Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Order ng DepEd na ipagpatuloy ang voucher program para sa Grade 11 students sa SUCs, LUCs para sa SY 2023-2024 nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Sa 17, 751 Grade 11 na mga mag-aaral na naka-enrol sa state at lokal na unibersidad at kolehiyo (SUCs at LUCs) na hindi nakatanggap ng mga voucher para sa kasalukuyang school year, pinalawig ng Department of Education (DepEd) ang Senior High School Voucher Program hanggang sa matapos sila sa susunod na school year.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Noong Hulyo 2023, naglabas ng memorandum ang DepEd na nagsasabi sa mga SUC at LUC na ang mga benepisyaryo ng Grade 11 voucher program ay hindi na tatanggapin mula sa kanilang mga paaralan simula school year 2023-2024, kasunod ng paglipas ng 2015 agreement sa Commission on Higher Education na nagpapahintulot sa SUCs at LUCs na mag-alok ng senior high school upang tumulong sa pagtugon sa mga isyu sa kapasidad ng DepEd.

By VERA Files

Jan 26, 2024

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Anim na buwan matapos ihinto ang pagbibigay ng mga voucher para sa Grade 11 students na naka-enroll sa state at local universities and colleges (SUCs at LUCs) para sa kasalukuyang school year na magtatapos sa Hunyo 2024, iniutos ng Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy ito. Ito ay nangangailangan ng konteksto.

Sa ilalim ng Senior High School Voucher Program (SHSVP) ng DepEd, ang gobyerno ay nagbibigay ng mga voucher bilang tulong pinansyal sa mga kwalipikadong pampubliko at pribadong papasok na Grade 11 na mga mag-aaral, na nagbibigay-daan sa kanila upang makapag-enroll sa mga SUC at LUC at pribadong paaralan.

Sa pagsasalita sa isang pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture noong Enero 15, sinabi ni Education Undersecretary at Spokesperson Michael Poa na 17,751 Grade 11 na mga mag-aaral na kasalukuyang naka-enroll sa SUCs at LUCs ay hindi nakakatanggap ng mga voucher. Ito aniya ang nagtulak kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na palawigin ang voucher program hanggang sa susunod na school year.

PAHAYAG

Sa isang pahayag noong Enero 16, inihayag ng DepEd na itutuloy ang SHSVP para sa Grade 11 students na naka-enroll ngayon sa SUCs at LUCs hanggang sa matapos ang kanilang senior year.

Nakasaad sa pahayag:

“To prevent any displacement of learners, the DepEd would like to announce that the Senior High School Voucher Program (SHSVP) will again be extended to Grade 11 learners currently enrolled in SUCs and LUCs for SY 2023-2024. Subsequently, they may also continue on as voucher beneficiaries to complete their Grade 12 studies come SY 2024-2025.”

(“Upang maiwasan ang anumang displacement ng mga mag-aaral, nais ng DepEd na ipahayag na ang Senior High School Voucher Program (SHSVP) ay muling ipapalawig sa Grade 11 learners na kasalukuyang naka-enroll sa SUCs at LUCs para sa SY 2023-2024. Kasunod nito, maaari rin silang magpatuloy bilang mga benepisyaryo ng voucher upang makumpleto ang kanilang pag-aaral sa Grade 12 pagdating ng SY 2024-2025.”)

 

Pinagmulan: DepEd Philippines Facebook page, OFFICIAL STATEMENT On the Grade 11 learners enrolled in SUCs and LUCs, Enero 16, 2024

ANG KATOTOHANAN

Noong Hunyo 5, 2023, inanunsyo ng Private Education Assistance Committee (PEAC) na nagbigay ng tagubilin ang DepEd na ipaalam sa lahat ng SUC at LUC na kalahok sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) program na ang bagong Grade 11 voucher program beneficiaries ay hindi na tinatanggap mula sa kanilang mga paaralan simula school year 2023-2024.

VERA FILES FACT CHECK: ANG TOTOO - Nangangailangan ng konteksto ang direktiba ng DepEd na muling magbigay ng voucher sa Grade 11 students na nag-aaral sa state and local universities and colleges (SUCs and LUCs) ngayong school year. Noong July 2023, inanunsyo ng DepEd na hindi na ito tatanggap ng mga bagong Grade 11 voucher program beneficiaries mula sa mga SUCs and LUCs simula SY 2023-2024.

Ang PEAC ay isang limang-miyembrong komite na tumutulong sa DepEd sa pagpapatupad at pamamahala ng GASTPE. Sa pamamagitan ng programang ito, ang DepEd ay nagbibigay ng tulong pinansyal, tulad ng SHSVP, sa mga mag-aaral at guro para “mapahusay ang access to quality education at ma-decongest ang public schools.”

Ang anunsyo ng PEAC ay muling pinagtibay sa pamamagitan ng DepEd Order No. 20 s 2023 na inilathala noong Hulyo 2023. Nakasaad sa kautusan na “simula SY 2023-2024 ay dapat wala nang GASTPE beneficiaries mula sa SUCs at LUCs, maliban sa mga papasok sa Grade 12 sa SY 2023-2024 para tapusin ang kanilang basic education.”

Idinagdag nito na ang mga kolehiyo at unibersidad na pinamamahalaan ng gobyerno na may mga laboratory school ay maaari pa ring tumanggap ng mga senior high school enrollees na hindi makakatanggap ng mga voucher.

BACKSTORY

Noong Dis. 18, 2023, naglabas ang Commission on Higher Education (CHED) ng memorandum na nag-uutos sa mga SUC at LUC na simulan ang pagtatapos ng kanilang SHS program para sa SY 2024-2025, dahil wala nang legal na batayan para sa pagpopondo dito.

(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Why is the senior high school program discontinued in local, state universities and colleges?)

Nilinaw ni CHED Chairperson Prospero “Popoy” De Vera sa isang press briefing na hindi ito nangangahulugang aalisin na ang K-12 program. Ang memorandum ay isang paalala lamang tungkol sa kasunduan ng CHED noong 2015 sa DepEd na nagpapahintulot sa mga SUC at LUC na mag-alok ng programang SHS mula SY 2016-2017 hanggang SY 2020-2021 upang tumulong sa pagtugon sa mga isyu sa kapasidad.

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

DepEd Philippines, OFFICIAL STATEMENT On the Grade 11 learners enrolled in SUCs and LUCs, Jan. 16, 2024

House of Representatives of the Philippines, COMMITTEE ON BASIC EDUCATION AND CULTURE, Jan. 15, 2024

Private Education Assistance Committee, For SY 2023-2024, DepEd shall no longer allow…, June 5, 2023

Commission on Audit, GASTPE Program, accessed Jan. 25, 2024

Department of Education, DepEd Order No. 20 s 2023, July 26, 2023

CHED memorandum dated Dec. 18, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.