Sa pangalawa niyang State of the Nation Address, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay isang bully o butangero, lalo na sa pakikitungo sa “mga kaaway ng estado.”
ANG PAHAYAG
Nakatutok ang kanyang panunuligsa sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na sinusubukan kausapin ng pamahalaan para sa isang kasunduang pang kapayapaan.
“Iyon ang dahilan kung bakit ito … bully. Alam mo naghapunan ako kasama sila, sa Bayan. Itong NDF kasi — dati kong mga kaibigan talaga ang NDF. Tumatawid ako sa, sa hangganan ng ideolohiya dati. Ako yung nakakapasok sa teritoryo at talagang mga magkaibigan kami. Ngunit nagbago na ang panahon dahil iniluklok ako ng Diyos dito at naga-alaga ako ng Republika—ng isang Republika. Sabi nila doon, bully daw ako. Eh tarantado pala kayo, talagang butangero ako. [tawanan at palakpakan] Putang ina. Talaga bully ako, lalo na sa mga kaaway ng estado.”
(Pinagkunan: RTVM, 2nd State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte, House of Representatives, Quezon City, July 24, 2017, watch from 1:35:40 to 1:36:38)
Ang galit ng presidente ay nag ugat sa pahayag noong Hulyo 20 ng Partido Komunista ng Pilipinas — ang kinakatawan ng NDFP sa usapang pangkapayapaan — na tinawag ang kanyang utos na muling arestuhin ang mga tagapayo ng NDFP na “isang pagkilos ng diktador na may masamang balak, na takutin ang NDFP para yumuko at sumuko sa kanyang kagustuhan. ”
“Itoong Partido Komunista ng Pilipinas, inilathala kahapon, na tinawag ako ng NDF na bully. Tama! Tama ka diyan … 100 porsiyento, binu-bully ko ang mga tao na nagsisikap na pabagsakin ang pamahalaan at lahat ng mga kaaway ng estado. Iyan ang trabaho ko i-bully ka. At patayin ka dahil may digmaang nagaganap sa pagitan namin at sa iyo. At pinapatay mo ang aking mga sundalo at mga pulis, kaya binu-bully kita. At kapag dumating ang oras, siguro, papatayin kita kung may pagkakataon ako.” (
Pinagkunan: RTVM, Speech during the Davao Investment Conference, SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City, July 21, 2017, watchfrom 17:29 to 18:20)
FLIP-FLOP
Ngunit ilang minuto lamang matapos ang kanyang SONA, lumabas si Duterte sa bulwagan ng kongreso at pumunta sa lansangan kung saan nagaganap ang “SONA ng Bayan,” isang rali ng mga nagpo-protesta.
Umakyat siya sa entablado at hinarap ang mga aktibista at militanteng grupo, at binawi ang kanyang naunang pahayag.
Nakipagusap ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kay Duterte sa Malacañang noong Hulyo 18 upang ipaalam sa kanya ang darating na mga rali ng SONA at talakayin ang mga isyu tulad ng batas militar sa Mindanao at ang mga natigil na usapang pangkapayapaan.
Pagkatapos ay sinabi niya:
“Kung mag-uusap tayo, may hindi kayo gusto sa akin, sabihin niyo sa akin sa Malacanang. Putang ina, pinapapasok ko kayo lahat doon. Kausap ko lang ang Bayan. Bully, bakit kita bullyhin? Sino akong mag-bully sa inyo?
(Pinagkunan: Visit to the State of the Nation Address, Protesters’ Rally, July 24, 2017, watch from 3:46 to 3:59)
Gayunman, hinamon niya ang mga nagpo-protesta na magtapon ng isang granada sa kanya, kasama ang Presidential Security Guard (PSG) bilang kanyang tanging depensa.
“Ginagawa ko na ang magawa ko eh putang ina pati yung convoy ko, inaambush. Pati ako gustong patayin. Eh di sinong kausap niyo? Alam ba ninyong nandoon ako ?”
(Pinagkunan: Visit to the State of the Nation Address Protesters’ Rally, July 24, 2017, watch from 6:03 to 6:15)
BACKSTORY
Tinutukoy ng presidente ang umaga ng Hulyo 19, nang sampung tauhan ng PSG sa dalawang-sasakyan na convoy ang nakipagpalitan ng putok sa New People’s Army sa isang checkpoint sa Arakan, North Cotabato. Papunta noon ang convoy sa Cagayan de Oro City upang maghanda para sa pagbisita ni Duterte .
‘Di nagtagal, nilinaw ng mga awtoridad na ito ay isang ingkwentro, hindi isang pananambang. Ang PSG ang mga unang nagpaputok, nang malaman na sila ay makakasagupa ng NPA na nagpapanggap umano na mga sundalo ng Task Force Davao.
Sinabi din ng PSG na hindi ito isang convoy ng pangulo at nagsasagawa lamang sila ng “normal administrative movement.”
Ang pakikipag-usap sa mga komunista ay bahagi ng anim na puntong agenda ng kapayapaan ng kasalukuyang administrasyon. Ang mga pag-uusap ay nagpatuloy sa Oslo, Norway noong nakaraang taon matapos matigil ang negosasyon noong 2014.
Ang dalawang partido ay umabot sa ika-apat na round ng pormal na pag-uusap bago tumanggi ang gobyerno ng Pilipinas na magpatuloy sa susunod na round, dahil sa mga direktiba ng CPP sa mga armadong yunit nito na patindihin pa ang mga pag-atake laban sa gobyerno kasunod ng deklarasyon ng batas militar sa Mindanao noong Mayo. (Basahin pa: VERA FILES FACT CHECK: Kapayapaan o digmaan?)
Sources:
On President Duterte’s meeting with Bayan leaders ahead of the SONA rallies
PSG Convoy Repulses NPA Roadblock
(Update) Only 4 PSG personnel wounded in N. Cotabato clash