Mali ang sinabi ng abogado at environmentalist na si Robert Kennedy Jr, pamangkin ng yumaong US President John F. Kennedy, na isang bakuna ng dengue na dinebelop ng US National Institutes of Health (NIH) ay ginamit sa mga bata sa Pilipinas, na humantong sa pagtindi ng kanilang pagkakasakit at naging dahilan pa ng pagkamatay.
PAHAYAG
Sa isang guest appearance sa American online na Christian show na Joni Table Talk, nagsalita si Kennedy, kilalang-kilala sa kanyang pagkontra sa pagbabakuna, tungkol sa “panganib” ng pagbuo ng isang coronavirus vaccine, lalo na kung hindi muna susubukan ito sa hayop.
Binanggit ang ilang mga clinical trial ng mga bakuna na sinasabing nag dala ng mas maraming panganib sa mga gumamit, sinabi niya:
“In 2014, the NIH under [doctor Anthony] Fauci developed a dengue vaccine which had some signals in it that there were pathogenic priming. In other words in clinical trials, they saw some signs that you could get an antibody response but get much sicker when you were exposed, but they ignored them. They gave it to the Philippines, and they gave hundreds of thousands of children this vaccine. And when the dengue came around, those children became horribly ill and 600 of them died.
(Noong 2014, ang NIH sa ilalim ni [Doctor Anthony] Fauci ay nakagawa ng isang bakuna para sa dengue na mayroong ilang mga senyales na mayroong mga pathogen priming. Sa madaling salita sa mga clinical trial, nakita nila ang ilang mga palatandaan na makakakuha ka ng isang antibody response ngunit mas magkakasakit kapag na-expose ka, pero hindi nila pinansin ang mga ito. Ibinigay nila ito sa Pilipinas, at ginamit nila ang bakunang ito sa daan-daang libong mga bata. At nang dumating ang dengue, ang mga batang iyon ay nagkasakit nang matindi at 600 sa kanila ang namatay.)”
Pinagmulan: Daystar TV official Facebook page, Ministry Now – Robert F. Kennedy, Jr. and Del Bigtree, Mayo 20, 2020, panoorin mula 15:34 hanggang 16:05
Idinagdag ni Kennedy, anak ng dating senador ng United States at attorney general Robert Francis Kennedy, na ang “mga tao” sa Pilipinas ay “inuusig” ngayon dahil sa pagkamatay ng mga batang gumamit ng bakunang laban sa dengue.
ANG KATOTOHANAN
Hindi bakuna ng NIH para dengue kung hindi Dengvaxia, na ginawa ng French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur, ang ibinigay sa mahigit 830,000 mga mag-aaral sa public school sa Pilipinas noong ipinatupad ang kontrobersyal na dengue immunization program ng Department of Health (DOH) .
Habang ang Dengvaxia ay na debelop ni Propesor Thomas Chambers sa Saint Louis University sa Missouri, U.S., noong 1997, ang rights sa bakuna ay lisensyado para sa karagdagang pananaliksik sa Acambis, Inc. Nabili ng Sanofi Pasteur, ang kasosyo nito sa pagsasagawa ng mga clinical trial para sa bakuna, ang Acambis, Inc. noong 2008.
Bagaman ang NIH, sa pamamagitan ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) na pinamumunuan ni Fauci, ay nagsasagawa ng sariling pananaliksik sa mga bakuna laban sa dengue, wala sa mga ito ang ginamit sa immunization program ng DOH.
Ang mga bakuna ng dengue na TV003 at TV005 na dinebelop ng NIAID, sa pakikipagtulungan sa pribadong pharmaceutical and research companies, ay sumasailalim pa rin sa mga clinical trial. Wala sa dalawang ito ang nasubok sa mga tao sa Pilipinas hanggang ngayon, batay sa mga talaan ng US Clinical Trials registry.
Samantala, ang Dengvaxia, ang una at tanging naaprubahan na bakuna ng dengue noong sinimulan ng DOH ang immunization program noong Abril 2016, ay ginamit sa mga estudyante ng grade 4 sa Regions III (Central Luzon), IV-A (Southern Luzon), at National Capital Region (Metro Manila), kung saan pinakamataas ang mga kaso ng dengue nang taong iyon.
Ang Pilipinas, Mexico, Brazil, at El Salvador ang mga bansa kung saan nakarehistro ang Dengvaxia. Narehistro ito sa Pilipinas noong Disyembre 2015, ngunit ang pahintulot para maibenta ang bakuna ay permanenteng binawi noong Agosto 2019 kasunod ng kabiguan ng Sanofi Pasteur na magsumite ng mga post-marketing authorization document. Inaprubahan ng Food and Drug Administration (U.S. FDA) ang lisensya ng bakuna lamang noon Mayo 2019.
Ang vaccination program ay “inihinto” noong Disyembre 2017 kasunod ng mga bagong natuklasan mula sa Sanofi Pasteur na ang Dengvaxia ay maaaring magdulot ng “malalang sakit” kalaunan sa mga taong hindi nahawahan ng dengue bago ang pagbabakuna.
Bago pa man lumabas ang Sanofi Pasteur disclosure, ang programa ay nahaharap sa pagsisiyasat ng publiko dahil sa mga ulat ng mga pagkamatay ng mga mag-aaral, kasama ang isang doktor ng gobyerno, na iniuugnay sa Dengvaxia.
Ang mga paratang ay nag-udyok ng isang serye ng mga pagsisiyasat sa parehong kapulungan ng Kongreso. Ang mga imbestigasyon na ito ay humantong sa pagsampa ng iba’t ibang mga kaso, na nakabimbin pa, laban sa ilang mga pangunahing opisyal ng DOH at Sanofi Pasteur sa umano’y mga iregularidad sa programa ng pagbabakuna at pagkamatay ng mga bata na nauugnay sa Dengvaxia.
Batay sa 2018 report ng Philippine General Hospital Dengue Investigative Task Force (PGH DITF), ang independiyenteng grupo ng mga manggagamot na inatasan ng DOH para imbestigahan ang pagkamatay ng mga bata na nauugnay sa Dengvaxia, tatlo sa 14 na pagkamatay ay lumabas na may “magkakatulad na dahilan na may kaugnayan” sa bakuna. Ngunit sinabi ng task force na kinakailangan ng karagdagang pagtatasa ng DOH Pharmacovigilance Team upang matukoy ang tiyak na sanhi ng pagkamatay ng mga bata.
Sinabi ni Persida Acosta, chief ng Public Attorney’s Office na nagsampa ng mga kaso sa ngalan ng ilang pamilya na umano’y mga biktima ng Dengvaxia, noong Pebrero na mayroong “153 na biktima ng bakuna.” Ngunit ang PAO ay naharap sa maraming mga katanungan noong nakaraan dahil sa maling pag-uugnay ng mga pagkamatay sa bakunang Dengvaxia.
Ang maling pahayag ni Kennedy sa Joni Lamb show ay naging viral sa social media. Ang isang limang minutong bahagi ng pakikipanayam kung saan niya sinabi ang maling impormasyon na isang bakuna ng dengue na ginawa ng United States ay ibinigay sa mga batang Pilipino ay umiikot sa Facebook at YouTube, umabot sa higit sa 500 shares at 14,000 views hanggang noong Hunyo 10.
Ang paninindigan ni Kennedy na laban sa bakuna ay binabatikos kahit ng kanyang sariling mga kamag-anak dahil sa pagpapalaganap ng “mapanganib na disinformation sa social media” at pagiging “kasabwat sa paghahasik ng kawalan ng tiwala sa agham sa likod ng mga bakuna.”
Sa isang 2019 Politico column, sinabi ng nakatatandang kapatid ni Kennedy na si Joseph P. Kennedy II, kapatid na Kathleen Kennedy-Townsend, at pamangkin na Maeve Kennedy-McKean, na sa isyu ng bakuna, siya ay isang “outlier” sa pamilya Kennedy, na mayroong isang “kasaysayan [ng paglilingkod] bilang mga tagapagtaguyod ng kalusugan ng publiko at tagapagtangkilik ng mga kampanya ng pagbabakuna.”
Mga Pinagmulan
Anti-vaccination stance of Kennedy
- Politico, RFK Jr. Is Our Brother and Uncle. He’s Tragically Wrong About Vaccines., May 8, 2019
- NBC, Robert F. Kennedy Jr.’s own family calls his anti-vaccine crusade ‘dangerous’ and ‘wrong’, May 9, 2019
- Time, Robert F. Kennedy Jr. Family Members Condemn His ‘Tragically Wrong’ Vaccine Views, May 8, 2019
Daystar TV official Facebook page, Ministry Now – Robert F. Kennedy, Jr. and Del Bigtree, May 20, 2020
Department of Health, DOH-CAR on Dengue Vaccine Dengvaxia, Dec. 1, 2017
National Center for Bio, Development of TV003/TV005, a single dose, highly immunogenic live attenuated dengue vaccine; what makes this vaccine different from the Sanofi-Pasteur CYD™ vaccine?, Dec. 2, 2015
Clinical Trials, TV003, Accessed June 7, 2020
Clinical Trials, TV005, Accessed June 7,2020
World Health Organization, Dengue vaccine research, Accessed June 7, 2020
Official Gazette, President Aquino speaks at the launching of dengue vaccine school-based immunization in Region III | GOVPH, April 5, 2016
Saint Louis University, World’s First Dengue Vaccine Originated from SLU Research,approved for use in Mexico.., 2015
Sanofi, World’s First Public Dengue Immunization Program Starts
in the Philippines, April 7, 2016
Department of Health, DOH UPHOLDS FDA, DENIES SANOFI APPEAL ON DENGVAXIA CPRs, Aug. 22, 2019
U.S. Food and Drug Administration, May 1, 2019 Approval Letter – DENGVAXIA, Accessed June 7, 2020
Department of Health, DOH PUTS DENGUE IMMUNIZATION ON HOLD AFTER NEW FINDINGS FROM SANOFI-PASTEUR, Dec. 1, 2017
Sanofi,Sanofi updates information on dengue vaccine, Nov. 29, 20
Doctor, an alleged victim of Dengvaxia
- Philstar.com, Dengvaxia suspected in doctor’s death, April 25, 2018
- ABS-CBN News, Garin, 38 others face raps over doctor’s death allegedly due to Dengvaxia, Jan. 24, 2019
- Rappler.com, PAO links doctor’s death to Dengvaxia, files 31st complaint, Jan. 24, 2019
Senate of the Philippines,Press Release – Gordon: More medical experts, not Noynoy, invited to next Blue Ribbon hearing on dengue vaccine probe, Dec. 11,2016
Department of Justice, DOJ panel finds probable cause for criminal negligence in Dengvaxia probe, March 1, 2019
University of the Philippines, Executive Summary: Report of the PGH Dengue Investigative Task Force, March 8, 2018
153 alleged victims of Dengvaxia
- Manila Bulletin, “Acosta unsurprised over DOJ decision to indict Garin over 8 Dengvaxia deaths, Feb. 22, 2020
- Manila Standard, PAO readies more cases as vaccine claims 13-year-old its 153rd victim, Feb. 24, 2020
- Persida Rueda-Acosta official Facebook page, Dengvaxia…,, Feb. 18, 2020
PAO questioned by expert
- Inquirer.net, PAO gave ‘false conclusion’ linking Dengvaxia to deaths – pathologist, Nov. 21, 2018
- CNN Philippines, Pathologist refutes PAO’s claims linking Dengvaxia to children’s deaths, Nov. 21, 2018
- Interaksyon, DOH blames Persida Acosta for decline in vaccinations and rise of measles cases, Jan. 31, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)