Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pagbabago ng isip ni Duterte sa same-sex marriage, pinaliit ni Roque

Ang presidente ay may kasaysayan ng pagpapalit ng paninindigan sa isyu, depende sa kanyang kaharap.

By VERA FILES

Dec 22, 2017

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Palace spokersperson Harry Roque na ang pagbabago ng isip ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan tungkol sa same-sex marriage ay “medyo bago.”

Hindi; ang presidente ay may kasaysayan ng pagpapalit ng paninindigan sa isyu, depende sa kanyang kaharap.

PAHAYAG

Nang tanungin sa interbyu ng Radyo Singko noong Dis. 19 kung nagkaroon ng “pagbabago ng posisyon” si Duterte sa same-sex marriage, sumang-ayon si Roque at sinabi na ang pananaw ng pangulo ay “medyo bago:”

Alam niyo po medyo bago ang posisyon ng ating presidente. Dati kasi wala siyang tutol sa civil union, pero ayaw niya iyong same-sex marriage. Pero nung araw ng Sabado ata iyon, sa Davao eh malinaw na sinabi na sumang-ayon din siya sa same-sex marriage

Pinagmulan: Radyo Singko 92.3 News FM, Panayam kay Roque ni Orly Mercado, Dis. 19, 2017, panoorin mula 50:52 hanggang 51:12

Sa isang speech noong Dis. 17, sinabi ni Duterte:

“Ako gusto ko same-sex marriage. Ang problema kailangan nating baguhin ang batas. Ngunit maaari nating baguhin ang batas.”

Pinagmulan: Speech/ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa 7th LGBT Davao’s Year-End Gathering, Dis. 17, 2017, panoorin mula 7:04 hanggang 7:14

Inimbitahan ni President Rodrigo Duterte ang LGBT community na mag-nomina ng kandidato para sa Presidential Commission for the Urban Poor. Photo mula sa PCOO

FACT

Ang pagbabago ng posisyon ng presidente ay hindi “medyo bago.”

Ginawa niya ang parehong mga pro- at anti-same-sex marriage na pahayag, tila depende sa kung sino ang kanyang mga kaharap; ang speech noong Dis. 17 ay sa pagtatapos ng taon na pagsasama-sama ng mga lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT).

Nauna rito, sa harap ng komunidad ng mga Pilipino sa Myanmar noong Marso 19, todo ang paggalang ni Duterte sa mga pinahahalagahan ng batas at relihiyon, tinuligsa ang “west” sa pagpilit umano na sundan ang pinahahalagahan nito sa ibang bahagi ng mundo:

“Tingnan nyo ang cover ng TIME magazine. Isang babae o lalake, wala nang ‘he’ o ‘she.’ ‘Yun ang kultura nila. Eh di kayo lang, hindi yan pwede sa amin kay Katoliko at mayroong Civil Code, na nagsasabi na maaari ka lamang mag-asawa ng isang babae para sa akin … para sa isang babae na mag-asawa ng isang lalaki. Iyan ang batas natin.”

Pinagmulan: Speech/Talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte Roa sa kanyang pakikipagtagpo sa pamayanang Filipino sa Myanmar, Marso 19, 2017, panoorin mula 31:16 hanggang 31:23

Sa isang kasunod na panayam, ipinahayag niya na ang pagpapahintulot sa same-sex marriage ay labag sa batas:

“Sa Family Code sa ating Civil Code … ang ating lipunan, mga pag-aasawa at lahat, sinasabi nito na ang kasal ay palaging pagitan ng isang lalaki at isang babae. Kung pahihintulutan ko ito, lalabagin ko ang batas.”

Pinagmulan: RTVM, Pahayag sa Pagdating at Media ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng kanyang opisyal na pagbisita sa Myanmar at Thailand, Marso 23, panoorin mula 35: 10 – 36:05

Noong 2015, sa pakikipanayam kay Vice Ganda, isang komedyante at host sa telebisyon na gay, sinabi ni Duterte na ang same-sex marriage ay “mabuti:”

“Vice Ganda: Ano ang posisyon mo sa same-sex marriage?””Duterte: Mabuti ito. Lahat ay nararapat na lumigaya.”

Pinagmulan: ABS-CBN News, ABS-CBN News, What Duterte thinks of homosexuality, same-sex marriage, panoorin mula 2:00 hanggang 2:06

BACKSTORY

Sa parehong interbyu ng Radyo Singko, sinabi ni Roque na ang pahayag ni Duterte kamakailan ay maaaring magbigay sa Kongreso na dahilan para isulong ang pagpasa ng same-sex marriage law.

Noong Oktubre, si Speaker Pantaleon Alvarez ay nagsampa ng civil partnership bill para itaguyod ang mga karapatan ng mga nagsasama na “hindi maaaring ikasal sa ilalim ng batas.”

Ayon sa Family Code of the Philippines, ang kasal ay isang “espesyal na kontrata ng permanenteng pagsasama sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.”

Ang panulang batas ay nakabinbin sa House committee level.

Mula noong 2004, maraming nang mga panukalang batas ang nagnanais na kilalanin o tanggihan ang mga karapatan ng mga same-sex couples, ngunit nabigo ang mga itong pumasa sa Kongreso.

Kabilang dito ang:

Mga Pinagmulan:

House Bill No. 6595, Civil Partnership Act of 2017

House Bill No. 3179, Same Sex Property Relations Act of 2013

House Bill No. 4269, An Act Amending Article 26 of Executive Order 209 or the Family Code of the Philippines, and for Other Purposes

Senate Bill No. 1282, An Act Amending the Family Code, Article 26 on the Validity of Same-Sex Marriages Solemnized Outside the Philippines

Senate Bill No. 1575, An Act Amending Executive Order No. 209 as amended by Executive Order 227, otherwise known as the Family Code of the Philippines, thereby Limiting Marriage to Natural Born Males and Natural Born Females

Senate Bill No. 1276, An Act Amending the Family Code of the Philippines, Article 26

Executive Order No. 209, Family Code of the Philippines

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.


Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.