Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Nahaharap sa abolisyon, Road Board sinabi na nasa ilalim ito ngayon ng Office of the President; Malacanang itinatanggi ang pahayag

Ang Road Board ay hindi nasa ilalim ng Office of the President, ayon mismo sa Malacañang.

By VERA Files

Jan 22, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Kasama ng federalism, charter change at impeachment hearing ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ang pagbubuwag sa Road Board ang nasa taas ng agenda nang muling magpatuloy ang sesyon ng Kongreso ngayong linggo.

“Napapanahon nang buwagin ang Road Board,” sabi ni Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao noong Enero 16 sa kanyang sponsorship speech na nagrerekomenda sa pag-apruba ng Senate Bill 1620 para sa naturang layunin.

Ang iba pang mga mambabatas ay may kaparehong iminumungkahing pagpapawalang-bisa sa board, na sa nagdaang mga taon ay binatikos dahil sa mga alegasyon ng korapsyon sa pamamahala ng mga singil ng motor vehicle user’s charge (MVUC), isang halagang nakokolekta mula sa mga may-ari ng mga sasakyang de-motor, at ang ikatlong pinakamalaking pinagkukunan ng kita ng gobyerno.

Sa pagtugon, ang board ay gumawa ng isang kakaibang pahayag: sinabi nito na ito ay nasa ilalim ng “kontrol at pangangasiwa” ng Office of the President.

Kami ay nag fact check; itinanggi ng Malacañang ang pahayag.

PAHAYAG

Bago ang panukalang batas ni Pacquiao, isinampa nina Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang House Bill 6236 na nagnanais na ipabuwag ang Road Board, na nagsasabi na ang pondo ng MVUC ay naging “daan para sa graft and corruption.”

Sumagot ang board noong Agosto 25 sa pamamagitan ng isang press release na may selyo ng Malacañang at gamit ang “Office of the President” na letterhead:

“Upang maiwasan ang pagwawaldas ng mga pondo ng MVUC at katiwalian sa pampublikong tanggapan, ang Office of the President ngayon ang nagko-kontrol at nangangasiwa sa Road Board.”

Pinagmulan: Road Board, Press Release, Aug. 27, 2017

Sa isang pagdinig sa budget noong Set. 18, hiniling ni Sen. Loren Legarda kay Road Board Executive Director Luisito Clavano na suportahan ang pahayag at ipakita ang executive order kaugnay ng paglipat nito sa ilalim ng Malacañang.

Sinabi ni Clavano kay Legarda:

“Sa ilalim ng administrasyong ito, nakuha namin, nakuha namin ang opinyon mula sa, kami ay sinabihan ng Department of Justice. Sila, sila ay naglabas ng may, naglabas sila ng isang legal na opinyon na kami ay dapat nasa ilalim ng Office of the President. Kaya, batay dito, ako lang, nang makuha ko ang abiso, ipinaalam ko sa mga departamento na mga miyembro ng board upang maabisuhan sila.”

Pinagmulan: Senate, Committee on Finance [Subcommittee “A”] (Setyembre 18, 2017), panoorin mula 2:13 hanggang 2:50

FACT

Ang Road Board ay hindi nasa ilalim ng Office of the President, ayon mismo sa Malacañang.

Ang VERA Files ay nag fact-check sa Malacañang Records Office, na ipinadala ang katanungan sa Office of the Deputy Executive Secretary for General Administration (ODESGA) “para sa karagdagang paglilinaw.”

Sa isang email noong Enero 11, sinabi ng ODESGA:

“Mangyaring ipinaaalam na ang Office of the President ay hindi naglabas ng pahayag na naglalagay sa Road Board sa ilalim ng kontrol at pangangasiwa nito.”

Sinabi nito na nakatanggap ito ng isang sulat mula sa board, ngunit tumanggi na magbigay ng kopya, na binabanggit ang “internal communication”:

“Tungkol sa iyong kahilingan para sa isang kopya ng liham ng Road Board, ikinalulungkot namin na ipaalam sa iyo na hindi kami makakapagbigay ng kopya nito dahil ito ay isang internal communication sa pagitan ng mga ahensya na hindi bumubuo sa pinakahuling aksyon ng gobyerno.”

BACKSTORY

Ang apat na iba pang mga panukala bukod sa kanila Pacquiao at ni Alvarez-Fariñas na nagpapawalang-bisa sa Road Board ay isinampa noong ika-17 Kongreso, lahat ay nakabinbin sa antas ng komite.

Ang mga pagsisikap na tugunan ang mga isyu ng katiwalian sa pondo ng MVUC ay simula pa noong 2009, nang inilabas ng dating Sen. Miriam Defensor Santiago ang isang resolusyon na hinimok ang Ombudsman na usigin ang “hindi katanggap-tanggap na multibilyong anomalya” sa board.

Dalawang panukalang batas ang nauna nang isinampa na naghahangad na mapabuti o buwagin.

Si Pangulong Rodrigo Duterte mismo sa isang talumpati noong Set. 9, dalawang linggo pagkatapos maglabas ang Road Board ng press release gamit ang letterhead ng Malacañang, ay nagsabing bubuwagin niya ang board:

“Kapag bumalik ako sa susunod na linggo, magbubuwag ako ng isa hanggang tatlong ahensya. ‘Yung Road Board, kailangan iyang mawala. ‘Yung Sugar Regulatory Board, aalisin ko ito. Basta ilagay ito sa isang opisina.”

Pinagmulan: RTVM, Speech ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagdalo sa Closing Plenary ng 26th Mindanao Business Conference, panoorin mula 18:49 hanggang 19:11

Mula pa noong 2014, sinasabi na ng Commission on Audit (COA) na ang Road Board Secretariat ay lumalampas sa kanyang mandato at nagpapatupad ng mga proyekto kahit na ang kanyang papel ay limitado lamang sa “pagsubaybay sa koleksyon, deposito at paggamit ng mga pondo ng MVUC.”

Sa 2016, 68 lamang ng 223 target na proyekto ang nakumpleto bukod sa 156 hindi kumpletong proyekto mula sa mga naunang taon, ayon sa COA, na iniuugnay sa “hindi epektibong pagpaplano at pangangasiwa.”

Mga pinagkunan:

Senate of the Philippines, Sen. Emmanuel Pacquiao’s sponsorship speech, Jan. 16, 2017, watch from 1:29:17 to 1:29:20

Senate Bill No. 1620, An Act Abolishing the Road Board and Transferring its powers and Functions Including the Management of the Motor Vehicle User’s Charge Funds to the Department of Public Works and Highways (DPWH), and to the Department of Transportation (DOTR), Amending for the Purpose Republic Act No. 8794, Otherwise Known as the Motor Vehicle User’s Charge

House Bill No. 6236, An Act Abolishing the Road Board Created by Republic Act No. 8794 and Transferring Its Powers and Functions to the Department of Public Works and Highways and to the Department of Transportation, Amending for the Purpose of Republic Act No. 8794

House Bill No. 5683, An Act Abolishing the Road Board and Transferring its powers and Functions Including the Management of the Motor Vehicle User’s Charge Funds to the Department of Public Works and Highways and to the Department of Transportation Amending for the Purpose Republic Act No. 8794, Otherwise Known as the Motor Vehicle User’s Charge

House Bill No. 4466, An Act Abolishing the Road Board and Transferring its powers and Functions Including the Management of the Motor Vehicle User’s Charge Funds to the Department of Public Works and Highways and to the Department of Transportation Amending for the Purpose Republic Act No. 8794, the Law Imposing the Motor Vehicle User’s Charge

House Bill No. 3278, An Act Abolishing the Road Board Created by Virtue of Republic Act No. 8794 and Transferring Its Powers and Functions to the Department of Public Works and Highways and to the Department of Transportation and Communications, Amending for the Purpose of Republic Act No. 8794

House Bill No. 3855, An Act Abolishing the Road Board Created by Virtue of Republic Act No. 8794 and Transferring Its Powers and Functions to the Department of Public Works and Highways and to the Department of Transportation, Amending for the Purpose of Republic Act No. 8794

Senate Bill No. 3131, An Act Abolishing the Road Board Created by Virtue of Republic Act No. 8794 and Transferring Its Powers and Functions to the Department of Public Works and Highways and to the Department of Transportation and Communications, Amending for the Purpose of Republic Act No. 8794

Senate Bill No. 1792, An Act Amending Republic Act No. 8794 Otherwise Known as An Act Imposing a Motor Vehicle User’s Charge on Owners of All Types of Motor Vehicles

Senate Resolution No. 1413, Resolution recommending to the Ombudsman the prosecution of the Road Board by its Chair, and its Secretariat led by the Executive Director, for Unconscionable Multi-Billion Anomalies Reported by the Commission on Audit; Recommending Amendment or Repeal of the Motor User’s Vehicle User’s Charge Act; And in any case, recommending the creation of the special Senate Oversight Committee on the Road User’s Tax

Republic Act No. 8794, An Act Imposing a Motor Vehicle User’s Charge on Owners of All Types of Motor Vehicles and for Other Purposes

Commission on Audit, Road Board (Motor Vehicle User’s Charge Funds), 2016

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.