Sa pag-apela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na humingi ng kapatawaran para kay Mary Jane Veloso, isang overseas worker mula sa Nueva Ecija na nasa death row sa Indonesia dahil sa pagpuslit ng heroin sa bansang iyon, sinabi ng kanyang ama na si Cesar na hindi nakatulong ang dalawang naunang presidente sa kaso.
Ito ay hindi totoo.
PAHAYAG
Sa panayam noong Setyembre 4 sa ABS-CBN News, sinabi ng nakatatandang Veloso:
“Talagang pinaglalaban po namin ‘yan. Sana huwag naman niya po pababayaan dahil pangatlong presidente na po siya; ang dalawa walang nagawa. Ang pag-asa na lang namin, siya.”
Pinagmulan: ABS-CBN News, Mary Jane Veloso’s father recounts family’s struggle due to her imprisonment, Setyembre 4, 2022
Sa isa pang panayam kinabukasan sa programang SRO ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Veloso na hindi niya alam ang mga pagsisikap na ginawa ni dating pangulong Benigno Aquino III para iligtas ang kanyang anak na babae sa hatol na kamatayan na inilabas ng korte ng Indonesia noong 2010. Sinabi niya:
“Pero hindi po namin nabalitaan na umapela po siya.”
Pinagmulan: ABS-CBN News, SRO | Teleradyo (5 Setyembre 2022), Setyembre 5, 2022, panoorin mula 59:51 hanggang 59:56
ANG KATOTOHANAN
Pinili ni dating pangulong Rodrigo Duterte na huwag makialam sa judicial process ng Indonesia, at sinabing tatanggapin niya ang desisyon ng bansa sa kaso ni Mary Jane. Gayunpaman, gumawa ng mga hakbang ang administrasyong Aquino upang maligtas sa bitay ang nahatulang Pinay.
Noong Abril 2015, pinagkalooban si Mary Jane ng last-minute reprieve matapos hindi sumunod sa protocol si Aquino para maantala ang kanyang pagbitay sa pamamagitan ng firing squad, iniulat ng media.
Sa tweet noong Setyembre 4, sinabi ni dating presidential spokesperson Abigail Valte: “Wala naman sigurong inaasahan si PNoy na pasasalamat sa kanyang ginawa, ngunit tiyak na hindi naman mga kasinungalingan. Nilabag niya ang protocol para makuha ang reprieve na iyon para kay Mary Jane Veloso. Tanungin ang gobyerno ng Indonesia.”
Ilang oras bago ang nakatakdang pagbitay kay Mary Jane noong Abril 2015, ang yumaong pangulo ay tumawag last-minute sa telepono kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi at hiniling na si Veloso ay gawing state witness laban sa kanyang mga recruiter na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao, na sinasabing bahagi ng drug-trafficking scheme. Ang dalawa ay sumuko sa pulisya noong araw ding iyon.
Una nang sumulat si Aquino ng kahilingan para sa clemency kay dating Indonesian president Susilo Bambang Yudhoyono noong 2011, isang taon pagkatapos mahatulan ng kamatayan si Mary Jane.
Ilang araw bago ang nakatakdang pagbitay kay Veloso noong Abril 29, 2015, nagpadala muli si Aquino ng sulat kay Indonesian President Joko Widodo, na muling nag-aapela para sa clemency. Bukod sa pagpapadala ng mga sulat na humihingi ng clemency, dalawang beses ding umapela ang gobyerno ng Pilipinas para sa judicial review ng kaso ni Veloso.
BACKSTORY
Si Mary Jane ay inaresto, nilitis at hinatulan ng kamatayan noong 2010 dahil sa umano’y pagpuslit ng 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia. Sinabi niya na nalinlang siya ng isang trafficking gang para maging isang drug mule. Matapos ang 12 taon ng labanan sa korte at mga apela mula sa OFW at rights groups, ang Filipina maid at ina ng dalawa ay nananatiling nasa ilalim ng banta ng pagbitay.
Sa pagsisimula ng kanyang administrasyon, si Duterte ay umani ng batikos mula sa mga tagasuporta ni Mary Jane nang ang isang pahayagan sa Indonesia ay naglathala ng isang istorya na sumipi kay Widodo na nagsasabing “si Pangulong Duterte ay nagbigay ng kanyang pagsang-ayon na ituloy ang pagbitay.”
Ito ay kalaunan ay nilinaw bilang isang misquotation ng noo’y foreign secretary na si Perfecto Yasay, Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ni Yasay na hindi nagbigay ng pahintulot si Duterte sa pagbitay at sinabi lamang kay Widodo na iginagalang niya ang legal na proseso ng Indonesia at susunod sa pinal na desisyon nito sa kaso.
Noong 2020, hinatulang guilty sina Sergio at Lacanilao sa illegal recruitment sa magkahiwalay na kaso. Ang kaso ni Mary Jane, gayunpaman, ay mabagal na umuusad, gaya ng Court of Appeals na hinarangan ng dalawang beses ang pagkuha ng kanyang deposisyon.
Noong taon ding iyon, kinatigan ng Korte Suprema (SC) ang desisyon nito noong Oktubre 2019 na nagpapahintulot kay Mary Jane na tumestigo laban kina Sergio at Lacanilao sa pamamagitan ng deposisyon na nakasulat na interrogatories. Noong nakaraang Marso, ang SC Special Third Division ay naglabas ng isang resolusyon na tumatangging kumilos sa kahilingan ng solicitor general na maglabas ng mga bagong tagubilin para sa deposisyon ni Mary Jane.
Sa sideline ng state visit ni Marcos sa Indonesia noong Setyembre 4, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na pormal nang humiling si Foreign Secretary Enrique Manalo ng executive clemency para kay Mary Jane.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
ABS-CBN News, Mary Jane Veloso’s father recounts family’s struggle due to her imprisonment, Setyembre 4, 2022
ABS-CBN News, SRO | Teleradyo (5 September 2022), Setyembre 5, 2022
Department of Foreign Affairs, ‘NO GREEN LIGHT BY DUTERTE ON VELOSO’ -YASAY. Setyembre 12, 2016
Official Gazette, Departure Speech Of President Rodrigo Roa Duterte, Setyembre 5, 2016
Aquino ‘hindi sinunod ang protocols’ para iligtas si Mary Jane Veloso
- Inquirer.net, Aquino in last ditch effort to save Mary Jane Veloso, Abril 28, 2015
- Rappler.com, Aquino ‘broke protocol’ to save Mary Jane Veloso, Abril 29, 2015
- ABS-CBN News, Palace: Aquino broke protocol to save Veloso, Abril 30, 2015
- Abi Valte official Twitter Account, Doubtful that PNoy expected…, Setyembre. 4, 2022
Sumuko sa awtoridad ang mga umano’y drug-trafficker na sina Sergio at Lacanilao
- GMA News Online, Itinuturong recruiter umano ni Mary Jane Veloso, sumuko sa Nueva Ecija, Abril 28, 2015
- Inquirer.net, De Lima: Sergio, Lacanilao started as drug mules before turning recruiters, Mayo 6, 2015
- Rappler.com, Mary Jane Veloso recruiters were once drug mules – DOJ, Mayo 6, 2015
Aquino clemency letters kay Widodo
- Rappler.com, Aquino to Jokowi: Grant Mary Jane clemency, Abril 21, 2015
- GMA News Online, PNoy seeks clemency anew for death convict Mary Jane Veloso, Abril 21, 2015
- Reuters, Philippines may seek clemency anew for drug convict in Indonesia, Abril 30, 2015
The Jakarta Post, Duterte has given the green light for Mary Jane’s execution: Jokowi, Setyembre 12, 2016
Philippine News Agency, Indonesia’s court rejects 2nd appeal for Veloso –DFA, Abril 27, 2015
Philippine News Agency, Nueva Ecija court convicts Veloso recruiters in separate case, Enero 30, 2020
Dalawang beses hinarang ng CA ang testimonya ni Veloso
- ABS-CBN News, CA upholds ruling blocking Mary Jane Veloso testimony, Hunyo 8, 2018
- Rappler.com, CA again blocks Mary Jane Veloso’s testimony from jail in case vs recruiter, Hunyo 8, 2018
- BusinessWorld, CA upholds ruling blocking drug mule’s testimony against illegal recruiters, Hunyo 8, 2018
Supreme Court of the Philippines, SC Allows Deposition of Mary Jane Veloso Abroad, Oktubre 11, 2019
Supreme Court of the Philippines, G.R. No. 240053, Marso 21, 2022
Philippine News Agency, Press Sec. Trixie Angeles gives statement on Mary Jane Veloso case, Setyembre 6, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)