Sa isang press briefing noong Nob. 5, iba ang sinabi Presidential Spokesperson Harry Roque na paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ligalisasyon ng same-sex marriage para sa mga mag-asawang Lesbian, Gay, Transgender, Queer (LGBTQ).
Tinanong ang tagapagsalita kung sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ng abugadong si Lyndon Caña sa pagdinig noong Nob. 4 sa House of Representatives tungkol sa 15 na magkakahiwalay na Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bills.
Sinabi ni Caña na ang ipinanukalang multa at parusa sa gagawa ng mga nakamumuhing pagkilos laban sa mga miyembro ng LGBTQ community ay gagawin silang mistulang “super special elite” class. Sinabi niya na ito ay magiging “diskriminasyon laban sa straight community” na sakop lamang ng mga batas sa libel at defamation.
Bilang tugon, sinabi ni Roque na suportado ng pangulo ang SOGIE bill ngunit hindi ini-endorso ang same-sex marriage. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte changes stand on same-sex marriage)
Kailangan nito ng konteksto. Panoorin ang video na ito:
Noong Hulyo 2018, sinabi ni Roque na pabor si Duterte sa same-sex civil unions — hindi kasal — kasunod ng mga resulta ng isang survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong nakaraang buwan, na nagpakita na tatlo sa limang mga Pilipino ang tutol sa same-sex civil unions.
Sinabi ng tagapagsalita na nang panahong iyon, hindi pa niya nakikita ang mga resulta ng survey at inakala niyang tinanong ang respondents sa kanilang posisyon sa “same-sex marriage.” Sinabi niya pagkatapos:
“Now (Ngayon), kung same-sex marriage po ang pinag-uusapan, pati po si presidente tutol sa same-sex marriage. Pero ‘yung union po, pabor po dyan si presidente para lamang maayos yung iba’t-ibang aspeto ng pagsasama ng kaparehong kasarinlan.”
Pinagmulan: RTV Malacañang Official Youtube Account, Press Briefing – Maasin City, Leyte 7/2/2018, Hulyo 2, 2018, panoorin mula 27:04 hanggang 27:21
Noong Okt. 22 ngayong taon, sinabi ni Roque na “paulit-ulit” nang sinabi ng pangulo na pabor siya sa isang batas sa Pilipinas na kikilalanin ang same-sex civil unions:
“The President has said it over and over again (Nasabi na ng pangulo pa ulit ulit), pabor po siya sa isang batas na magri-recognize (kikilala) ng civil union sa mga…same sex relationships.”
Pinagmulan: RTV Malacañang Official Youtube Account, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 10/22/2020, Okt. 22, 2020 panoorin mula 29:12 hanggang 29:24
Sinabi pa ni Roque, ngayong “maging” si Pope Francis ay “sumusuporta” sa mga civil union ng mga mag-asawang LGBTQ, “kahit na ang pinaka konserbatibo sa lahat ng mga Katoliko sa Kongreso ay wala na dapat batayan” para tumutol dito.
Noong 2019, dalawang kinatawan sa Kamara ang nagsampa ng magkakahiwalay na panukalang batas sa ika-18 Kongreso na naghahangad na kilalanin ang mga karapatan at obligasyon ng mga mag-asawa ng parehong opposite o same-sex. Ang parehong mga panukala ay nakabinbin sa House Committee on Women and Gender Equality mula nang isampa sila noong Hulyo 2019.
Mga Pinagmulan
PTV Official Facebook Account, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | November 5, 2020, Nov. 5, 2020
House of Representatives Official Facebook Account, Topic: Continuation of deliberation re HBs 95, 134, 160, 258, 640, 865, 1023, 1041,1359, 2211, 2870, 4369, 4474, 5818, 6294, and 7754 (SOGIE Equality Bills), Accessed Nov. 5, 2020
VERA Files, VERA FILES FACT CHECK: Duterte changes stand on same-sex marriage, March 31, 2017
Radyo Pilipinas Official Facebook Account, Distribution of Grants to the Unconditional Cash Transfer (UCT) Beneficiaries 2/24/2019, Accessed Nov. 5, 2020
Wikimedia Commons, Philippine LGBTQ+ Protester During Pride March, June 29, 2019
Wikimedia Commons, Philippine LGBTQ+ Protester During Pride March waving a rainbow flag, June 29, 2019
ABS-CBN News Official Youtube Account, What Duterte thinks of homosexuality, same-sex marriage, July 12, 2015
CNN Philippines, Town Hall 2016: Duterte-Cayetano, Feb. 18, 2016
RTV Malacañang Official Youtube Account, Question and Answer – Pasay City 3/23/2017, March 23, 2017
RTV Malacañang Official Youtube Account, 7th Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) Year-End Gathering (Speech) 12/17/2017, Dec. 18, 2017
GMA News Online, Supreme Court to hear arguments on same-sex marriage Tuesday, June 19, 2018, June 18, 2018
Philstar.com, Same-sex marriage up for oral arguments at SC, June 18, 2018
Philippine News Agency, SC oral arguments on same sex marriage set for June 19, March 6, 2018
Social Weather Stations, First Quarter 2018 Social Weather Survey: 61% of Pinoys oppose, and 22% support, a law that will allow the civil union of two men or two women, June 29, 2018
RTV Malacañang Official Youtube Account,, Press Briefing – Maasin City, Leyte 7/2/2018, July 2, 2018,
RTV Malacañang Official Youtube Account, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 10/22/2020, Oct. 22, 2020
Interaksyon, ‘Not marriage’: The real deal on Pope Francis’ comments on same-sex civil unions, Oct. 24, 2020
The New York Times, In Shift for Church, Pope Francis Voices Support for Same-Sex Civil Unions, Oct. 21, 2020
British Broadcasting Corporation, Pope Francis indicates support for same-sex civil unions, Oct. 21, 2020
House of Representatives, House Bill No. 1357, July 7, 2019
House of Representatives, House Bill No. 2264, July 17, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)