Tatlong linggo matapos ang pag-iwas sa tanong tungkol sa umano’y paggamit ng ilegal na droga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tinawag siya ni dating pangulong Rodrigo Duterte na “drug addict.”
Ito ay nangangailangan ng konteksto.
PAHAYAG
Sa isang prayer rally sa Davao City noong Enero 28, sinabi ni Duterte na batid ng mga miyembro ng militar na si Marcos ay isang “drug addict.” Sinabi niya:
“Kayong mga military, alam ninyo ‘yan. Lalo na ‘yung nasa Malacañang, alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente, p*tang inang ‘yan.”
Pinagmulan: Rody Duterte Facebook Account, PRAYER RALLY Enero 28, 2024…, Enero 28, 2024, panoorin mula 3:52:49 hanggang 3:53:09
ANG KATOTOHANAN
Ito ang unang pagkakataon na binanggit ni Duterte ang pangalan ni Marcos kaugnay ng drug abuse. Sa talumpati noong Nob. 18, 2021 sa Calapan City, Oriental Mindoro, ibinunyag ni Duterte na isang kandidato sa 2022 presidential election ang gumagamit ng cocaine, ngunit hindi sinabi kung sino ang kanyang tinutukoy.
Sabi niya lang:
“Alam mo ang droga, kung gusto mong sirain ang buhay ng kalaban mo, magbigay ka ng droga sa anak. Maghigop. At hindi ninyo magtaka… I will not make it clear now. There’s even a presidential candidate na nag-cocaine.”
(“Alam mo ang droga, kung gusto mong sirain ang buhay ng kalaban mo, magbigay ka ng droga sa anak. Maghigop. At hindi ninyo magtaka… hindi ko na lililinawin ngayon. Mayroong kahit isang kandidato sa pagkapangulo na nag-cocaine.”)
Pinagmulan: RTV Malacañang, Joint NTF-RTF ELCAC IV-B Meeting in Oriental Mindoro 11/18/2021, Nob. 18, 2021, panoorin mula 23:32 hanggang 24:01
Sa huling bahagi ng nakaraang taon, kumalat ang mga alingawngaw na si Marcos ay nakunan ng video na gumagamit ng cocaine, na pabirong binansagan “polvoron.”
Si Duterte ay tinanong sa isang press conference sa Davao City noong Enero 7 para magkomento sa umano’y video recording. Ibinasura niya ang pahayag:
“Wala ‘yan. ‘Yang video? Well I can say, that… maraming leader dito, maraming mayor nagko-cocaine. There’s no such thing. Kasi kung and’yan pa ‘yan, antagal nang lumabas ‘yan. Wala, eh.”
(“Wala ‘yan. ‘Yang video? Ang masasabi ko, na… maraming leader dito, maraming mayor nagko-cocaine. Walang ganoong bagay. Kasi kung and’yan pa ‘yan, antagal nang lumabas ‘yan. Wala, eh.”)
Pinagmulan: Bangon Pilipinas, LIVE PRESSCON WITH FORMER PRES. RODRIGO DUTERTE, Enero 7, 2024, panoorin mula 51:27 hanggang 51:55
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
RTV Malacañang, Joint NTF-RTF ELCAC IV-B Meeting in Oriental Mindoro 11/18/2021, Nov. 18, 2021
Bangon Pilipinas, LIVE PRESSCON WITH FORMER PRES. RODRIGO DUTERTE, Jan. 7, 2024
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)