang mga bumibisita sa mga heathcare facilitiy na may “mataas na konsentrasyon ng mga taong may respiratory infections,” o iba pang mga masisikip na lugar tulad ng mga palengke, ay maaari ring magsuot ng mga mask.
Ang WHO ay nagdeklara ng isang global emergency noong Enero 31 bilang pagsasaalang-alang sa ibang mga bansa na may “mas mahihinang sistema ng kalusugan na hindi handa” upang harapin ang potensyal na pagkalat ng Novel Coronavirus (2019-nCoV), na lumitaw mula sa Wuhan City, lalawigan ng Hubei sa China.
Noong Enero 30, kinumpirma ng DOH ang kauna-unahang kaso ng 2019-nCoV sa bansa, matapos ang isang 38-taong-gulang na babaeng pasyente na Tsino na sa ilalim ng pagsisiyasat ay lumabas na positibo sa virus. Ang pasyente ay dumating sa bansa mula sa Wuhan at dumaan sa Hong Kong noong Enero 21. Iniulatna siya ay bumisita sa Cebu at Dumaguete bago lumipad patungong Maynila, kung saan pinasok siya sa isang ospital ng gobyerno noong Enero 25 matapos makaranas ng banayad na ubo.
Ano ang magagawa ng publiko upang maiwasan ang pagkalat ng 2019-nCoV?
Sa isang infographic na inilathala sa opisyal na Facebook page nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na, bukod sa iba pa, regular na maghugas ng mga kamay, iwasan ang pakikipag-ugnay sa mga hayop, at takpan ang kanilang mga ilong at bibig kapag umuubo o bumabahin.
Ang karagdagang impormasyon tungkol sa 2019-nCoV ay matatagpuan sa website ng DOH.
Anu-ano ang iba’t ibang uri ng mask?
Mga Pinagmulan
Manila City Official website, Vice Mayor: Dr. Maria Sheilah Lacuna-Pangan
Manila Public Information Office official Facebook, Paano nga ba sinusuot ang face mask? Alamin ang sagot mula kay Manila City Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Jan. 23, 2020
Trending Ni Andres, Live Streamed: Live Update Corona Virus Alert From Isko Moreno, Jan. 23, 2020
World Health Organization website, Wing Hong Seto
Bloomberg Facebook, Coronavirus: How To Wear A Mask, According To WHO Expert, Jan. 25, 2020
Official Gazette, The Philippine Red Cross
Philippine Red Cross Official Facebook, Paano Suotin ang Surgical Mask?, Jan. 28, 2020
Population Health Division, San Francisco Department of Public Health: Disease Prevention and Control, How to Put on and Remove a Face Mask
The Government of the Hong Kong Special Administrative Region of the People’s Republic of China, Wearing Mask
Manila Bulletin Official Facebook, How to properly wear a mask, according to DOH Sec. Duque, Jan. 26, 2020
Africa Check, No, wear medical mask with white side towards face, Jan. 13, 2020
AFP Fact Check, China coronavirus: health experts refute misinformation about how to wear face masks, Jan. 29, 2020
Straits Times, Can surgical masks be worn on both sides, and which side guards against the haze? askST clears the air, Sept. 18, 2019
World Health Organization site, Advice on the use of masks the community, during home care and in health care settings in the context of the novel coronavirus (2019-nCoV) outbreak, Jan. 29, 2020
CNN Philippines Youtube, The Source: Ronnie Ong and Janette Garin, Jan. 28, 2020
Department of Health Philippines Official Facebook, Happening Now: Press briefing on the novel coronavirus (2019-nCoV), Jan. 28, 2020
World Health Organization Official Facebook, LIVE: Press conference on the meeting of the IHR Emergency Committee on on 2019-nCoV, Jan. 30, 2020
Department of Health Philippines website, Press Release: DOH CONFIRMS FIRST 2019-NCOV CASE IN THE COUNTRY; ASSURES PUBLIC OF INTENSIFIED CONTAINMENT MEASURES, Jan. 30, 2020
World Health Organization website, Novel Coronavirus(2019-nCoV) Situation Report 7, Jan. 27, 2020
Department of Health Philippines Official Facebook, Health Advisory tungkol sa Coronavirus, Jan. 26, 2020
Department of Health site, FAQS ON NOVEL CORONAVIRUS (2019-NCOV)
United States Department of Labor, Respiratory Infection Control: Respirators Versus Surgical Masks
New South Wales Government, Protect yourself from bushfire smoke
Centers for Disease Control and Prevention, NIOSH-Approved Particulate Filtering Facepiece Respirators
Smartfilters.com, Are Japanese Pitta Masks effective for use in China?, April 8, 2019
ABC News, Should I wear a face mask to protect myself from bushfire smoke?, Dec. 3, 2019
U.S. National Library of Medicine: National Institutes of Health, A cluster randomised trial of cloth masks compared with medical masks in healthcare workers, April 22, 2015
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)