Sinabi kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang concurrent secretary of agriculture, na ang programa ng kanyang ama na Masagana 99 ay “nagawang self-sufficient [ang Pilipinas] at rice exporting ang bansa,” at binanggit ito bilang isa sa “maraming milestones” sa 125-taong kasaysayan ng Department of Agriculture (DA). Ito ay kulang sa konteksto.
Ang programang Masagana 99 ay kinukuyog ng mga isyu tulad ng kawalan ng sustainability, problema sa credit system, at paggamit ng mga pestisidyo na nakakapinsala sa kapaligiran. Hinango ng pangalan ng programa sa salitang Tagalog na masagana, na nangangahulugang mabiyaya, at 99, na tumutukoy sa tinatayang bilang ng mga sako ng palay na aanihin sa bawat ektarya ng lupa.
Nilayon nitong gawin lamang para sa isang planting season mula Mayo hanggang Oktubre 1973. Noong Mayo 1974, iniutos ni Marcos Sr. ang pagpapatupad nito sa buong bansa para paramihn ang ani ng bigas mula sa average na 40 kaban (isang kaban ay tinatayang 50 kilos bawat sako) hanggang 99 na kaban kasunod ng sunod-sunod na pag-ulan na naging dahilan ng pagbaha sa hindi bababa sa 200,000 ektarya ng palayan sa Central Luzon noong 1972.
PAHAYAG
Sa kanyang talumpati sa ika-125 anibersaryo ng pagkakatatag ng DA noong Hunyo 20, sinabi ni Marcos:
“Starting as the Department of Agriculture and Manufacturing 125 years ago, the Department of Agriculture has seen the realization of many milestones such as the implementation of the Masagana 99 program, which made the country self-sufficient and a rice exporting country; the implementation of the Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997, this mobilized rural development and the modernization of the country’s agriculture and fisheries sector; and the promotion of urban agriculture to address concerns on food supply during [the] COVID-19 pandemic.”
(“Nagsimula bilang Department of Agriculture and Manufacturing 125 taon na ang nakalilipas, nasaksihan ng Department of Agriculture ang pagsasakatuparan ng maraming milestones tulad ng pagpapatupad ng Masagana 99 program, na naging dahilan upang maging self-sufficient ang bansa at isang rice exporting country; ang pagpapatupad ng Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997, ito ang nagpakilos sa rural development at modernisasyon ng sektor ng agrikultura at pangisdaan ng bansa; at ang pagsulong ng urban agriculture upang matugunan ang mga alalahanin sa supply ng pagkain sa panahon ng COVID-19 pandemic.”)
Pinagmulan: Presidential Communications Office official website, 125th Founding Anniversary of the Department of Agriculture (Speech) 6/20/2023 (transcript), Hunyo 20, 2023, panoorin mula 02:11 hanggang 02:57
Noong Mayo, inaprubahan ni Marcos Jr. ang kanyang sariling rice roadmap na tinatawag na Masagana Rice Industry Development Program na naglalayong makamit ang 97.5% rice sufficiency sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya tulad ng bagong teknolohiya at digitalization, at pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng mga Pilipinong magsasaka.
ANG KATOTOHANAN
Pitong taon matapos itong ilunsad noong Mayo 1973, naging walang kabuluhan ang Masagana 99 at tahimik na itinigil noong 1984, ayon sa pananaliksik ng University of the Philippines Third World Studies Center (UP TWSC). Iniugnay ng mga eksperto ang pagsasara ng Masagana 99 sa iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng mababang pagbabayad ng utang ng mga magsasaka, problema sa pagpapatupad nito, at paglaki ng utang ng magsasaka.
Bagama’t nakamit ng Pilipinas ang rice self-sufficiency noong 1976, si Kenneth Smith, na nagtrabaho sa Pilipinas mula 1971 hanggang 1976 bilang tagapayo sa United States Agency for International Development (USAID), ay nagsabi na utang ng Masagana 99 ang “may takdang” tagumpay nito sa pagpapalawak ng ektarya (lupa) na tinaniman sa palay, “hindi lamang [sa pamamagitan ng] tumaas na ani kada ektarya, gaya ng orihinal na inaasahan” ng administrasyong Marcos Sr.
Idinagdag ni Smith, na tumulong sa pag-set up ng management information system para subaybayan ang progreso ng Masagana 99, na ang pagdami ng ani ng palay ay naging daan para muling maging rice exporter ang Pilipinas noong 1977.
Gayunpaman, ang datos ng Food and Agriculture Organization ng United Nations ay nagpapakita na mula 1973 hanggang 1986, ang Pilipinas ay nag-import ng mas maraming bigas kaysa sa ine-export nito. Halimbawa, umangkat ito ng humigit-kumulang 1,453,580 metriko tonelada ng milled rice at nag-export lamang ng humigit-kumulang 595,066 metriko tonelada mula 1973-1986.
Ayon kay Smith, nabigo ang administrasyong Marcos Sr. na mapanatili ang non-collateral credit policy ng Masagana 99 dahil sa hindi pagbabayad ng mga magsasaka ng maraming utang. Sa ilalim ng programa, ang mga magsasaka ay kailangang kumuha ng pautang para makakuha ng bagong farming technology package na binubuo ng high-yielding rice seeds, murang pestisidyo, herbicide.
Sa pagsusuri para sa International Food Policy Research Institute Researchers noong 1988, ipinakita ng datos na kinalkula ng mga mananaliksik na sina Mark Rosegrant at Ammar Siamwalla na humigit-kumulang P3.12 bilyon lamang sa P3.82 bilyong kabuuang utang na ipinagkaloob ang nabayaran.
Sa pagdinig ng Senado noong Mayo 2020, sinabi ni dating Finance secretary Carlos Dominguez na noong siya ay kalihim ng Agrikultura sa panahon ng administrasyong Corazon Aquino mula 1987 hanggang 1990, kinailangang sagipin ng gobyerno ang humigit-kumulang 800 rural banks na nabangkarote dahil sa hindi nabayarang utang ng mga magsasaka sa ilalim ng Masagana 99 credit scheme.
Ginawa ni Dominguez ang pahayag matapos na iminungkahi ng panganay na kapatid ni Marcos Jr. na si Sen. Imee Marcos ang adoption ng scheme na katulad ng Masagana 99 upang matulungan ang pagtaas ng produksyon ng mga magsasaka sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Office official website, 125th Founding Anniversary of the Department of Agriculture (Speech) 6/20/2023 (transcript), June 20, 2023
University of the Philippines Los Baños official website, Masagana 99 both a success and a failure, experts say, Sept. 30, 2020
University of the Philippines Third World Studies Center, ‘Success’ of Masagana 99 all in Imee’s head – UP researchers (article published on VERA Files), May 24 , 2020
Kenneth Smith, Palay, Policy and Public Administration: The “Masagana 99” Program Revisited, January 1989
Presidential Communications Office official website, Gov’t to employ advanced technologies to entice youth into agribusiness – PBBM, May 31, 2023
Presidential Communications Office official website, Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the 86th Anniversary Celebration of the Government Service Insurance System (GSIS), May 31, 2023
Department of Agriculture Region 12 official website, President Ferdinand R. Marcos Jr. participated in the Rice Industry Convergence Meeting, May 31, 2023
Food and Agriculture Organization of the United Nations official website, Statistics on rice importation and exportation, accessed June 22, 2023
International Food Policy Research Institute official website, Government credit programs: Justification, benefits, and costs, 1988
International Food Policy Research Institute official website, Mark Rosegrant profile, accessed June 22, 2023
Thailand Development Research Institute official website, Curriculum vitae: Ammar Siamwalla , accessed June 22, 2023
Department of Agriculture official website, History | Official Portal of the Department of Agriculture, accessed June 22, 2023
Senate of the Philippines official YouTube channel, Committee of the Whole (May 20, 2020), May 20, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)