Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Gadon na propaganda lamang ng mga ‘dilaw’ ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Marcos Sr. HINDI TOTOO

WHAT WAS CLAIMED

Ang mga paglabag sa karapatang pantao noong pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr. ay napatunayang hindi totoo at imbensyon at propaganda lamang ng oposisyon.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Dokumentado ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission ang 11,103 biktima ng ang mga paglabag sa karapatang pantao sa rehimeng Marcos na itinuturing na karapat-dapat na tumanggap ng mga kompensasyon na nagmula sa P10-bilyong pondo mula sa Marcos Swiss account. Noong 1995, humigit-kumulang 10,000 biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng diktadurang Marcos ang nanalo sa isang class-action lawsuit sa Hawaii kung saan nakumbinse ang jury na ang yumaong diktador ay responsable sa “torture, pagpatay at pagkawala ng kapwa Pilipino.”

By VERA Files

Mar 2, 2023

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

(UPDATED) Maling iginiit ng abogadong si Larry Gadon na ang mga paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos Sr. ay napatunayang hindi totoo at inimbento lamang at ginamit bilang propaganda ng oposisyon.

Tatlong beses nang naunang napasinungalingan ng VERA Files Fact Check ang mga katulad na pahayag. (Basahin: Never-ending tales on Marcos’ martial law)

Panoorin ang video:

 

Tala ng editor: Na-update ang fact check na ito noong Marso 14, 2023 para isama ang video fact check.
Ang quote card para sa fact check na ito ay na-update upang ipakita ang papel ng Human Rights Victims’ Claims Board bilang isang independiyenteng quasi-judicial body upang tumanggap, suriin, i-proseso at imbestigahan ang mga claim ng mga paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng diktadurang Marcos. Sa kabilang banda, nilikha ang Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, isang independiyenteng ahensya ng gobyerno, upang magtatag, magpanumbalik, magpanatili at mag-conserve ng isang memorial, museo, library at compendium bilang parangal sa maraming biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa parehong panahon.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Atty. Larry Gadon Facebook page, Ang tutuong Human Rights Violation…, Feb. 25, 2023

Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, Roll of Victims, accessed Feb. 28, 2023

Official Gazette of the Philippines, Republic Act No. 10368, Feb. 25, 2013

Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission, About the Commission, accessed Feb. 28, 2023

Justia U.S. Law, In Re Estate of Marcos Human Rights Litigation, 910 F. Supp. 1460 (D. Haw. 1995), Nov. 30, 1995

University of Minnesota Human Rights Library, Trajano v Marcos 978 F.2d 493, Oct. 21, 1992

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.