Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT CHECK: Minura ba ni Obama si Duterte? Tinawag ba ni Trump si Duterte na “bayani ng bansa”?

Hindi ang sagot sa parehong tanong.

By VERA Files

Jul 28, 2017

5-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagbabago ng administrasyon sa United States (Estados Unidos) ay nagdala rin ng pagbabago sa pagkaintindi sa kanyang giyera laban sa droga.

Ginaya niya ang kaibahan kung paano siya kinausap nina dating Pangulong Barack Obama at Pangulong Donald Trump tungkol sa isyung ito. Kasabay nito, kinuwestiyon niya kung paano patuloy na naniniwala ang mga Pilipino at pinahahalagahan ang US, samantalang ito ay “alanganin” at inihalintulad ito sa isang bentilador, “urong-sulong.”

PAHAYAG

Sinabi ni Duterte:

“Bakit kayo bilib diyan sa puti? … Una iyong Tagapagsalita ng State Department, akala mo kung sino. Akala nila mas matalino pa sila sa akin… pagkatapos ang tauhan ng Pangulo, tapos Obama… [nagsasalita na tong slang] ‘Gusto kong ipaalala … Ginoong Duterte na … ang polisiya ng’…

Pagdating ni Trump, [Nagsasalita na tonong slang] ‘Oh oo Ginoong Pangulo, hinihintay namin ang iyong tawag. Ginagawa mo itong lahat ng tama, at ginagawa namin ang …… ‘ Kaya, iyan ang halaga ng bansa na iyong pinahahalagahan. Alanganin … parang bentilador, okay dito … o hindi na okay (… tulad ng isang bentilador na okay isang sandali at pagkatapos ay hindi na). Ito ay pabagu-bago. Tapos kayong mga NGO diyan bilib kayo. (At kayong mga NGO humahanga sa kanila nang labis).

Hindi ko talaga maintindihan (ang) Pilipino. (Hindi ko talaga maintindihan ang Filipino). Kailangan pa ang isang Amerikano na magsabi na ako ay anak ng isang puta, at nangangailangan pa ng isang Amerikano na magsabi ng ‘O ikaw ay mahusay. Isa kang bayani sa iyong bansa.’ Eh saan ako pupunta nito ngayon? “(Saan ako pupunta ngayon)?”

Pinagkunan: 2017 State of the Nation Address, RTVMalacanang, panoorin mula 1:25:48 to1:27:31

Sinabi ba ni Obama na si Duterte ay anak ng puta? Tinawag ba ni Trump si Duterte na bayani?

FACT

Hindi (ang sagot) sa parehong tanong.

Sa katunayan, si Duterte ang tumawag kay Obama na “anak ng puta (kalapating mababa ang lipad)” noong Setyembre 5 habang naghahanda siyang umalis para sa ika-28 at ika-29 na ASEAN Summit na ginanap sa Laos. Ito ay pagkatapos ipahayag ng administrasyong Obama ang pag-aalala sa mga ekstrahudisyal na patayan (extrajudicial killings) kaugnay ng giyera ni Duterte laban sa droga.

Sinabi ni Duterte:

“Ako ay Pangulo ng malayang estado, at matagal na kaming hindi isang kolonya. Wala akong anumang panginoon, maliban sa sambayanang Pilipino. Walang sinuman ngunit walang sinuman. Dapat kang gumalang. Huwag kang basta na lamang magtapon ng mga tanong at pahayag. Putang-ina, mumurahin kita diyan sa talakayan na iyan. Huwag mo akong ganunin (Anak ng puta, mumurahin kita sa talakayan. Huwag mo akong taratuhin na ganyan). Sabihin mo iyan sa lahat. “

Pinagkunan: Pahayag sa pag alis patungo sa 28th at 29th ASEAN Summits, Davao City, panoorin mula 7:59 to 8:30

Ang kinahinatnan, kinansela ni Obama ang isang pulong (meeting) kay Duterte sa summit.

Sa sitwasyon ni Trump, si Duterte ay nagkaroon ng dalawang pag-uusap sa telepono sa bagong Amerikanong pangulo. Sa alinmang okasyon si Trump ay hindi nabanggit na nagsabi kay Duterte na “Isa kang bayani sa iyong bansa.”

Ang unang tawag ay ginawa noong Disyembre 3, 2016, nang batiin ni Duterte ang bagong halal na Pangulong Trump na kakapanalo lamang sa pampanguluhang eleksyon sa Estados Unidos. Ang kanilang pinaka-huling pag-uusap sa telepono ay nasa sidelines ng gala dinner para sa mga pinuno ng bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong Abril 29.

Sa tawag noong Abril 29 na pinasimulan ng pangulo ng Estados Unidos, binati ni Trump si Duterte para sa “isang hindi kapani-paniwalang trabaho sa problema sa droga.” Sinabi niya, “Maganda ang trabahong ginagawa mo,” at hinangad niya para kay Duterte na “ipagpatuloy ang mabuting gawa.”

“Ginagawa mo ang isang kamangha-manghang trabaho,” sabi ni Trump ayon sa isang transcript (sipi/salin) ng pag-uusap na iyon sa telepono. Ang isang kopya ng memo mula sa Office of the American Affairs Office ng Department of Foreign Affairs na naglalaman ng transcript (sipi/salin) ng pag-uusap sa telepono ay nakarating sa press (media). Ang pagiging totoo ng dokumentong iyon ay hindi pinagtatalunan.

Wala sa kanilang unang pag-uusap noong Disyembre na si Duterte ay tinawag na isang bayani ni Trump. Sa tawag na iyon sinabi ni Duterte na inanyayahan siya ni Trump na bumisita sa US.

“Pinahahalagahan ko ang sagot na nakuha ko mula kay President-elect Trump at hangad ko ang kanyang tagumpay. Siya ay magiging isang mahusay na pangulo para sa Estados Unidos ng Amerika. Ako ay sigurado. At inanyayahan niya akong bumisita sa New York at Washington DC, sinabi niya na kung ako ay nasa paligid, nais niyang maabisuhan ng aking presensya, “sinabi ni Duterte sa mga tala ng pag-uusap na inilabas ng Presidential Communications Office noong Disyembre. 3.

Ngunit isang read-out ng mga tawag sa mga lider ng mundo kay Trump na inilabas ng kanyang transition team sa Washington D.C. ay nagsabi lamang na, “Ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas ang kanyang mga pagbati kay President-elect Trump. Sa kanilang pag-uusap, nabanggit nila ang mahabang kasaysayan ng pagkakaibigan at pakikipagtulungan sa pagitan ng dalawang bansa at sumang-ayon na ang dalawang gobyerno ay patuloy na magkasamang magtutulungan sa mga usapin na may parehong interes at alalahanin.”

Sa isang pahayag ng Malacanang tungkol sa tawag na iyon, si Duterte ay binanggit na sinabing hinahangad ni Trump ang tagumpay ng kanyang kampanya laban sa droga at naunawaan ng Trump ang kanyang paraan ng pamamahala nito. Ngunit walang pagbanggit na nagsabi si Trump sa kanya na “ikaw ay isang bayani ng iyong bansa.”

Mga pinagmulan:

Read Out of Calls with World Leaders Held Today by President-Elect Donald J. Trump on December 2, 2016

Duterte invites Trump to the Philippines, 03 Dec. 2016

Transcript of the Telephone Conversation Between POTUS and President Duterte on April 29, 2017

 

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.